Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Spot & Margin Trading
Spot Trading

Ano ang Market Order at Paano Maglagay Nito

Binance
2021-07-21 03:37

Ano ang Market Order?

Ipinapatupad ang market order sa kasalukuyang market price nang mabilis hangga't maaari kapag inilagay ng isang user ang order.
Kapag naglalagay ka ng market order, puwede mong piliin ang [Halaga] o [Kabuuan] para bumili o magbenta.
Halimbawa, inirerekomenda ang [Halaga] kapag gusto mong bumili o magbenta ng BTC na may partikular na dami. Gayunpaman, kung gusto mo lang bumili ng BTC nang may partikular na halaga ng mga pondo, gaya ng 10,000 USDT, mas magandang opsyon ang paglalagay ng market order gamit ang [Kabuuan].
Sa pangkalahatan, puwede mong gamitin ang dalawang function para ilagay ang iyong mga buy at sell order. Gayunpaman, kapag inilagay mo ang mga order pagkatapos kalkulahin ng system ang halagang makukuha mo, posibleng malaki na ang ipinagbago ng presyo ng asset at hindi maipapatupad ang mga order. Madalas itong nangyayari kapag malapit sa 100% o katumbas nito ang ratio ng buy/sell.
Ang market order ay isang plano ng order na bumili o magbenta agad sa pinakamagandang available na presyo. Ipinapatupad ito batay sa mga limit order na nasa order book na, ibig sabihin, nakadepende ang mga market order sa liquidity ng merkado para makumpleto ito. Hindi tulad ng mga limit order na inilalagay sa order book at naghihintay na may magpatupad nito, ipinapatupad agad ang mga market order sa kasalukuyang market price. Samakatuwid, kapag kumukumpleto ka ng market order sa Binance, babayaran mo ang bayarin sa pag-trade bilang market taker.
Tandaan: sa mga kondisyon ng merkado na nagkakaroon ng matitinding pagbabago, posibleng hindi agad ipatupad ang mga market order.
  • Ang mga market order ay mga transaksyon na nilalayong maipatupad nang mabilis hangga't maaari sa kasalukuyang market price.
  • Itinatakda ng mga limit order ang maximum o minimum na presyo kung saan mo handang kumpletuhin ang transaksyon, iyon man ay pagbili o pagbebenta.
  • Nag-aalok ang mga market order ng napakagandang pagkakataong maipatupad ang isang order, pero walang garantiya, dahil nakadepende ang mga order sa availability.

Paano maglagay ng mga market buy order?

1. Ayon sa [Kabuuan]

Ipagpalagay na mayroon kang 1,000 USDT at gusto mong maglagay ng market order para sa BTC/USDT. Kapag naglagay ka ng order na “Buy 100%”, ipapatupad ng system ang iyong order sa kasalukuyang market price ayon sa halaga ng USDT na mayroon ka, pero hindi sigurado kung ilang BTC ang mabibili mo. Ang pangwakas na halaga ng transaksyon sa BTC ay tinutukoy ng market price at dami kapag inilagay ang order. Puwede mong tingnan ang halaga ng BTC na binili at ang average na presyo mula sa [Kasaysayan ng Order].

2. Ayon sa [Halaga]

Halimbawa, mayroon kang 100,000 USDT, at naglalaro ang presyo ng BTC/USDT sa 34,105 USDT. Kapag naglagay ka ng order na “Buy 100%”, itutugma ng system ang iyong order sa mga sell order sa merkado para matukoy kung ilang BTC ang mabibili mo.
Kung ayon sa kalkulasyon ng system, makakabili ka ng 2.932401 BTC sa halagang 100,000 USDT at magki-click ka para ilagay ang buy order, pero kasabay nito, tumaas ang presyo ng BTC, ibig sabihin, hindi na makakabili ng 2.932401 BTC ang 100,000 USDT, hindi maipapatupad ang order mo. Puwede kang maglagay ng isa pang order sa pamamagitan ng manu-manong pag-edit sa halaga ng BTC na bibilhin o puwede mong gamitin na lang ang function na [Kabuuan].

Paano maglagay ng mga market sell order?

1. Ayon sa [Kabuuan]

Ipagpalagay na mayroon kang 100 BTC at gusto mong ibenta ang 50% sa isang market order. Ang halaga ng USDT mula sa pagbebenta ng 50 BTC na ito ay tutukuyin ng kasalukuyang market price at dami kapag inilagay mo ang order. Puwede mong tingnan ang halaga ng USDT na nakuha sa order at ang average na presyo ng pagbebenta mula sa [Kasaysaysan ng Order].

2. Ayon sa [Halaga]

Halimbawa, mayroon kang 0.06272 BTC at naglalaro ang presyo ng BTC/USDT sa 33889.26 USDT. Kapag naglagay ka ng order na “Sell 100%”, itutugma ng system ang iyong order sa mga buy order sa merkado para matukoy kung ilang USDT ang mabibili mo.
Kung ayon sa kalkulasyon ng system, makakapagbenta ka ng 0.06272 BTC sa halagang 2125.534 USDT at magki-click ka para ilagay ang sell order, pero kasabay nito, bumaba ang presyo ng BTC, ibig sabihin, hindi na maibebenta nang 2125.534 USDT ang 0.06272 BTC, hindi maipapatupad ang order mo. Puwede kang maglagay ng isa pang order sa pamamagitan ng manu-manong pag-edit sa halaga ng USDT na makukuha o puwede mong gamitin na lang ang function na [Kabuuan].
Mga Kaugnay na Artikulo
Paano Mag-trade ng Spot sa Website ng Binance