Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Spot & Margin Trading
Spot Trading

Paano gamitin ang Uri ng Order na OCO (One-Cancels-the-Other)

Binance
2021-01-13 09:22
Pinagsasama ng One-Cancels-the-Other (OCO) order ang dalawang market order, kung saan kapag ang isa ay ganap na matupad o bahagyang matupad, ang isa ay makakansela.
Ang isang OCO order sa Binance ay binubuo ng isang stop-limit order at isang limit order na may parehong bilang ng order. Dapat na alinman sa buy o sell ang mga order. Kung nagkansela ng isa sa mga order ang isang trader, makakansela ang buong pares ng OCO order.
Para sa higit pang detalye, sumangguni sa aming artikulo sa Binance Academy na Ano ang isang OCO Order?.
Halimbawa
Nagte-trade ang BNB sa pagitan ng 510 BUSD at sa resistance price nito na 540 BUSD. Gugustuhin mong bumili kung ang presyo ay bumaba sa 500 BUSD o kung umangat ito nang higit sa 540 BUSD.
Puwede kang gumawa ng OCO order gamit ang limit order sa 500 BUSD at isang stop-limit order gamit ang stop (trigger) price na 540 BUSD. Pagkatapos, puwede mong itakda ang limit price ng stop-limit order sa 550 BUSD, para mas malamang na mapunan ang order.
Kung ang isang order ay bahagyang napunan o ganap na napunan, awtomatikong makakansela ang isa.
Paano maglagay ng OCO order
Piliin ang [OCO] mula sa drop-down menu sa seksyon ng buy/sell ng interface ng pag-trade.
Ang patlang na [Price] ay ang presyo ng iyong limit order. Gamit ang nakaraang halimbawa, itatakda natin ito sa 500 BUSD. Ang [Stop] ay ang trigger price ng ating stop-limit order, 540 BUSD. Ang limit price ng stop-limit order ay nakatakda sa 550 BUSD.
Panghuli, ang patlang na [Halaga] ay kung magkano ang gusto nating bilhing crypto. I-click ang [Bumili ng BNB] para isumite ang order.
Paano suriin ang aking mga OCO order
Kapag naisumite na ang mga order, ang mga kasalukuyang order ay puwedeng makita at masuri sa [Mga Bukas na Order].
Puwede mo ring makita ang kasaysayan ng iyong mga naipatupad o nakanselang stop-limit order sa [Kasaysayan ng Order].
Mga Kaugnay na Artikulo
Paano Mag-trade ng Spot sa Website ng Binance