Exchange
Palitan ng Blockchain at crypto asset
Academy
Edukasyon sa blockchain at crypto
Broker
Mga solusyon sa trading terminal
Charity
Kawanggawa
Cloud
Mga solusyon sa palitan ng enterprise
DEX
Mabilis at ligtas na desentralisadong palitan ng digital asset
Labs
Incubator para sa mga nangungunang proyekta ng blockchain
Launchpad
Palataporma ng paglaunch ng token
Research
Mga analysis at report na institutional-grade
Trust Wallet
Opisyal na crypto wallet ng Binance
Bumili ng Crypto
Mga Merkado
Mag-convert
Ang pinakamadaling paraan para mag-trade
Karaniwan
Simple at madaling gamiting interface
Advanced
Kumpletong access sa lahat ng tool sa pag-trade
Margin na Wallet
Pataasin ang iyong mga kita gamit ang leverage
P2P Account
Bank transfer at 100+ na pagpipilian
Stock Token
New
Mag-trade ng Mga Stock gamit ang Crypto
Mag-trade
I-scan para ma-download ang IOS at Android App
Mag-download
English
USD
Sentro ng Suporta
FAQ o Madalas na Katanungan
Bumili ng Crypto (Fiat/P2P)
P2P Trading
Security at Compliance ng P2P
Mga Gabay at Panuntunan sa Mga Security Cash Trade
Binance
2020-10-19 04:09
Mga pangkalahatang panuntunan
Ang pagbili at pagbebenta ng cryptocurrency gamit ang "Cash in person" na pagbabayad ay nangangahulugan ng personal na pagkikita ng mamimili at nagbebenta.
Sa pagsang-ayon sa uri ng pag-trade na ito, tinatanggap ng user ang mga tuntunin at kundisyon ng pag-trade gamit ang cash bilang default at malay siya sa lahat ng panganib at responsibilidad.
Hindi lumalahok ang Binance sa mga transaksyon, direkta man o hindi direkta, at hindi ito mananagot sa mga posibleng panganib o pinansyal na pagkalugi.
Kung sakaling magkaroon ng mga hindi pagkakasundo, ang pagbabatayan lang ng support service ay ang impormasyong nakasaad sa mga panuntunan ng pag-trade ng ad at ang mga pag-uusap sa chat ng order.
Dapat tiyakin ng mamimili at nagbebenta na mapepreserba ang patunay ng cash na pagbabayad. Puwede itong isang litrato, pormal na kontrata, o pag-uusap sa chat.
Mga gabay para sa mga nagbebenta:
  • Tandaang dapat mong tiyakin ang iyong seguridad kapag nagsasagawa ng mga offline na transaksyon
  • Ganap mong alam at naiintindihan ang mga panganib na posibleng lumitaw sa mga offline na transaksyon
  • Huwag gumamit ng anumang iba pang channel o messenger para sa komunikasyon maliban sa chat na nasa order
  • Naka-freeze ang cryptocurrency na nasa order at hindi ito ire-release hanggang sa makumpirma ng nagbebenta ang pagtanggap niya sa bayad
  • Walang karapatan ang nagbebentang baguhin ang presyo pagkatapos mailagay ang order at dumating ang mamimili
  • Bago kumpirmahin ang pagbabayad, dapat na kalkulahin nang mabuti at tingnan ulit ng nagbebenta ang natanggap na pera
  • Pagkatapos mong kumpirmahing natanggap mo na ang bayad, ilipat ang mga asset sa mamimili sa loob ng 15 minuto
  • Kapag namarkahan nang nakumpleto ang order, hindi na ito puwedeng iapela sa anumang sitwasyon
Mga gabay para sa mga mamimili:
  • Tandaang dapat mong tiyakin ang iyong sariling seguridad kapag nagsasagawa ng offline na transaksyon
  • Ganap mong alam at naiintindihan ang mga panganib na posibleng lumitaw sa mga offline na transaksyon
  • Kapag pumipili ng nagbebenta sa platform, huwag magdesisyon batay lang sa napakababang presyo - tingnan ang rating ng nagbebenta, ang pagkakaroon ng deposito para sa seguridad sa platform, at ang oras ng kanyang pag-trade sa Binance P2P
  • Huwag gumamit ng anumang iba pang channel o messenger para sa komunikasyon maliban sa chat na nasa order
  • Huwag sumang-ayon sa pagkikita sa mga lugar na kahina-hinalan at malayo sa sentro ng siyudad - ang tagpuan ay kailangang mapagkasunduan nang mas maaga ng parehong partido
  • Naka-freeze ang cryptocurrency na nasa order at hindi ito ire-release hanggang sa makumpirma ng nagbebenta ang pagtanggap niya sa bayad
  • Huwag hayaang makuha ang iyong pera sa gitna ng transaksyon, sa anumang dahilan - dapat na isagawa ang muling pagkalkula at pag-verify ng cash habang naroon ang magkabilang panig ng transaksyon
  • Kapag namarkahan nang nakumpleto ang order, hindi na ito puwedeng iapela sa anumang sitwasyon