Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Pananalapi
Binance Pay

Paano Gamitin ang Crypto Box at Mga Madalas Itanong

Binance
2021-06-03 03:54

Ano ang Crypto Box?

Ang Crypto Box ay isang bagong feature ng Binance Pay na nagbibigay-daan sa iyong makapagpadala ng mga regalong crypto sa iyong mga kaibigan. Puwede kang gumawa ng isang Crypto Box at ipamahagi ito sa isang grupo ng mga kaibigan. Kapag nag-claim sila ng regalo gamit ang box code na makikita sa Binance App, makakatanggap sila ng random na halaga ng crypto na inilagay mo sa Box.

Paano gumawa ng Crypto Box?

1. Mag-log in sa iyong Binance App at i-click ang [Pay] - [Crypto Box] - [Gumawa] - [Gumawa Ngayon].
2. Ilagay ang Kabuuang Halaga ng Box, Bilang ng Mga Regalo at Mga Hiling na Regalo. I-click ang [Magpatuloy]
3. Kumpirmahin ang mga detalye ng pagbabayad at i-click ang [Kumpirmahin].
4. Ilagay ang iyong Pay PIN para kumpirmahin ang pagbabayad.
5. May lalabas na box code para sa iyong Crypto Box. Puwede mong ibahagi ang box code sa iyong mga kaibigan sa pamamagitan ng pag-click sa [Kopyahin ang Code],[Ibahagi ang Larawan] o [I-save ang Larawan]. Puwede nang i-claim ng iyong mga kaibigan ang iyong Crypto Box gamit ang Binance App.
Ibahagi ang iyong box code nang pribado sa iyong mga piniling tatanggap lang, dahil puwedeng gamitin ang code ng kahit sinong may alam nito para i-claim ang iyong regalong box.

Paano ako magke-claim ng Crypto Box?

1. Mag-log in sa iyong Binance App at i-click ang [Pay] - [Crypto Box] - [Mag-claim].Ilagay ang box code at i-click ang [Mag-claim Ngayon].
2. I-click ang [Buksan] para ma-claim ang Crypto Box.
3. Makikita mo ang halaga ng crypto na na-claim mula sa box. Ang na-claim na crypto ay ike-credit sa balanse sa iyong Pay Wallet.
Tandaan: 
1. May panahon ng timeout na ipapataw para sa pag-claim ng mga Crypto Box kung lalampas ka sa maximum na bilang ng maling pagtatangka sa paglagay ng box code. Tiyakang tama ang box code na ilalagay mo.
2. Hindi pinapayagang mag-claim nang maraming beses ang isang user para sa isang Crypto Box.
3. Hindi ka makakapag-claim ng Crypto Box kapag na-redeem na ang lahat ng laman nito.
4. Para sa kaligtasan, malo-lock ang iyong account nang 5 oras pagkatapos ng 10 sunod-sunod na maling pagtatangka sa paglagay ng mga box code. Kapag na-lock ang iyogn account, hindi ka makakapag-claim ng anumang Crypto Box.

Mag-e-expire ba ang Crypto Box?

Valid sa loob ng 24 na oras ang mga Crypto Box. Ang mga hindi na-claim na regalo ay ibabalik sa Pay Wallet ng may-ari ng box pagkatapos ng 24 na oras.

Puwede ko bang i-convert ang na-claim kong crypto sa fiat currency?

Ang crypto na na-claim mo mula sa Crypto Box ay make-credit sa iyong Binance Pay Wallet. Puwede kang maglipat ng mga asset sa iyong Fiat at Spot Wallet at mag-cash out sa pamamagitan ng mga available na opsyon sa fiat para sa iyong bansa. 
Tandaan na kung pampubliko mong ibinigay ang code ng iyong Crypto Box sa iyong mga kaibigan, gaya ng sa mga social media platform, posibleng magkaroon ng access sa code ang mga taong hindi mo kilala at i-claim nila ang iyong Crypto Box. Kaya, ibigay lang ang box code sa mga pinili mong tatanggap

Disclaimer

Nakalaan sa Binance ang lahat ng karapatan para ihinto ang anumang aktibidad ng Crypto Box, ibalik ang mga pondo sa pinagmulang may-ari, at i-ban ang sinumang user kung matutukoy na sangkot sila sa anumang kontrobersyal na aktibidad.
(*Para maging mas madali itong maintindihan ng user, ang Disclaimer ay puwedeng isalin sa iba't ibang wika. Kung sakaling may pagkakaiba sa pagitan ng iba't ibang bersyon ng wika, ang bersyong Ingles ang mananaig.)
Mga Kaugnay na Artikulo
Ano ang Binance Pay