Exchange
Palitan ng Blockchain at crypto asset
Academy
Edukasyon sa blockchain at crypto
Broker
Mga solusyon sa trading terminal
Charity
Kawanggawa
Cloud
Mga solusyon sa palitan ng enterprise
DEX
Mabilis at ligtas na desentralisadong palitan ng digital asset
Labs
Incubator para sa mga nangungunang proyekta ng blockchain
Launchpad
Palataporma ng paglaunch ng token
Research
Mga analysis at report na institutional-grade
Trust Wallet
Opisyal na crypto wallet ng Binance
Bumili ng Crypto
Mga Merkado
Mag-convert
Ang pinakamadaling paraan para mag-trade
Karaniwan
Simple at madaling gamiting interface
Advanced
Kumpletong access sa lahat ng tool sa pag-trade
Margin na Wallet
Pataasin ang iyong mga kita gamit ang leverage
P2P Account
Bank transfer at 100+ na pagpipilian
Stock Token
New
Mag-trade ng Mga Stock gamit ang Crypto
Mag-trade
I-scan para ma-download ang IOS at Android App
Mag-download
English
USD
Sentro ng Suporta
Anunsyo
Airdrop
Susuportahan ng Binance ang Programa ng Airdrop ng Mettalex (MTLX) para sa Mga May Hawak ng Fetch.ai (FET)
Binance
2021-04-12 14:57
Mga Kapwa Binancian,
Susuportahan ng Binance ang programa ng airdrop ng Mettalex (MTLX) para sa mga may hawak ng Fetch.ai (FET). Ang mga snapshot ng mga balanse sa FET ay isasagawa nang lingguhan sa loob ng 50 araw na panahon.
Kukuha kami ng isang snapshot ng lahat ng FET token na hawak ng mga user ng Binance sa sumusunod na oras:
Iskedyul ng Programa ng Airdrop ng MTLX
Round
Oras ng Snapshot (UTC)
Ratio ng Airdrop
1
2021-04-13 11:59 PM





FET:MTLX = 10,000:1
2
2021-04-20 11:59 PM
3
2021-04-27 11:59 PM
4
2021-05-04 11:59 PM
5
2021-05-11 11:59 PM
6
2021-05-18 11:59 PM
7
2021-05-25 11:59 PM
8
2021-06-01 11:59 PM
Tandaan:
  • Ang mga FET token na nakabinbin ang pagdeposito o pag-withdraw sa oras ng bawat snapshot ay hindi bibilangin sa iyong mga balanse sa FET. Tiyaking mag-iiwan ka ng sapat na oras para makumpleto ang mga pagdeposito at pag-withdraw bago ang snapshot.
  • Ang FET sa mga nakabinbing order ay hindi bibilangin sa iyong mga balanse sa FET.
  • Para maging kwalipikadong makatanggap ng airdrop ng MTLX, ang average na halaga ng FET na hawak sa buong walong snapshot ay dapat na higit sa 10,000 FET (hindi kasama ang mga nasa nakabinbing order ng pag-trade).
  • Isasama sa mga snapshot ang mga balanse sa FET sa mga Spot wallet, Margin account, at Savings account. Hindi isasama ang mga hindi naipamahaging pagbabayad ng interes sa FET.
  • Ang FET na hiniram mula sa Margin, o FET na inilipat sa mga Spot wallet mula sa mga account na ito, ay hindi bibilangin patungo sa threshold ng airdrop.
  • Para sa pag-trade at paglilista ng MTLX sa Binance, dadaan ang MTLX sa parehong mahigpit na proseso ng pagsusuri sa paglilista na ginagawa ng Binance para sa anumang iba pang coin/token. Hindi ginagarantiyahan ng pagsuporta sa airdrop na ito ang pagkakalista ng MTLX. Hindi ginagarantiyahan ng Binance ang anumang paglilista alinsunod sa panloob nitong patakaran.
  • Ipapamahagi ng Binance ang mga MTLX token pagkatapos makumpleto ng proyekto ang pamamahagi ng MTLX token sa Binance. Magpo-post kami ng karagdagang anunsyo kapag nakumpleto na ang pamamahagi sa mga user ng Binance.
  • Ang mga tao at entity mula sa Estados Unidos at mga pinaghihigpitang bansa ay hindi kwalipikadong makatanggap ng airdrop na ito. Para sa higit pang impormasyon, sumangguni sa Mga Tuntunin ng Paggamit ng Binance.
Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa orihinal na anunsyo: Airdrop ng MTLX para sa mga May Hawak ng FET sa Binance
Babala sa panganib: Ang pag-trade ng cryptocurrency ay napapailalim sa mataas na panganib sa merkado. Maging maingat sa iyong mga pag-trade. Gagawin ng Binance ang lahat ng makakaya nito para pumili ng mga de-kalidad na coin, pero hindi ito mananagot para sa iyong mga pagkalugi sa pag-trade.
Salamat sa iyong suporta!
Team ng Binance
2021-04-09
Mag-trade on the go gamit ang mobile crypto trading app ng Binance
Hanapin kami sa
Nakalaan sa Binance ang karapatan, sa sarili nitong pagpapasya, na baguhin, palitan, o kanselahin ang anunsyong ito anumang oras at para sa anumang dahilan nang walang paunang abiso.
Mga Kaugnay na Artikulo
Nakuhang Snapshot para sa Programa ng Airdrop ng Symbol (XYM) para sa Mga May Hawak ng NEM (XEM)