Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
API
Mga Panuntunan sa API Trading

Paano gumawa ng API

Binance
2021-08-18 01:10
Kapag gumawa ka ng API, makakakonekta ka sa mga server ng Binance sa pamamagitan ng ilang programming language. Puwedeng kumuha ng data mula sa Binance at puwede itong gamitin sa mga external na application. Puwede mong tingnan ang iyong kasalukuyang data ng wallet at transaksyon, puwede kang mag-trade, at puwede mong ideposito at i-withdraw ang iyong mga pondo sa mga third-party program.
Ang paggawa ng API ay isang simpleng proseso na makukumpleto sa loob lang ng 5 minuto.
Para sa higit pang detalye tungkol sa Binance API, sumangguni rito.
Paano gumawa ng sarili mong Binance API?
1. Pagka-log in sa iyong account sa Binance, i-click ang [Pamamahala ng API] mula sa icon ng user center.
2. Maglagay ng label/pangalan para sa iyong API key at i-click ang [Gumawa ng API].
Panseguridad na tip: Bago gumawa ng API, kailangan mong i-enable ang two-factor authentication (2FA) sa iyong account.
3. Kumpletuhin ang pag-verify sa seguridad gamit ang iyong mga nakarehistrong 2FA device.
4. Nagawa na ang iyong API. Itabi nang mabuti ang iyong Secret Key dahil hindi na ito ipapakita ulit. Huwag ibahagi ang key na ito kahit kanino. Kung makakalimutan mo ang iyong Secret Key, kakailanganin mong i-delete ang API at gumawa ng bago.
Tandaan ang mga paghihigpit sa pag-access sa IP. Inirerekomenda naming piliin ang [Paghigpitan ang pag-access sa mga pinagkakatiwalaang IP lang] para sa seguridad.
Para manatiling nakakasunod sa mga pinakabagong kinakailangan sa industriya, ia-update ng Binance ang mga serbisyo nito sa API. Simula 08-09-2021 03:00 (UTC), ang mga user lang na nakakumpleto ng intermediate na pag-verify ang makakagawa ng mga bagong API key. Para sa mga account na basic na pag-verify lang ang nakumpleto, made-deactivate ang anumang dati nang API key pagkalipas ng 08-23-2021 00:00 AM (UTC). Para sa higit pang impormasyon, sumangguni sa anunsyo.
Mga Kaugnay na Artikulo
Paano Mag-apply para sa Binance API Broker