Ano ang Binance Options
2021-10-13 01:45
Ang Binance Options ay American-style na options na nagbibigay-daan sa iyong i-exercise ang options contract anumang oras bago ang petsa ng pag-expire. Sine-settle ang Binance Options gamit ang cash, at samakatuwid, hindi kinakailangan ang pisikal na paghahatid ng pinagbabatayang asset.
Salungat sa tradisyonal na options, nag-aalok ang Binance Options ng mas maikling time frame na mula 5 minuto hanggang 1 araw na mga pag-expire. Isang strike price lang ang kasama sa Binance Options na katumbas ng contract price sa Binance Futures. Sa madaling salita, palaging "at-the-money" ang Binance Options.
Puwede ka lang maging mamimili sa Binance Options dahil Binance ang nag-iisang nag-iisyu (nagbebenta ng option). Samakatuwid, walang order book para sa Binance Options. Bilang mamimili ng option, ang maximum na pagkalugi para sa isang options contract ay ang binayaran mong premium. Sa ganitong sitwasyon, ang iyong breakeven point ay ang Strike Price +/- ang Premium (depende kung call o put contract ba ito).
Mga Detalye ng Kontrata sa Binance Options
Options Contract | BTCUSDT | ETHUSDT | XRPUSDT | BNBUSDT | LINKUSDT | LTCUSDT |
Pinagbabatayang Asset | BTCUSDT Binance Futures Contract | ETHUSDT Binance Futures Contract | XRPUSDT Binance Futures Contract | BNBUSDT Binance Futures Contract | LINKUSDT Binance Futures Contract | LTCUSDT Binance Futures Contract |
Minimum na Laki ng Kontrata | 0.001 BTC | 0.001 ETH | 0.1 XRP | 0.01 BNB | 0.01 LINK | 0.001 LTC |
Maximum na Laki ng Kontrata | 20 BTC | 200 ETH | 200,000 XRP | 2,000 BNB | 2,000 LINK | 20 LTC |
Strike Price | Last price ng BTCUSDT Binance Futures Contract | Last price ng ETHUSDT Binance Futures Contract | Last price ng XRPUSDT Binance Futures Contract | Last price ng BNBUSDT Binance Futures Contract | Last price ng LINKUSDT Binance Futures Contract | Last price ng LTCUSDT Binance Futures Contract |
Interface ng Pag-trade ng Binance Options

1. Ang pinagbabatayang asset
2. Lokal na oras
3. Balanse: Ang mga pondong magagamit para bumili ng Binance Options ay ang available na balanse sa Binance Futures
4. Maglipat: I-click para maglipat ng mga pondo mula sa iyong Spot Wallet papunta sa Futures Wallet mo
5. Gabay para sa user ng Binance Options
6. Petsa ng pag-expire: Puwede kang pumili ng mga pag-expire ng kontrata na mula 5 minuto, 10 minuto, 30 minuto, 1 oras, 4 na oras, 8 oras, 12 oras, hanggang 1 araw
7. Ang chart ng presyo ng pinagbabatayang asset
8. Mga posisyon (ng hindi exercised na options): Ang ibig sabihin ng "C" ay call option, ang ibig sabihin ng "P” ay put option
9. Mga order: Puwede ka lang maging mamimili sa Binance Options
10. Ang iyong mga posisyon
11. Kasaysayan ng iyong exercised/na-settle na options
12. Paglalarawan ng biniling options
13. Oras ng pagbili sa option
14. Biniling dami (sa unit ng kontrata)
15. Strike price: Ang pinagbabatayang presyo noong inilagay ang order. Posibleng iba ang ipinapakitang strike price kaysa sa aktwal na last price ng pinagbabatayang asset kapag napaka-volatile ng merkado
16. Premium: Ang kabuuang presyong binayaran mo para bilhin ang option
17. Breakeven price
- Breakeven Price ng Call Options = Strike Price + (Premium/Dami)
- Breakeven Price ng Put Options = Strike Price + (Premium/Dami)
18. Tagal bago Mag-expire: Countdown bago ang petsa ng pag-expire
19. Unrealized PNL
- Unrealized PNL ng Call Options = Max [ ( Pinagbabatayang Presyo - Strike Price ) * Dami, 0 ]
- Unrealized PNL ng Put Options = Max [ ( Strike Price - Pinagbabatayang Presyo ) * Dami, 0 ]
- Ang maximum na pagkalugi ay ang premium na binayaran
20. I-settle: I-click para i-exercise ang mga option bago ang petsa ng pag-expire o sa petsa ng pag-expire
21. Target price: I-click para itakda ang target price sa pamamagitan ng paglalagay ng layo mula sa Strike price
22. Patagalin: I-click para patagalin ang petsa ng pag-expire para dagdagan ang mga potensyal na pagkakataon sa kita
Mahahalagang Disclaimer Tungkol sa Options Trading
Premium / Kita
Ibabawas muna ang premium sa iyong balanse sa Wallet sa Binance Futures. Pagkatapos noon, mga kita lang ang kakalkulahin. Sa mga bihirang sitwasyon, posibleng pumasok sa liquidation ang iyong mga posisyon sa futures kung ibabawas ang premium. Samakatuwid, siguraduhin na may sapat kang libreng margin sa iyong balanse sa Futures Wallet bago ka maglagay ng options order. Tandaan na para magkaroon ng net na kita sa options trading, mas malaki dapat ang kita kaysa sa premium. Ang kita ay mula 0 hanggang walang katapusan, at ang premium ay isang nakatakdang halagang binayaran mo bago ang trade. Samakatuwid, ang options ay may nakatakdang gastusin sa downside na binabayaran agad at walang limitasyong kita sa upside. Ang net na kita para sa iyong options trade ay (kita - premium).
Presyo
Ipinapatupad ang lahat ng trade sa market price. Walang garantiya na ang presyong nakikita mo sa screen ay ang eksaktong presyo kung saan mo ipapatupad ang trade, bagama't napakalapit nito sa pangkalahatan. Ang presyo ng maliliit na order, o mga order na ipinatupad sa 'normal' na merkado (hindi masyadong volatile na merkado), ay laging halos kapareho, pero sa malalaking order, o mga order na ipinatupad sa volatile na merkado, puwedeng mag-iba ang presyo batay sa aktwal na pagpapatupad ng order.
Babala sa Panganib
Walang garantiya na ipapatupad ang iyong pagbili ng options nang may kita pagkatapos ibawas ang premium. Hindi mapagkakakitaan ang lahat ng options trading. Pumasok sa merkado ayon sa sarili mong paghuhusga.