Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD

FAQ o Madalas na Katanungan
Binance Earn

Paano kita matutulungan?
Mga Function ng Account
Tutorial
Binance Fan Token
Binance Earn
Binance Earn
Launchpad at Launchpool
Binance Pool
Flexible Savings
Locked Savings
Mga Aktibidad
Auto-Invest
BNB Vault
Locked Staking
DeFi Staking
Pag-farm ng Liquidity
Dual na Pamumuhunan
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Bumili ng Crypto (Fiat/P2P)
Spot & Margin Trading
Mga Derivative ng Crypto
Pananalapi
API
Seguridad
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
NFT

Paano Magsimula sa Binance Earn sa Binance Lite

2021-09-28 01:07
Ang Binance Lite ay isang bagong opsyon sa Binance App na mas nagpapadali pa ng pagbili ng crypto. Nag-aalok ito ng maayos na interface na nakatuon sa pagiging simple, bilis, at dali ng paggamit. Magagamit mo na ngayon ang bagong feature na [Binance Earn] sa pamamagitan ng Lite mode para magkaroon ng passive na kita.

Paano gamitin ang Binance Earn sa Binance Lite

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance sa App. I-tap ang banner ng Binance Earn sa homepage ng Binance Lite.
2. Piliin ang mga gusto mong produkto at i-tap ang [Mag-subscribe]. Halimbawa, BNB Vault. 
Siguraduhing nasa iyo ang kaugnay na token bago ka mag-subscribe.
3. Ilagay ang halaga ng subskripsyon, basahin at sang-ayunan ang Kasunduan sa Serbisyo ng Binance Savings, at lagyan ng check ang kahon sa tabi nito. Pagkatapos, i-tap ang [Kumpirmahin].
4. Ngayon, handa ka na! Para tingnan ang iyong subskripsyon, i-tap ang [Mga Hawak Ko] mula sa page ng [Binance Earn], o i-tap ang [Mga Wallet] - [Earn] mula sa homepage ng App.

Ano ang Flexible Savings?

Nagbibigay-daan sa iyo ang Flexible Savings na i-redeem ang iyong mga asset sa tuwing kailangan mo ang mga ito. Katulad ito ng demand na deposito ng bangko, puwede mong ideposito ang iyong crypto at puwede kang kumita ng interes araw-araw mula sa iyong mga hindi aktibong pondo.
Panoorin ang aming tutorial para sa higit pang impormasyon. 

Ano ang BNB Vault?

Ang BNB Vault ay isang serbisyo sa pagkita sa isang pag-click lang para sa mga hawak mong BNB. Isa itong produkto ng pamumuhunan na may garantisadong kapital na may madaling gamiting interface. Makakatulong ito sa iyong i-maximize ang kita ng mga BNB mula sa centralized at decentralized finance sa pamamagitan ng pag-integrate ng iba't ibang produkto ng Binance sa ecosystem ng Binance. Nagbibigay-daan din ito sa mga HODLer ng BNB na ma-maximize ang mga yield at matanggap ang lahat ng benepisyo mula sa bawat available na pagkakataon!
Panoorin ang aming tutorial para alamin ang higit pa.