Exchange
Palitan ng Blockchain at crypto asset
Academy
Edukasyon sa blockchain at crypto
Broker
Mga solusyon sa trading terminal
Charity
Kawanggawa
Cloud
Mga solusyon sa palitan ng enterprise
DEX
Mabilis at ligtas na desentralisadong palitan ng digital asset
Labs
Incubator para sa mga nangungunang proyekta ng blockchain
Launchpad
Palataporma ng paglaunch ng token
Research
Mga analysis at report na institutional-grade
Trust Wallet
Opisyal na crypto wallet ng Binance
Bumili ng Crypto
Mga Merkado
Mag-convert
Ang pinakamadaling paraan para mag-trade
Karaniwan
Simple at madaling gamiting interface
Advanced
Kumpletong access sa lahat ng tool sa pag-trade
Margin na Wallet
Pataasin ang iyong mga kita gamit ang leverage
P2P Account
Bank transfer at 100+ na pagpipilian
Stock Token
New
Mag-trade ng Mga Stock gamit ang Crypto
Mag-trade
I-scan para ma-download ang IOS at Android App
Mag-download
English
USD
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Deposito/Withdrawal ng Crypto
Withdrawal ng Crypto
Paano Mag-withdraw sa Binance
Binance
2021-01-13 08:52
Gamitin natin ang BNB (BEP2) para ilarawan kung paano maglipat ng crypto mula sa iyong account sa Binance papunta sa isang panlabas na platform o wallet.
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Wallet] - [Pangkalahatang-ideya].
2. Mag-click sa [Mag-withdraw]
3. I-click ang [Crypto].
4. Piliin ang cryptocurrency na gusto mong i-withdraw. Sa halimbawang ito, magwi-withdraw tayo ng BNB.
5. Piliin ang network. Dahil nagwi-withdraw tayo ng BNB, puwede nating piliin ang BEP2 (Binance Chain) o BEP20 (Binance Smart Chain). Makikita mo rin ang bayarin sa network para sa transaksyong ito. Tiyaking tumutugma ang network sa inilagay na network ng mga address para maiwasang mawala ang mga na-withdraw. 
6. Pagkatapos, ilagay ang address ng tatanggap o pumili sa listahan ng iyong address book.
6.1 Paano magdagdag ng bagong address ng tatanggap.
Para magdagdag ng bagong tatanggap, i-click ang [Address Book] - [Pamamahala ng Address].
6.2. I-click ang [Magdagdag ng Address ng Pag-withdraw]
6.3. Piliin ang coin at network. Pagkatapos, maglagay ng label ng wallet, ilagay ang address, at ang MEMO.
  • Ang Label ng Wallet ay isang naka-customize na pangalan na puwede mong italaga sa bawat address ng pag-withdraw para sa sarili mong sanggunian.
  • Ang MEMO ay opsyonal. Halimbawa, kailangan mong ibigay ang MEMO kapag nagpapadala ng mga pondo sa isa pang account sa Binance o sa isa pang palitan. Hindi mo kailangan ng MEMO kapag nagpapadala ng mga pondo sa isang Trust Wallet address.
  • Tiyaking suriing mabuti kung kinakailangan o hindi ang MEMO. Kung kinakailangan ang MEMO at hindi mo ito maibigay, puwedeng mawala sa iyo ang iyong mga pondo.
  • Tandaan na ang ilang platform at wallet ay tinutukoy ang MEMO bilang Tag o Payment ID.
6.4. Puwede mong ilagay ang bagong dagdag na address sa iyong whitelist, at i-on ang [Whitelist]. Kung naka-on ang function na ito, sa mga naka-whitelist na address sa pag-withdraw lang makakapag-withdraw ang iyong account.
7. Ilagay ang iwi-withdraw na halaga, at makikita mo ang katumbas na bayad sa transaksyon at ang pinal na halagang matatanggap mo. I-click ang [Mag-withdraw] para magpatuloy.
8. Kailangan mong i-verify ang transaksyon. Sundin ang mga tagubilin sa screen.
Babala: Kung maling impormasyon ang mailalagay mo o mapili mo ang maling network kapag gumagawa ng paglilipat, permanenteng mawawala ang iyong mga asset. Tiyaking tama ang impormasyon bago maglipat.
Mga Kaugnay na Artikulo
Paano Magsagawa ng Panloob na Paglilipat sa Binance