Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD

FAQ o Madalas na Katanungan
Auto-Invest

Paano kita matutulungan?
Mga Function ng Account
Tutorial
Binance Fan Token
Binance Earn
Binance Earn
Launchpad at Launchpool
Binance Pool
Flexible Savings
Locked Savings
Mga Aktibidad
Auto-Invest
BNB Vault
Locked Staking
DeFi Staking
Pag-farm ng Liquidity
Dual na Pamumuhunan
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Bumili ng Crypto (Fiat/P2P)
Spot & Margin Trading
Mga Derivative ng Crypto
Pananalapi
API
Seguridad
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
NFT

Ano ang Auto-Invest at Paano Ito Gamitin

2021-12-01 01:39

Ano ang Auto-Invest?

Sa Auto-Invest, mao-automate mo ang pamumuhunan sa crypto at puwede kang magkaroon ng passive na kita. Ito ay isang dollar-cost averaging (DCA) na diskarte sa pamumuhunan. Mapipili mo ang cryptocurrency na gusto mong bilhin araw-araw, linggo-linggo, bawat dalawang linggo, o buwan-buwan. Awtomatikong madedeposito sa iyong Flexible Savings account ang binili mong crypto, kaya puwede kang magkaroon ng passive na kita sa mga pamumuhunan mo. 
Sa kasalukuyan, sinusuportahan ng Auto-Invest ang pagbili ng BTC, ETH, at BNB. Marami pang cryptocurrency ang idaragdag sa hinaharap. 

Paano gumamit ng Auto-Invest?

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at pumunta sa [Pananalapi] - [Binance Earn]
2. I-click ang [Auto-Invest].
3. Makikita mo ang available na crypto para sa mga subskripsyon sa Auto-Invest. 
Bago ka mag-subscribe, puwede mong piliin ang timeframe ng isang asset para matingnan ang na-simulate na ROI. Puwede mo ring i-click ang icon ng chart para makita ang dating performance ng asset.  
Para gumawa ng Auto-Invest plan, i-click ang [Gumawa ng plan] sa tabi ng asset na gusto mong bilhin. 
4. May makikita kang pop-up na window. Ilagay ang halaga ng subskripsyon at ang stablecoin na gusto mong gamitin. Sa kasalukuyan, sinusuportahan namin ang USDT at BUSD. Piliin ang umuulit na cycle mula araw-araw, linggo-linggo, bawat dalawang linggo, o buwan-buwan. Puwede ka ring pumili ng partikular na araw at oras para sa pagbili.
Mapipili mo ring i-enable ang [Gamitin ang Balanse sa Flexible Savings]. Kapag naka-enable ito, kung wala kang sapat na balanse sa iyong Spot Wallet, awtomatikong ire-redeem ng system ang mga asset mula sa iyong Flexible Savings account para makumpleto ang pagbili.
Suriin ang buod at i-click ang [Kumpirmahin] para mag-subscribe.
5. Makikita mo ang iyong mga kasalukuyang Auto-Invest plan sa ilalim ng [Ang Aking Auto-Invest Plan]
Para pamahalaan ang iyong mga Auto-Invest plan, i-click ang [Pumunta sa Earn Wallet]
Para tingnan ang iyong kasaysayan ng pagbili ng Auto-Invest, i-click ang [Pumunta sa Kasaysayan].
5.1. Pumunta sa [Auto-Invest Plan] para tingnan ang lahat ng iyong plan. 
Para i-pause o ipagpatuloy ang isang plan, i-toggle ang button sa ilalim ng [I-on/I-off]. Para mag-edit ng plan, halimbawa, para baguhin ang dalas ng pamumuhunan, i-click ang [I-edit]. Para permanenteng itigil ang isang plan, i-click ang [Alisin ang Plan].  
5.2. Makikita mo ang binili mong crypto mula sa [Kasaysayan ng Auto-Invest]

Mga Madalas Itanong

1. Ano ang Auto-Invest?
Sa Auto-Invest, mao-automate mo ang pamumuhunan sa crypto at puwede kang magkaroon ng passive na kita. Ito ay isang dollar-cost averaging (DCA) na diskarte sa pamumuhunan. Puwede mong piliin ang cryptocurrency na gusto mong bilhin nang regular. Awtomatikong madedeposito sa iyong Flexible Savings account ang binili mong crypto, kaya puwede kang magkaroon ng passive na kita sa mga pamumuhunan mo. 
2. Paano gumagana ang Auto-Invest?
Hakbang 1 - Piliin ang crypto na gusto mong bilhin.
Hakbang 2 - Gumawa ng plan sa pamamagitan ng pagpili kung magkano ang gusto mong bilhin at piliin ang gusto mong stablecoin.
Hakbang 3 - Pumili ng umuulit na cycle kung gaano kadalas mo gustong bumili ng crypto.
Hakbang 4 - Handa ka na!
3. Ano ang mangyayari sa pagbili ko ng Auto-Invest kapag wala akong sapat na balanse sa Spot Wallet ko?
Kung na-enable mo ang function na [Gamitin ang Balanse sa Flexible Savings], kapag hindi sapat ang balanse sa iyong Spot Wallet para mabayaran ang pagbili sa Auto-Invest plan, awtomatikong ire-redeem ng system ang mga asset mula sa iyong mga Flexible Savings plan para makumpleto ang pagbili.
Kung hindi mo ie-enable ang function, hindi tutuloy ang pagbili. Susubukan ng system na bumili ulit sa susunod na petsa ng Auto-Invest. 
4. Sa ilang Auto-Invest plan ako puwedeng mag-subscribe?
Walang maximum na limitasyon sa kung hanggang ilang Auto-Invest plan ka puwedeng mag-subscribe. 
5. Paano i-pause o itigil ang mga Auto-Invest plan ko?
Puwede kang pumunta sa [Wallet] - [Earn] at mag-click sa [Auto-Invest Plan] para tingnan ang iyong mga plan. 
Para i-pause o ipagpatuloy ang isang plan, i-toggle ang button sa ilalim ng [I-on/I-off]. Para permanenteng itigil ang isang plan, i-click ang [Alisin ang Plan].  
6. Paano i-edit ang mga Auto-Invest plan ko?
Puwede kang pumunta sa [Wallet] - [Earn] at mag-click sa [Auto Invest Plan] para tingnan ang iyong mga plan. 
Para mag-edit ng plan, halimbawa, para baguhin ang dalas ng pamumuhunan, i-click ang [I-edit].
7. Paano ko mare-redeem ang mga asset na nabili gamit ang Auto-Invest?
Awtomatikong madedeposito sa iyong Flexible Savings account ang binili mong crypto para magkaroon ng passive na kita. Puwede mong i-redeem ang binili mong crypto anumang oras sa pamamagitan ng pagpunta sa [Wallet] - [Earn]. Makikita mo ang lahat ng produkto ng Flexible Savings kung saan ka nag-subscribe. Mag-scroll papunta sa asset na gusto mong i-redeem at i-click ang [I-redeem].