Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD
Sentro ng Suporta
Anunsyo
Pinakabagong Balita

Nagtatakda ang Binance ng $100 Milyong Pondo para ikonekta ang DeFi at CeFi; Malapit Nang Dumating sa Binance Smart Chain ang Suporta para sa Yield Farming sa Malalaking Crypto Asset

Binance
2020-09-14 13:56
Mga Kapwa Binancian,
Para suportahan ang pagbuo ng ecosystem ng blockchain at mas mahusay na i-synergize ang DeFi (desentralisadong pananalapi) at CeFi (sentralisadong pananalapi), maglalaan ang Binance ng isang $100 milyong Accelerator Fund para suportahan ang mga proyekto sa Binance Smart Chain (BSC).
Lalahok ang komunidad ng BSC sa pamamahala sa maagang yugto ng proyekto. Makakatanggap ang mga de-kalidad na proyekto ng hanggang $100,000 sa pagpopondo.
Dagdag pa rito, inaasahang ilulunsad ang unang pangkat ng mga proyekto ng Yield Farming sa BSC sa lalong madaling panahon. Sa pamamagitan ng mga proyektong ito, puwedeng mag-yield ang mga may hawak ng crypto mula sa paggamit ng iba't ibang pangunahing cryptocurrency, gaya ng XRP, BCH, LTC, ADA, DOT, XTZ, EOS, ONT, at iba pa.
Suporta ng Binance at ng Komunidad ng Binance Smart Chain
Para sa mga proyektong nakatala sa Binance Smart Chain Accelerator Fund, magbibigay ang Binance ng suporta sa pamamagitan ng mga pamamaraang ito, bukod pa sa iba:
● Pagkakataong mailista sa Binance.com;
● Pagkakataong makatanggap ng karagdagang pamumuhunan mula sa Binance X, Binance Labs;
● Pagkakataong mailunsad sa Binance Launchpad, Binance Launchpool;
● Suporta sa liquidity para sa mga proyekto na pumasa sa pag-audit sa seguridad
● Mabilis na pag-audit sa seguridad mula sa Ceritk
Mga Pakinabang ng Komunidad ng Binance Smart Chain:
● Isang pinagyaman at lumalagong ecosystem ng digital na asset na itinataguyod ng Binance DEX, ang nangungunang desentralisadong palitan
● Murang bayarin sa transaksyon na umaabot nang mas mababa pa sa 1 sentimo
● Mahusay na performance gamit ang isang network na may kakayahang gumawa ng isang block bawat 3 segundo
● Mga mekanismo ng Cross-chain DeFi na nagpapahusay ng interoperability ng DeFi
● Isang matulunging ecosystem ng Binance na nagpopondo at nagbu-bootstrap ng maraming proyekto ng DeFi
● Milyon-milyong user sa buong Binance.com at Binance DEX kasama ang ecosystem nito
● Isang network ng mga pangunahing proyekto ng crypto na nakikipagtulungan na sa BSC
Malugod naming tinatanggap ang mga karagdagang proyekto na sumali sa komunidad ng BSC. Para mag-aplay para sa Accelerator Fund at matulungan kaming maglabas ng higit pang aplikasyon ng DeFi sa BSC, mag-click dito.
Ang pamantayan sa pagpili para sa Accelerator Fund ay itinakda at pinili ng mga team ng Binance X, Binance Labs, at Binance Launchpad.
Mga dokumento ng sanggunian:
Salamat sa iyong suporta!
Team ng Binance
2020/09/11
Mag-trade on the go gamit ang mobile crypto trading app ng Binance:
Hanapin kami sa
Mga Kaugnay na Artikulo
Ang Binance P2P ay idadagdag ang pares na SLP/PHP