Exchange
Palitan ng Blockchain at crypto asset
Academy
Edukasyon sa blockchain at crypto
Broker
Mga solusyon sa trading terminal
Charity
Kawanggawa
Cloud
Mga solusyon sa palitan ng enterprise
DEX
Mabilis at ligtas na desentralisadong palitan ng digital asset
Labs
Incubator para sa mga nangungunang proyekta ng blockchain
Launchpad
Palataporma ng paglaunch ng token
Research
Mga analysis at report na institutional-grade
Trust Wallet
Opisyal na crypto wallet ng Binance
Bumili ng Crypto
Mga Merkado
Mag-convert
Ang pinakamadaling paraan para mag-trade
Karaniwan
Simple at madaling gamiting interface
Advanced
Kumpletong access sa lahat ng tool sa pag-trade
Margin na Wallet
Pataasin ang iyong mga kita gamit ang leverage
P2P Account
Bank transfer at 100+ na pagpipilian
Stock Token
New
Mag-trade ng Mga Stock gamit ang Crypto
Mag-trade
I-scan para ma-download ang IOS at Android App
Mag-download
English
USD
Sentro ng Suporta
Anunsyo
Pinakabagong Balita
Mahahalagang Update sa Mga Binance Leveraged Token (2021-04-09)
Binance
2021-04-12 15:04
Mga Kapwa Binancian,
Para magbigay ng isang mas mahusay na karanasan sa pag-trade para sa aming mga user, ang BNBDOWN at SXPDOWN ay sasailalim sa isang 100,000-for-1 reverse token split. Ang proseso ng reverse token split ay tatagal nang humigit-kumulang na 24 na oras, na may sumusunod na timeline:
  • Ratio ng reverse token split:
    • 100,000 BNBDOWN (bago ang reverse split) = 1 BNBDOWN (pagkatapos ng reverse split)
    • 100,000 SXPDOWN (bago ang reverse split) = 1 SXPDOWN (pagkatapos ng reverse split)
  • Sa 2021-04-13 03:00 AM (UTC), sususpindihin namin ang pag-trade, subskripsyon, at pag-redeem ng mga BNBDOWN at SXPDOWN token. Ang lahat ng kasalukuyang order ng pag-trade ay makakansela. Pagkatapos ay kukuha kami ng isang snapshot ng mga balanse ng token sa mga account ng mga user at sisimulan ang reverse token split ng mga token sa ratio na 100,000:1.
  • Sa 2021-04-14 03:00 AM (UTC), ang mga bagong balanse sa BNBDOWN at SXPDOWN ay maa-update, at bubuksan namin ang pag-trade para sa BNBDOWN/USDT at SXPDOWN/USDT. Ang mga function ng subskripsyon at pag-redeem para sa mga token ay bubuksan din sa oras na ito.
Tungkol sa Reverse Token Split
Ang reverse token split ay isang proseso kung saan isinasama ang kasalukuyang bilang ng mga naisyung token sa isang mas maliit na bilang ng mga proporsyonal na mas valuable na token.
Halimbawa, batay sa ratio na 100,000 BNBDOWN (bago ang reverse split) = 1 BNBDOWN (pagkatapos ng reverse split), kung ang kabuuang bilang ng mga naisyung BNBDOWN token ay 100 bilyong token bago ang reverse token split, ang kabuuang bilang ng mga naisyung BNBDOWN token pagkatapos ng reverse token split ay magiging 1 milyong token. Kung ang isang user ay may hawak na 1,000,000 BNBDOWN token bago ang isang 100,000-for-1 reverse token split, magiging 10 BNBDOWN token ang hawak ng user matapos ang reverse token split.
Mahahalagang Paalala:
  • Sa panahon ng 24 na oras na proseso ng reverse token split, ang anumang pagbabago sa net asset value (NAV) ng mga token ay puwedeng masalamin sa graph ng NAV K-line ng token, halimbawa NAV K-line graph ng BNBDOWN. Tandaan na ang NAV ng mga token ay puwedeng mali dahil sa proseso ng reverse token split.
  • Mahigpit na inirerekomenda para sa mga may hawak ng token na suriin ulit ang panganib sa kanilang paghawak bago magsimula ang proseso ng reverse token split para mabawasan ang epekto ng mga pagbabago-bago ng presyo na puwedeng mangyari sa panahon ng proseso ng reverse token split. Pinapayuhan ang mga user na i-trade o i-redeem ang kanilang mga token sa USDT bago magsimula ang proseso ng reverse token split. Para sa higit pang impormasyon, sumangguni sa gabay na ito: Tungkol sa Mga Binance Leveraged Token.
  • Kung ang mga user ay may hawak na mga BNBDOWN o SXPDOWN token pagkatapos ng 2021-04-13 03:00 AM (UTC), pagsasama-samahin ng Binance ang mga token na ito sa isang ratio na 100,000 BNBDOWN (bago ang reverse split) = 1 BNBDOWN (pagkatapos ng reverse split), 100,000 SXPDOWN (bago ang reverse split) = 1 SXPDOWN (pagkatapos ng reverse split) at ia-update ang mga balanse sa mga BNBDOWN at SXPDOWN token sa 2021-04-14 03:00 AM (UTC) matapos makumpleto ang reverse token split. Dahil sa mga limitasyon sa yunit, ang mga bagong balanse sa BNBDOWN at SXPDOWN ay ia-update hanggang sa 8 decimal place lang.
  • Ang mga user ay magkakaroon ng 15 minutong palugit pagkatapos makumpleto ang reverse token split para mag-subscribe o mag-redeem bago ipagpatuloy ang pag-trade.
  • Ang 24 na oras ay batay sa aming mga pinakamahusay na pagtatantya at puwedeng mag-iba. Maglalabas kami ng isang karagdagang anunsyo para ipagbigay-alam sa mga user kapag ibinalik na ang pag-trade, subskripsyon, at pag-redeem pagkatapos makumpleto ang reverse token split.
Babala sa Panganib: Ang Mga Leveraged Token ay idinisenyo para sa mga panandaliang pusta sa paggalaw ng merkado, na may pagpabor sa momentum. Mapanganib ang pangmatagalang paghawak ng Mga Binance Leveraged Token (BLVT), dahil ang token ay may ilang built-in na pagkasira sa kawalan ng mga paggalaw ng momentum na pabor sa posisyon. Tandaan na ang BLVT ay HINDI isang kapalit para sa margin leveraged na produkto, at hindi ito kumikilos sa parehong paraan. Ang impormasyon dito ay hindi dapat ituring bilang payo sa pananalapi o pamumuhunan mula sa Binance. Ang lahat ng diskarte sa pag-trade ay gagamitin batay sa iyong sariling paghuhusga at pananagutan. Hindi mananagot ang Binance para sa anumang pagkaluging puwedeng mangyari dahil sa iyong paggamit ng Mga Leveraged Token.
Salamat sa iyong suporta!
Team ng Binance
2021-04-09
Mag-trade on the go gamit ang mobile crypto trading app ng Binance
Hanapin kami sa
Nakalaan sa Binance ang karapatan, sa sarili nitong pagpapasya, na baguhin, palitan, o kanselahin ang anunsyong ito anumang oras at para sa anumang dahilan nang walang paunang abiso.
Mga Kaugnay na Artikulo
Mga Pag-update sa Mga Coin-Margined ETC Perpetual Contract