Exchange
Palitan ng Blockchain at crypto asset
Academy
Edukasyon sa blockchain at crypto
Broker
Mga solusyon sa trading terminal
Charity
Kawanggawa
Cloud
Mga solusyon sa palitan ng enterprise
DEX
Mabilis at ligtas na desentralisadong palitan ng digital asset
Labs
Incubator para sa mga nangungunang proyekta ng blockchain
Launchpad
Palataporma ng paglaunch ng token
Research
Mga analysis at report na institutional-grade
Trust Wallet
Opisyal na crypto wallet ng Binance
Bumili ng Crypto
Mga Merkado
Mag-convert
Ang pinakamadaling paraan para mag-trade
Karaniwan
Simple at madaling gamiting interface
Advanced
Kumpletong access sa lahat ng tool sa pag-trade
Margin na Wallet
Pataasin ang iyong mga kita gamit ang leverage
P2P Account
Bank transfer at 100+ na pagpipilian
Stock Token
New
Mag-trade ng Mga Stock gamit ang Crypto
Mag-trade
I-scan para ma-download ang IOS at Android App
Mag-download
English
USD
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Tutorial
Paano bawiin ang aking mga BEP-20 token kung naipadala ko ito sa mga wallet na hindi tugma sa BSC nang hindi sinasadya?
Binance
2021-05-20 05:58
Ang BEP-20 ay isang pamantayan ng token sa Binance Smart Chain (BSC) na nagpapalawig sa ERC-20, ang pinakakaraniwang pamantayan ng token sa Ethereum. Puwedeng makagawa ang mga user ng isang katutubong asset bilang BEP-20 token o puwede pa nga nilang i-peg ang mga token mula sa ibang blockchain para magamit ang mga ito sa Binance Smart Chain. Tinatawag na mga "Peggy” coin ang mga ito, na sa pangkalahatan ay mga BEP-20 na bersyon ng iba pang crypto asset.
Kung magpapadala ang isang user ng mga BEP-20 token sa iba pang platform sa pag-trade sa pamamagitan ng mga hindi sinusuportahang network, puwedeng hindi mabawi ang mga asset. Lubos naming inirerekomenda sa iyo na basahin muna ang FAQ tungkol sa [Paano Ako Magdedeposito/Magwi-withdraw ng Cryptocurrency] bago ka magsagawa ng anumang paglilipat.
Kung sakaling nakapagpadala ka ng mga BEP-20 token sa isang hindi sinusuportahang wallet nang hindi sinasadya, puwede mong bawiin ang mga asset sa pamamagitan ng pagdaragdag ng smart chain network sa wallet na iyon o kaya ay ideposito ang mga BEP-20 token sa ibang wallet na tugma sa Binance Smart Chain.
*Napakahalaga ng pagpapanatiling ligtas ng iyong mga pribadong key at seed phrase. Kung manakaw o mawala ang mga ito, hindi na mababawi ang iyong mga asset.
Sundin ang mga tagubilin sa ibaba para bawiin ang iyong mga asset:
1. Ikonekta ang iyong wallet sa Binance Smart Chain
Kung gumagamit ka ng MetaMask wallet, sundin ang mga hakbang sa artikulong ito para i-configure ang iyong wallet. Kapag manu-mano mo nang naidagdag ang mga network ng Binance Smart Chain, ilipat lang ang koneksyon sa BSC, at makikita mo na ang iyong mga BEP-20 token.
2. I-recover ang mga BEP-20 token sa iyong wallet sa isang wallet na tugma sa BSC
Puwede mong i-recover ang mga BEP-20 token sa iyong orihinal na wallet, pagkatapos ay puwede kang mag-set up ng bagong wallet na tugma sa BSC para ideposito ang iyong mga BEP-20 token. Kabilang sa mga wallet na tugma sa BSC ang Binance Chain Wallet, Trust Wallet, atbp.
Gamitin natin ang Binance Wallet (extension) bilang halimbawa:
Hakbang 1: I-download at i-install ang browser extension ng Binance Chain Wallet sa Chrome o Firefox
Hakbang 2.1: I-recover ang iyong account gamit ang seed phrase.
Kung may account ka na sa Binance Chain Wallet, i-click ang [May wallet ako]. Ilagay ang iyong seed phrase at isang bagong password para mabawi ito.
Hakbang 2.2: O gumawa ng account sa Binance Chain Wallet at i-import ang iyong pribadong key.
Puwede ka ring gumawa ng bagong Binance Chain Wallet para ideposito ang iyong mga BEP-20 token. I-click ang [Wala akong wallet] para gumawa ng bagong wallet.
Bumalik sa iyong orihinal na wallet at kopyahin ang nauugnay na pribadong key. Madedeposito mo na ang iyong mga BEP-20 token sa Binance Chain Wallet sa pamamagitan ng pag-click sa [Mag-import], i-paste ang nakopya mong pribadong key, at piliin ang [Binance Smart Chain Network]. Makikita mo agad ang iyong mga BEP-20 token sa Wallet.
Tandaan na ang pag-withdraw ng mga asset sa Binance Smart Chain o Binance Chain ay mangangailangan ng bayarin sa gas na sisingilin sa BNB, ang katutubong token ng mga chain. Ibig sabihin, kailangan ay may kaunti kang BNB sa iyong wallet para makumpleto ang transaksyon.
Para sa higit pang impormasyon sa blockchain at mga cryptocurrency, sumangguni sa mga link sa ibaba:
  • Bakit hindi dumating ang aking na-withdraw?
Mga Kaugnay na Artikulo
Paano Ako Magdedeposito/Magwi-withdraw ng Cryptocurrency sa Binance