Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan

Paano Bumili ng Cryptocurrency sa Homepage ng Binance

Binance
2021-08-02 08:57
Tutorial na Video
Bago ka makapagsimulang mag-trade, kailangan mo munang bumili ng mga cryptocurrency. May ilang paraan para bumili ng mga cryptocurrency mula sa homepage ng Binance, kasama na ang Credit/Debit Card, Balanse sa Cash, at P2P.
Bago magsimula, siguraduhing nakumpleto mo na ang pag-verify sa pagkakakilanlan.

Paano bumili ng crypto gamit ang Credit/Debit Card

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Bumili Ngayon] sa banner sa homepage.
2. Mapipili mong bumili ng crypto gamit ang iba't ibang fiat currency. Ilagay ang halaga ng fiat na gusto mong gastusin at awtomatikong ipapakita ng system ang halaga ng crypto na puwede mong makuha. I-click ang [Magpatuloy].
3. Mapipili mo rito ang gusto mong paraan ng pagbabayad. Para bumili gamit ang credit/debit card, i-click ang [Visa/Mastercard] - [Magpatuloy].
4. Sundin ang mga tagubilin at ilagay ang impormasyon ng iyong card.
5. Idaragdag ang iyong card. I-click ang [Magpatuloy].
6. Tingnan ang mga detalye ng pagbabayad at bayarin at kumpirmahin ang iyong order sa loob ng 1 minuto, kung hindi, kakalkulahin ulit ang halaga ng crypto na puwede mong makuha batay sa kasalukuyang market price. Puwede mong i-click ang [I-refresh] para makita ang bagong halaga ng order.
7. Ire-redirect ka sa Page ng Transaksyong May OTP ng iyong bangko. Sundin ang mga tagubilin sa screen para i-verify ang pagbabayad. Pagkatapos noon, makikita mo agad ang biniling crypto sa iyong Binance Spot Wallet.
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Bumili Ngayon] sa banner sa homepage.
2. Ilagay ang halaga ng fiat na gusto mong gastusin at awtomatikong ipapakita ng system ang halaga ng crypto na puwede mong makuha. I-click ang [Magpatuloy].
3. I-click ang [Balanse sa Cash] - [Magpatuloy].
Tandaan na kung wala kang sapat na balanse sa iyong account, ire-redirect ka sa page na [Mga Deposito] para magdeposito.
4. Tingnan ang mga detalye ng pagbabayad at bayarin at kumpirmahin ang iyong order sa loob ng 1 minuto, kung hindi, kakalkulahin ulit ang halaga ng crypto na puwede mong makuha batay sa kasalukuyang market price. Puwede mong i-click ang [I-refresh] para makita ang bagong halaga ng order.
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Bumili Ngayon] sa banner sa homepage.
2. Ilagay ang halaga ng fiat na gusto mong gastusin at awtomatikong ipapakita ng system ang halaga ng crypto na puwede mong makuha. I-click ang [Magpatuloy].
3. Piliin ang gusto mong paraan ng pagbabayad sa ilalim ng [P2P] at i-click ang [Magpatuloy].
4. Awtomatikong itutugma ng system ang iyong buy order sa ad ng isang nagbebenta sa merkado. Makikita mo rito ang mga detalye ng pagbabayad. Pakilipat ang mga pondo sa loob ng panahong tinukoy ng nagbebenta at i-click ang [Nailipat na, Susunod] kapag nakumpleto na ito.
5. Pagkatapos, titingnan ng nagbebenta kung natanggap na niya ang bayad mo at ire-release niya ang crypto sa iyong account.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa P2P trading, bisitahin ang FAQ tungkol sa P2P trading ng Binance.
Mga Kaugnay na Artikulo
Gabay para sa Mga Baguhan sa Binance