Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Mga Function ng Account
2-Factor Authentication

Paano I-enable ang Google Authentication (2FA) at Mga Madalas Itanong

Binance
2020-12-29 03:17
1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Profile] - [Seguridad].
2. I-click ang [I-enable] sa tabi ng [Google Authenticator].
3. Mare-redirect ka sa ibang page. Sundin ang mga sunod-sunod na tagubilin para i-enable ang Google Authenticator.
3.1. I-download at i-install ang Google Authenticator App sa iyong mobile device. Pagka-install mo ng App, i-click ang [Susunod] para magpatuloy.
3.2. May makikita ka nang QR code sa iyong screen.
Buksan ang Google Authenticator App at mag-tap sa button na [+] sa kanang bahagi sa ibaba ng iyong screen para i-scan ang QR code. Pagkatapos, i-click ang [Susunod].
Kung hindi mo ito ma-scan, puwede mong ilagay nang manu-mano ang setup key.
3.3. I-save ang backup key sa papel. Magbibigay-daan sa iyo ang key na ito na i-recover ang Google Authenticator mo kung sakaling mawala mo ang iyong telepono.
3.4. I-verify ang iyong Google Authenticator gamit ang iba mo pang 2FA device.
3.5. Matagumpay mong na-enable ang Google Authenticator para protektahan ang iyong account.
  • Siguraduhing na-install mo ang Google Authenticator App.
  • Subukang i-synchronize ang oras sa iyong mobile phone at sa computer mo.
  • Siguraduhin na ang tamang password at 2FA code ang inilagay mo.
  • Siguraduhing nakatakda sa "awtomatiko" ang setting ng petsa/oras sa iyong mobile phone.
Kung na-back up mo ang 16-digit na code na nabuo noong una mong na-enable ang Google Authenticator, puwede mong i-enable ulit ang iyong Google Authenticator sa pamamagitan lang ng paglalagay ng backup key sa App.
Kung hindi mo na-save ang backup key, puwede mong i-reset ang Google Authenticator sa website mismo ng Binance. Sumangguni sa Paano I-reset ang Google Authentication.
  • Subukang i-synchronize ang oras sa iyong mobile phone (para i-synchronize ang Google Authenticator App mo) at sa iyong computer (kung saan mo sinusubukang mag-log in).
  • Pumunta sa page ng Pag-log In sa Binance gamit ang incognito mode sa Google Chrome.
  • I-clear ang iyong browser cache at cookies.
  • Subukang mag-log in mula sa Binance App.
Kung wala sa mga suhestiyon sa itaas ang makakalutas sa iyong problema, dapat mong i-reset ang iyong Google Authenticator. Sumangguni sa Paano I-reset ang Google Authentication.
Mga Kaugnay na Artikulo
Paano Lutasin ang Error sa 2FA Code