Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan

Paano gamitin ang Tool na TradingView ng Binance Web

Binance
2021-05-10 06:34
Video na Tutorial
Ang interface ng pag-trade sa Binance ay naglalaman ng isang hanay ng napakahusay na mga tool at opsyon para tulungan ka sa pagsusuri ng iyong pag-trade. Kabilang dito ang mga sumusunod:
  • Mga candlestick chart
  • Mga depth chart
  • Mga agwat ng panahon
  • Mga tool sa drawing
  • Mga teknikal na indicator
Sa TradingView, makakagawa ang mga user ng mga naka-customize na hanay ng mga tool para sa teknikal na pagsusuri. Tingnan natin kung paano ito ginagamit sa Binance.

Pagbubukas ng TradingView

Naa-access ang TradingView at ang mga tool sa pag-trade sa mga Classic at Advanced na bersyon ng ating UI. Nagbibigay ng magkakaiba at nae-edit na layout ng UI ang dalawang view na ito, at puwedeng magpalipat-lipat dito anumang oras.
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at mag-hover sa button na [Mag-trade] bago mag-click sa [Advanced] o [Classic].
2.I-click ang [TradingView] sa itaas ng chart para sa kumpletong access sa mga tool sa pag-trade na available at mga candlestick chart.
Mapapansin mo na ipinapakita na sa chart ang mga moving average. Puwede mong i-access ang mga setting ng mga ito sa pamamagitan ng pag-click sa icon na [Mga Setting] sa pulang kahon na ipinapakita sa ibaba. Isinasaayos ang bawat moving average ayon sa partikular na yugto ng panahon. Halimbawa, ang MA(7) ay ang moving average ng pitong candle ng iyong agwat ng panahon (hal., 7 oras kung gumagamit ka ng 1H na chart o 7 araw kung isa itong 1D na chart).
  • MA(7) - Purple
  • MA(25) - Pula
  • MA(99) - Cyan
Nagbibigay ang [Lalim] ng biswal na representasyon ng mga hindi pa napupunang buy/sell order sa order book.

Mga Candlestick Chart

Ang mga candlestick chart ay isang graphical na representasyon ng mga paggalaw ng presyo ng isang asset. Nako-customize ang yugto ng panahon ng bawat candlestick at puwede nitong ipakita ang isang partikular na panahon. Naglalaman ang bawat candlestick ng open price/close price/high price/low price, kasama na highest price at lowest price sa yugto ng panahon.
Para sa higit pang detalyadong impormasyon sa kung paano gumagana ang mga candlestick, basahin ang aming Gabay sa Baguhan para sa Mga Candlestick Chart ng Binance Academy.
Para i-customize ang iyong candlestick chart, mag-double click sa alinman sa mga candle sa [TradingView] para ipakita ang mga setting nito.
  • Sa pamamagitan ng [Estilo], mababago mo ang hitsura ng iyong mga candlestick.
  • Nagbibigay ang [Mga Scale] ng iba't ibang opsyon para sa pag-scale at margin ng mga candlestick mo, kabilang ang Awtomatikong Scale, Scale ng Log, at Scale ng Porsyento.
  • Nagbibigay ang [Background] ng mga opsyon para baguhin ang hitsura ng background ng candlestick chart.
  • Nagbibigay-daan sa iyo ang [Timezone/Mga Sesyon] na piliin ang timezone mo.

Mga Agwat ng Candlestick

Puwedeng baguhin ang yugto ng panahong kinakatawan ng bawat candlestick sa pamamagitan ng pagpili ng isa sa mga default na opsyon sa itaas ng graph. Kung kailangan mo ng higit pang agwat, i-click ang pababang arrow sa kanang bahagi.
Dito, puwede kang pumili ng bagong agwat o puwede mong pindutin ang button na [I-edit] para magdagdag pa ng mga agwat sa mga default mong opsyon.

Mga tool sa drawing

Sa kaliwang bahagi ng chart makikita ang ilang tool at opsyon sa drawing para tulungan ka sa pagsusuri mo ng chart. Puwede ka ring mag-right click sa bawat tool para makakita ng mga variation ng pangunahing function ng tool.
Naglalaman ng mga sumusunod na tool ang mga default na opsyon:

Mga Sikat na Basic Tool

Long/short na posisyon

Nagbibigay/daan sa iyo ang tool ng long o short na posisyon na subaybayan o i-simulate ang isang posisyon sa pag-trade. Puwede mong manu-manong isaayos ang mga antas ng Entry Price, Take Profit, at Stop-Loss. Pagkatapos, makikita mo na ang katumbas na ratio ng panganib/reward.
1. Piliin ang tool ng [Long na Posisyon] o [Short na Posisyon].
2. Mag-click sa graph para gawin ang iyong long/short na posisyon. Kinakatawan ng bahaging naka-shade ng berde ang iyong target (potensyal na kita), samantalang ang pula naman ay ang iyong stop-loss na bahagi (potensyal na pagkalugi). Sa gitna, makikita mo ang ratio ng panganib/reward.
3. I-drag ang mga border ng kahon para baguhin ang iyong Ratio ng Panganib/Reward. Ipinapakita ng Target ang pagkakaiba ng presyo ng iyong Entry Price at ang antas ng Take Profit. Ipinapakita ng Stop ang pagkakaiba ng presyo ng iyong entry price at antas ng Stop-Loss.
I-double click ang chart ng Long na Posisyon/Short na Posisyon para isaayos ang mga setting nito. Puwede mong baguhin ang halaga ng pamumuhunan sa ilalim ng [Laki ng Account] pati na ang iyong porsyento ng panganib. Sa pamamagitan ng [Mga Coordinate], puwede mong baguhin ang numero ng iyong Take Profit, Entry Price, at Stop Level, samantalang nagbibigay naman ng graphical na pag-customize ang [Visibility].

Linya ng trend

Madali kang makakapagdagdag ng mga linya ng trend sa iyong chart para umakma sa iyong mga paraan ng teknikal na pagsusuri. Para sa higit pang impormasyon sa mga linya ng trend sa pangkalahatan, bisitahin ang aming gabay na Pagpapaliwanag tungkol sa Mga Linya ng Trend sa Binance Academy.
Para gumawa ng mga linya ng trend, i-click lang ang tool na [Linya ng Trend] at piliin ang mga simula at dulong point ng linya ng trend mo.
Nasa ibaba ang isang halimbawa ng simpleng linya ng trend na nagpapakita ng mga posibleng entry point sa merkado. Nako-customize ang kapal, kulay, at iba pang feature gamit ang nakalutang na toolbox.

Mga Teknikal na Indicator

Puwedeng idagdag sa trading view ang mga teknikal na indicator, gaya ng Moving Average o Mga Bollinger Band.
I-click ang icon ng [Teknikal na Indicator] para sa isang listahan ng lahat ng available na opsyon.
Kapag nakapili ka na ng teknikal na indicator, makikita ito sa candlestick chart.

Paano i-reset ang chart

Para alisin ang mga teknikal na indicator, mag-click lang dito para palabasin ang lumulutang na tool box, pagkatapos ay mag-click sa icon na basurahan.
Kung gusto mong i-reset ang buong chart, mag-right click saanman sa chart at i-click ang [I-reset ang Chart], o pindutin ang [Alt + R] sa iyong keyboard.
Ito na ang lahat ng pangunahing kaalaman para makapagsimula ka. Simulan na ang paggamit ng mga tool ng TradingView sa Binance para sa iyong teknikal na pagsusuri.
Mga Kaugnay na Artikulo
Gabay para sa Mga Baguhan sa Binance