Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD

Anunsyo
Pinakabagong Balita

Paano kita matutulungan?
Mga Listahan ng Crypto
Pinakabagong Balita
Mga Pinakabagong Aktibidad
Mga Listahan ng Fiat
Mga Update sa API
Airdrop

Mahahalagang Pag-update sa Pondo ng Insurance sa Binance Margin (06/03/2021)

2021-06-04 10:16
Mga Kapwa Binancian,
Para mas mahusay na makapagbigay ng serbisyo sa aming mga user, magpapatupad ang Binance ng mga pag-update sa Pondo ng Insurance sa Margin sa 06/10/2021 02:00 (UTC). Matapos ang pag-update, ang isang bahagi ng kita sa interes at ng lahat ng bayad sa liquidation na magmumula sa platform ng Binance Margin at sa platform ng Crypto Loans ay ilalaan sa Pondo ng Insurance sa Margin para bayaran ang natitirang mga pautang ng mga na-liquidate na margin account.
Ang mga pagmumulan ng Pondo ng Insurance sa Margin ay ang mga sumusunod:
  • Isang bahagi ng kita sa interes mula sa Cross Margin at Isolated Margin
  • Isang bahagi ng kita sa interes mula sa Crypto Loans
  • Bayarin sa liquidation (nasa talahanayan sa ibaba ang mga detalye)
Kategorya
Bayarin sa liquidation
Cross Margin
Mga na-liquidate na asset sa cross margin * 2%
Isolated Margin
Mga na-liquidate na asset sa isolated margin * (ratio ng panganib ng liquidation ng tier ng isolated margin sa oras ng liquidation - 1) * 8%
Crypto Loans
Mga na-liquidate na asset sa Crypto Loans * 2%
Mahahalagang Paalala:
  • Simula 06/18/2021 02:00 (UTC), ang platform ng Binance Margin ay maniningil ng bayad sa liquidation;
  • Babaguhin ng Binance nang walang paunang abiso ang proporsyon ng kita sa interes at bayarin sa liquidation na ilalaan sa Pondo ng Insurance sa Margin alinsunod sa mga kondisyon sa merkado.
Babala sa Panganib: Ang margin trading ay nagdadala ng malaking panganib at posibilidad ng parehong makabuluhang kita at pagkalugi. Ang mga nakaraang nakamit na kita ay hindi nagpapahiwatig ng mga return sa hinaharap. Ang lahat ng iyong balanse sa margin ay puwedeng ma-liquidate kapag nagkaroon ng matinding paggalaw ng presyo. Ang impormasyon dito ay hindi dapat ituring bilang payo sa pananalapi o pamumuhunan mula sa Binance. Ang lahat ng diskarte sa pag-trade ay gagamitin batay sa iyong sariling paghuhusga at pananagutan. Hindi mananagot ang Binance para sa anumang pagkaluging puwedeng mangyari dahil sa iyong paggamit ng Margin.
Salamat sa iyong suporta!
Team ng Binance
06/03/2021
Hanapin kami sa
Nakalaan sa Binance ang karapatan, sa sarili nitong pagpapasya, na baguhin, palitan, o kanselahin ang anunsyong ito anumang oras at para sa anumang dahilan nang walang paunang abiso.