Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Mga Function ng Account
Gabay sa Mga Function ng Account

Paano I-reset ang Password ng Iyong Account sa Binance

Binance
2020-12-29 03:14
Puwede mong i-reset ang password ng account mo mula sa website o App ng Binance. Tandaan na para sa seguridad, sususpindihin ang mga pag-withdraw mula sa iyong account sa loob ng 24 na oras pagkatapos ma-reset ang password.
1. Pumunta sa Binance.com at i-click ang [Mag-log In].
Kung App ang gamit mo, i-click ang [Mag-log In/Magrehistro].
2. Sa page ng pag-log in, i-click ang [Nakalimutan ang Password?].
3. I-click ang [Magpatuloy]. Tandaan na para sa seguridad, sususpindihin ang mga pag-withdraw mula sa iyong account sa loob ng 24 na oras pagkatapos ma-reset ang password.
4. Ilagay ang email o mobile number ng iyong account at i-click ang [Susunod].
5. Kumpletuhin ang puzzle ng pag-verify sa seguridad.
6. Ilagay ang code sa pag-verify na natanggap mo sa iyong email o SMS, i-click ang [Susunod] para magpatuloy.
Mga Tala
  • Kung nakarehistro ang iyong account gamit ang isang email at na-enable mo ang 2FA sa SMS, puwede mong i-reset ang iyong password gamit ang mobile number mo.
  • Kung nakarehistro ang iyong account gamit ang isang mobile number at na-enable mo ang 2FA sa email, puwede mong i-reset ang iyong password sa pag-log in gamit ang email mo.
7. Ilagay ang bago mong password at i-click ang [Susunod].
8. Matagumpay nang na-reset ang iyong password. Gamitin ang bagong password para mag-log in sa iyong account.
Mga Kaugnay na Artikulo
Paano Magrehistro sa Binance App