Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD

FAQ o Madalas na Katanungan
NFT

Paano kita matutulungan?
Mga Function ng Account
Tutorial
Binance Fan Token
Binance Earn
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Bumili ng Crypto (Fiat/P2P)
Spot & Margin Trading
Mga Derivative ng Crypto
Pananalapi
API
Seguridad
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
NFT
VIP

Paano Magbenta ng NFT sa Marketplace ng Binance NFT

2021-07-05 03:43
Puwede mong ibenta ang iyong mga NFT at Mystery Box sa Marketplace ng Binance NFT gamit ang fixed na presyo, Auction, o pagtanggap ng mga alok ng mga mamimili. Puwede ka ring tumanggap ng mga bayad sa ilang iba't ibang cryptocurrency.
Bilang isang Creator, makakatanggap ka rin ng 1% bayad sa royalty para sa anumang kasunod na pag-trade ng iyong NFT sa platform. Makakakuha rin ang mga nagdeposito ng parehong benepisyo para sa anumang panlabas na NFT na dadalhin nila sa Marketplace.
Nagbebenta ka man ng NFT na ginawa mo o nasa iyong koleksyon, ang proseso ay magkatulad at direkta. Susuriin ng team ng Binance ang isinumite mo bago ito ilista sa Marketplace ng Binance NFT.

Paano maglista ng NFT?

Isa sa mga pinakakapana-panabik na feature para sa mga creator sa Marketplace ng Binance NFT ay ang pag-mint ng mga non-fungible token. Bagama't nagbibigay-daan sa iyo ang ibang platform na gumawa ng mga NFT, ang Binance ay ang pinakamalaking palitan ng crypto na nagbibigay-daan sa iyong mabilis na makapag-mint ng mga non-fungible token. Sa kasalukuyan, mga paunang naaprubahang creator ang pinapayagang mag-mint ng mga NFT gamit ang platform. Sa nalalapit na hinaharap, magiging bukas ang feature na ito para sa lahat ng nakarehistrong user.
Para sa higit pang detalye, sumangguni sa Paano Gumawa ng Iyong Sariling NFT sa Binance.
Puwede kang maglista ng kakagawa mo lang na NFT mula sa screen na [Nakumpleto na ang Pag-mint]. I-click ang [Maglista ng NFT] at makikita mo ang mga opsyon sa paglilista. 
Puwede ka ring magdagdag ng paglalarawan para sa NFT. Siguraduhing isama ang anumang dagdag na feature na posibleng mayroon ito, halimbawa, anumang posibleng silbi nito sa isang laro. Tandaan na puwede lang magdagdag ng mga paglalarawan kapag nagmi-mint ng NFT. Hindi ito mae-edit pagkatapos magawa ang NFT. Kapag nag-resell ka ng NFT, hindi mo mae-edit ang paglalarawan.
Para maglista ng NFT na nasa iyong koleksyon, pumunta sa [Profile] - [User Center] - [Asset]. 
I-click ang [NFT Asset] o [Mga Mystery Box] para hanapin ang NFT na gusto mong ilista. Mag-hover sa item at i-click ang [Maglista ng NFT].
Puwede ka ring pumunta sa page ng paglalarawan ng NFT at mag-click sa [Maglista ng NFT].

Paano i-set up ang listing ng NFT mo?

1. Pumili ng iyong paraan ng pagbebenta. Piliin ang [Nakatakdang Presyo] o [Pinakamataas na Bid]. 
  • Nakatakdang Presyo: Puwedeng bilhin agad ng mga mamimili ang iyong NFT sa itinakda mong presyo.
  • Pinakamataas na Bid: Io-auction ang iyong NFT at ibebenta ito sa pinakamataas na bidder.
1.1 Kung Nakatakdang Presyo ang gagamitin mo:
Piliin ang crypto na gusto mong matanggap ang ilagay ang presyo ng bentahan ng iyong NFT. Gamit ang function na ito, makakapagbigay rin ng alok ang mga mamimili sa iyong NFT. 
1.2 Kung Pinakamataas na Bid ang gagamitin mo:
1.2.1 Piliin ang crypto na gusto mong matanggap at ilagay ang minimum na halaga ng bid para sa iyong pagbebenta. Ito ang presyo kung saan magsisimula ang pag-bid. 
1.2.2 Puwede mo ring ilagay ang gusto mong selling price (buy-out price) sa ilalim ng [Mag-auction ng Bid] (para sa mga pagbebenta ng NFT) o [Buy-out Price] (para sa mga pagbebenta ng Mystery Box). Mabibili agad ng mga mamimili ang item kung iaalok nila ang buy-out price o kapag umabot ang auction sa presyong ito. 
1.2.3 Piliin ang minimum na porsyento ng markup. Nililimitahan nito ang bid ng mamimili para maging 5%, 10%, o 20% mas mataas kaysa sa minimum na pagtaas ng presyo. 
2. Makakapagpasya kang ilista agad ang NFT pagkatapos suriin ng aming team ang listing mo. Tandaan na karaniwang inaabot nang 4-8 oras ang pagsusuri. 
Puwede ka ring pumili ng partikular na oras at petsa ng paglilista. Ang pinakamaagang oras na puwede mong itakda ay 12 oras pagkasumite ng listing para sa pagsusuri. Kung hindi pa rin kumpleto ang pagsusuri pagdating ng gusto mong oras ng paglilista, ililista namin agad ang iyong NFT pagkaapruba namin.
3. Itakda ang petsa at oras para sa pagbebenta ng NFT mo. Dapat na hindi bababa sa 12 oras at hindi lalampas sa 7 araw ang pagbebenta mula sa oras ng paglilista. 
4. Pumili ng naaangkop na kategorya para sa iyong NFT. Makakatulong ito sa mga mamimili para mas madali nilang mahanap ang NFT mo.
5. Siguraduhing babasahin mo at nauunawaan mo ang bayaring nauugnay sa pagbebenta ng iyong NFT bago mo i-click ang [Isumite]. Manu-manong susuriin ng team ng Binance ang bawat NFT bago ito ilista para matiyak na nakakatugon ito sa aming mga pamantayan. Karaniwang inaabot nang 4-8 oras ang prosesong ito. Maging matiyaga sa paghihintay. Aabisuhan ka kapag nailista na ang iyong NFT. 
6. Para tingnan ang mga nailista mong NFT o Mystery Box, pumunta sa [User Center] - [Asset] - [Ibinebenta].

Paano tumanggap ng alok sa NFT?

1. Kapag may mamimili na nagbigay ng alok sa iyong NFT o Mystery Box, makakatanggap ka ng notification sa [User Center]. Para tingnan ang alok, pumunta sa [Profile] - [User Center] - [Mga Alok] at i-click ang [Mga Natanggap na Alok].
Tandaan na kung mahigit sa 1 alok ang matatanggap mo para sa iisang item, ang pinakamataas na alok lang ang makikita mo para sa bawat crypto. 
2. Para tanggapin ang isang alok, i-click ang [Tanggapin]
3. Susunod, i-click ang [Kumpirmahin] para kumpirmahin ang pagtanggap mo sa alok.