Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan

Magsimula sa Binance Lite para bumili at magbenta ng iyong crypto

Binance
2021-04-23 07:54
Video ng Tutorial:I-click ang button na "CC" para baguhin ang wika
Magsimula sa napakadaling pag-trade ng mga cryptocurrency at fiat. I-download ang Binance App para bumili, magbenta, o mag-convert ng iyong crypto nang mabilis.
Naka-default sa Binance Lite na bersyon ang Binance App para sa mga bagong user. Nagbibigay ito ng mas malinaw at mas mabilis na paraan para bumili at magbenta ng mga cryptocurrency gamit ang mga fiat currency. Sa Lite na bersyon, mas pinasimple ang interface ng pag-trade at Wallet, kaya hindi mo na kailangang mag-navigate sa mga kumplikadong function ng produkto para makapagsimula.
Paano bumili ng mga cryptocurrency sa Binance Lite?
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance. Mag-tap sa button ng pag-trade, pagkatapos ay i-tap ang [Bumili].
2. Piliin ang cryptocurrency na gusto mong bilhin at ilagay ang halaga. I-tap ang [Bumili].
Puwede ka ring mag-tap nang direkta sa cryptocurrency sa homepage para bumili.
3. Piliin ang paraan ng pagbabayad. Nag-aalok kami ng iba't ibang fiat channel para sa mga user sa iba't ibang bansa para makabili ng crypto. Sumangguni sa App para makita ang mga available na fiat channel para sa iyong bansa.
Halimbawa, kung gumagamit ka ng GBP o EUR, puwede mong piliing magbayad gamit ang [Balanse sa Cash] o puwede kang [Magbayad Gamit ang Card]. Para magbayad gamit ang balanse sa cash, kailangan mo munang magdeposito ng mga fiat currency sa account. Para magbayad gamit ang isang card, ilagay ang impormasyon ng iyong card at kumpirmahin ang pagbabayad.
Nag-aalok din kami ng mga opsyon sa P2P Trading para sa ilang bansa, sumangguni sa App para makita ang mga available na P2P channel para sa iyong bansa.
Halimbawa, kung gumagamit ka ng VND o COP para bumili, bukod sa dalawang fiat na opsyon, puwede mo ring piliing magbayad offline sa pamamagitan ng [Bank Transfer] .
*Tandaan na anuman ang paraan ng pagbabayad na pipiliin mo, kailangan mo munang tapusin ang Pag-verify sa Pagkakakilanlan bago ka mag-trade.
Paano magbenta ng mga cryptocurrency sa Binance Lite?
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance. Mag-tap sa button ng pag-trade, pagkatapos ay i-tap ang [Magbenta].
2. Piliin ang cryptocurrency na gusto mong ibenta at ilagay ang halaga. I-tap ang [Magbenta].
3. Piliin kung paano mo gustong matanggap ang fiat currency. Nag-aalok kami ng iba't ibang fiat channel para sa mga user sa iba't ibang bansa. Sumangguni sa App para makita ang mga available na fiat channel para sa iyong bansa.
Halimbawa, kung nagbebenta ka ng crypto sa GBP o EUR, ike-credit ang fiat currency sa iyong [Balanse sa Cash].
Nag-aalok din kami ng mga opsyon sa P2P Trading para sa ilang bansa, sumangguni sa App para makita ang mga available na P2P channel para sa iyong bansa.
Halimbawa, kung nagbebenta ka sa PEN, bukod sa pag-credit nito sa iyong [Balanse sa Cash], puwede mo ring piliing matanggap ang iyong fiat sa pamamagitan ng [Bank Transfer] sa P2P Trading.
Ano ang pagkakaiba ng Binance Lite at Binance Professional?
Ang Binance Lite ay akma para sa mga user na bago sa pag-trade ng crypto, habang ang Binance Professional naman ay nag-aalok ng mga versatile na functionality sa pag-trade para matugunan ang mga pangangailangan ng mga propesyonal na trader, gaya ng Futures Trading, Options Trading, at Margin Trading.
Kung gusto mong gamitin ang Binance Professional, pumunta lang sa [Profile] at i-off ang button sa tabi ng [Binance Lite].
Mga Kaugnay na Artikulo
Gabay para sa Mga Baguhan sa Binance