Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Mga Function ng Account
2-Factor Authentication

Paano Gumamit ng YubiKey para sa Two-factor Authentication (2FA) sa Binance

Binance
2020-12-30 02:36

Ano ang Yubikey?

Ang YubiKey ay isang maliit na electronic device na gumagana bilang security key at magagamit para sa iba't ibang paraan ng authentication. Sa Binance, ang mga security key ay makakapagbigay ng dagdag na antas ng seguridad sa account, na gumagana bilang paraan ng Two-factor Authentication (2FA) para sa pag-log in sa iyong account, pag-withdraw ng mga pondo, at pag-reset ng mga password. Bagama't may iba pang uri ng mga security key, sa YubiKey nakatuon ang gabay na ito.
Tandaan:
  • Puwede kang mag-bind ng hanggang 5 Yubikey sa iyong account, at ang bawat Yubikey ay may parehong access sa mismong account mo;
  • Magagamit ang anumang naka-bind na Yubikey para i-verify ang iyong account.

Paano i-set up ang iyong Yubikey sa Binance?

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance, pumunta sa [Profile] - [Seguridad]. Pagkatapos, i-click ang [I-set up] para simulan ang proseso.
2. Basahin nang mabuti ang paalala at kung sang-ayon ka, i-click ang [Magpatuloy pa rin].
3. Kakailanganin mong ilagay ang iyong YubiKey at i-activate ito. Pakilagay ang iyong YubiKey sa available na USB port at pindutin ang button nito sa loob ng 60 segundo. Puwede mong subukan ulit kapag ubos na ang oras.
I-click ang [Payagan] kung makukuha mo ang sumusunod na mensahe:
4. Na-verify na ang iyong Yubikey. Kailangan mong magtakda ng label (pangalan) para sa iyong YubiKey. Pagkatapos, i-click ang [I-verify ang iyong account].
5. Kakailanganin mong i-verify ang Yubikey gamit ang iyong iba pang mga code sa pag-verify para sa 2FA.
6. Binabati ka namin. Naka-secure na ngayon ang iyong account gamit ang YubiKey.
Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Paano magbura ng YubiKey para sa Two-factor Authentication (2FA).
Mga Kaugnay na Artikulo
Gabay sa Google 2FA