Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD

FAQ o Madalas na Katanungan
Binance Pay

Paano kita matutulungan?
Mga Function ng Account
Tutorial
Binance Fan Token
Binance Earn
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Bumili ng Crypto (Fiat/P2P)
Spot & Margin Trading
Mga Derivative ng Crypto
Pananalapi
Mga Loan sa Crypto
Gift Card
Binance Pay
API
Seguridad
Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance
NFT

Paano Gamitin ang Binance Pay para Magpadala ng Crypto sa Isang Kaibigang Walang Account sa Binance?

2021-12-01 02:44
Madali kang makakapagpadala ng mga cryptocurrency sa iyong mga kaibigan at kamag-anak gamit ang feature na [Magpadala] sa Binance Pay. Ilagay lang ang email address o numero ng telepono ng iyong kaibigan para magpadala ng crypto. Pagkatapos, makakatanggap siya ng email o SMS na may mga tagubiling mag-set up ng Binance Pay. Kung hindi siya magrerehistro ng account sa loob ng 3 araw, puwede mong kanselahin ang transaksyon mula sa [Kasaysayan ng Pagbabayad] at awtomatikong isasauli ang mga pondo sa iyong Funding Wallet pagkalipas ng 3 araw.

Wala akong account sa Binance. Paano ako makakatanggap ng crypto mula sa isang user ng Binance?

Kung may user ng Binance na nagpadala sa iyo ng crypto sa email address o numero ng telepono mo, may matatanggap kang notification sa email o SMS. I-activate lang ang iyong account sa Binance Pay nang sinusunod ang mga hakbang sa ibaba:
1. Magrehistro ng account sa Binance
Kailangan mong magrehistro ng account sa Binance at i-download ang Binance App para makatanggap ng mga pagbabayad gamit ang crypto. Gamitin ang mismong email address o numero ng telepono na pinadalhan ng crypto ng iyong kaibigan kapag nagrehistro ka ng account sa Binance, kung hindi, hindi mo matatanggap ang crypto at mag-e-expire ang transaksyon pagkalipas ng 3 araw. Halimbawa, pinadalhan ng iyong kaibigan ang mobile phone mo na may sobrang 0 sa unahan, dapat mong sundin ang parehong format sa pagrerehistro ng iyong account sa Binance.
2. Kumpletuhin ang Pag-verify sa Pagkakakilanlan
3. I-activate ang Binance Pay
Mag-log in sa iyong account sa Binance sa Binance App. I-tap ang [Mga Wallet] - [Funding] - [Pay] - [Buksan ang Binance Pay] para i-activate ang iyong account sa Binance Pay.
Tandaan na mag-e-expire pagkalipas ng 3 araw ang crypto na ipinadala sa iyo ng kaibigan mo. Para matanggap ang crypto, kailangan mong i-activate ang feature na Binance Pay bago ito mag-expire. Pagkatapos mag-activate, puwede mong tingnan ang crypto at ang mga detalye ng pagbabayad sa pamamagitan ng pag-tap sa [Mga Wallet] - [Funding] - [Pay] - [Kasaysayan ng Pagbabayad].