Exchange
Palitan ng Blockchain at crypto asset
Academy
Edukasyon sa blockchain at crypto
Broker
Mga solusyon sa trading terminal
Charity
Kawanggawa
Cloud
Mga solusyon sa palitan ng enterprise
DEX
Mabilis at ligtas na desentralisadong palitan ng digital asset
Labs
Incubator para sa mga nangungunang proyekta ng blockchain
Launchpad
Palataporma ng paglaunch ng token
Research
Mga analysis at report na institutional-grade
Trust Wallet
Opisyal na crypto wallet ng Binance
Bumili ng Crypto
Mga Merkado
Mag-convert
Ang pinakamadaling paraan para mag-trade
Karaniwan
Simple at madaling gamiting interface
Advanced
Kumpletong access sa lahat ng tool sa pag-trade
Margin na Wallet
Pataasin ang iyong mga kita gamit ang leverage
P2P Account
Bank transfer at 100+ na pagpipilian
Stock Token
New
Mag-trade ng Mga Stock gamit ang Crypto
Mag-trade
I-scan para ma-download ang IOS at Android App
Mag-download
English
USD
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Spot & Margin Trading
Spot Trading
Paano Gamitin ang Function na Stop-Limit
Binance
2021-01-13 09:21
Ano ang stop-limit order?
Ang isang stop-limit order ay isang market order na parehong may stop price at limit price. Kapag naabot ang stop price, mati-trigger nito ang limit order. Ang limit price ay ang partikular na presyo ng limit order na tini-trigger ng stop price. 
Kapag naabot ang stop price, ang limit order ay agad na mailalagay sa order book.
Puwedeng parehas ang mga stop at limit price. Gayunpaman, inirerekomenda para sa mga sell order na itakda ang iyong stop price (trigger price) nang bahagyang mas mataas kaysa sa limit price. Ang pagkakaiba sa presyo ay nagbibigay ng dagdag na seguridad sa presyo sa pagitan ng oras kung kailan na-trigger ang order at kung kailan natupad ang order. 
Para sa mga buy order, itakda ang iyong stop price nang bahagyang mas mababa kaysa sa limit price. Mababawasan din nito ang panganib na hindi matupad ang iyong order. 
Mga tuntunin at mechanics ng SL (stop-limit)
Stop price: Kapag ang presyo ng asset ay umabot sa itinakdang stop price, ang stop-limit order ay ipapatupad para bilhin o ibenta ang asset sa itinakdang limit price o sa mas magandang presyo.
Limit price: Ang piniling presyo (o mas maganda pa) kung saan ipapatupad ang stop-limit order.
Dami: Ang dami ng mga asset na bibilhin o ibebenta sa stop-limit order.
Halimbawa
Ang huling presyo ng pag-trade ng BNB ay 498 BUSD, at sa palagay mo ay may resistance na malapit sa 500 BUSD. 
Kung sa tingin mo ay aangat ang presyo kapag umabot ito sa antas ng resistance, puwede kang maglagay ng Stop-Limit order para awtomatikong bumili ng mas maraming BNB sa presyong 502 BUSD. Sa paraang ito, hindi mo kailangang bantayan ang mga paggalaw ng merkado at hintaying umabot ang presyo sa iyong target price.
Paano gumawa ng stop-limit order
Gamit ang parehong halimbawa, titingnan natin kung paano ka eksaktong makakagawa ng stop-limit order
1. Piliin ang [Stop-limit] mula sa trading view para simulang gawin ang iyong order.
2. Punan ang mga detalye ng iyong stop-price (trigger price), ang limit price para sa na-trigger na limit order, at ang halaga ng crypto na gusto mong bilhin. I-click ang [Bumili ng BNB] para kumpirmahin ang mga detalye ng transaksyon.
Sa ating halimbawa, ang stop-price ay 500 BUSD at ang limit price ay 502 BUSD.
4. Tingnan ulit ang iyong stop-limit order nang maigi bago mo i-click ang kumpirmahin para isumite ito sa palitan.
Tingnan ang mga kasalukuyang stop-limit order
Kapag naisumite na ang mga order, ang mga kasalukuyang 'stop-limit' order ay puwedeng makita at masuri sa [Mga Bukas na Order]. Makikita mo ito sa tab sa ibaba ng page ng trading view.
Kapag naipatupad na o natanggal na ang mga order, ang kasaysayan ng iyong stop-limit order ay puwedeng makita sa ilalim ng [Kasaysayan ng Order].
Mga Kaugnay na Artikulo
Paano Mag-trade ng Spot sa Website ng Binance