Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD
Sentro ng Suporta
Anunsyo
Pinakabagong Balita

Inilunsad ng Binance Futures ang Programa ng Referral

Binance
2020-10-06 15:13
Mga Kapwa Binancian,
Ikinagagalak naming ipakilala ang pinakabagong programa ng referral ng Binance Futures.
Simula 2019/12/13, imbitahan ang iyong mga kaibigan na magbukas ng account sa Binance Futures at kumita ng hanggang 20% referral bonus sa bayarin sa pag-trade habang binibigyan din ang iyong kaibigan ng 10% diskwento. Kikita ka, ang iyong mga kaibigan ay makakatipid.
Mag-refer ng Mga Kasalukuyang Binance User
Puwedeng i-refer ang mga kasalukuyang user ng Binance.com na hindi pa nakakapagbukas ng account sa Binance Futures. Alamin kung paano i-refer ang iyong mga kaibigan sa Binance Futures dito.
Custom na Code
Gumawa ng sarili mong custom na code ng referral sa Binance para i-share sa iyong mga kaibigan (3-16 na alphanumeric na karakter).
Mga Detalye ng Programa ng Referral
Ang Iyong Balanse sa BNBAng Iyong Base Rate ng Referral BonusAng Iyong Rate ng Referral BonusAng Rate sa Unang Buwan ng Diskwento ng Iyong Mga Kaibigan (Kickback)
< 500 BNB20%10%10%
≥ 500 BNB30%20%10%
Magbibigay ang mga nag-imbita ng bahagi ng komisyon na natanggap nila mula sa bayarin sa pag-trade ng mga inimbita nilang kaibigan, bilang "kickback". Ang rate sa pag-share para sa mga nag-imbita ay ang mga sumusunod:
● 1. Kung ang pang-araw-araw na average na balanse sa BNB account ng nag-imbita ay mas mababa sa 500 BNB, ang kanyang base rate ng referral bonus ay 20%, mula rito, ibabahagi niya ang 10% sa isang kaibigan, at ang 10% komisyon ay maiiwan sa nag-imbita.
● 2. Kung ang pang-araw-araw na average na balanse sa BNB account ng nag-imbita ay 500 BNB o higit pa, ang kanyang base rate ng referral bonus ay 30%, mula rito ibabahagi niya ang 10% sa isang kaibigan, at ang 20% referral bonus ay maiiwan sa nag-imbita.
Mga Termino at Kondisyon:
● Ang lahat ng referral bonus (nakuha ng nag-imbita at naipamahagi sa kanilang mga inimbitang kaibigan) ay kinakalkula nang real-time at inililipat sa kani-kanilang account sa Binance Futures bawat oras.
● Ang asset ng settlement ng mga referral bonus ay magiging kapareho ng asset na gagamitin sa pagbabayad ng mga fee.
● Ang mga rate ng referral ay kinakalkula nang 0:00 AM araw-araw, at naa-update tuwing 1:00 AM (UTC)
● Tatagal ang 10% rate ng "kickback" na ibinahagi ng nag-imbita nang 30 araw mula sa petsa ng pag-activate ng Futures account.
● Laging tandaan na kwalipikado ka lang na makatanggap ng referral bonus mula sa mga ni-refer mong kaibigan na VIP 1 o mas mababa. Kapag umabot na sa VIP level 2 o higit pa ang isang kaibigang inimbita mo, titigil ang pagtanggap mo ng referral bonus mula sa kaibigang iyon.
● Ang referral bonus na natanggap mo para sa bawat ni-refer na user ay tatagal nang 12 buwan mula sa kani-kanilang petsa ng pagrehistro, pagkatapos ay mag-e-expire ito.
● Nakalaan sa Binance ang karapatang pahabain, sa sarili nitong pagpapasya, ang tagal ng panahon bago mag-expire ang mga ni-refer na user
● Ang bayarin sa liquidation ay hindi kasali at hindi mailalapat sa programa ng referral sa Binance Futures.
● Walang limitasyon sa bilang ng mga kaibigan na puwedeng imbitahan gamit ang iisang account.
● Kung ang pang-araw-araw na average na balanse sa BNB account ng nag-imbita ay mas bumaba pa sa 500 BNB, ang base rate ng referral bonus ay bababa sa 20% mula sa 30%.
● Ang mga referral bonus at mga "kickback" sa mga inimbita ay magagamit sa bayarin sa futures trading sa main account ng inimbita at lahat ng sub-account nito.
● Puwedeng baguhin ng Binance ang pagkakaparte-parte ng mga referral bonus kahit kailan at nakalaan dito ang karapatang baguhin ang mga panuntunan ng programa ng referral.
● Hindi pinapayagan ng Binance ang sinumang user na imbitahan ang sarili gamit ang iba't ibang account. Kapag may nadiskubre kaming ganitong aktibidad, makakansela ang lahat ng referral gayundin ang lahat ng referral bonus at kickback para sa mga account ng inimbita.
● Nakalaan sa Binance ang karapatang tanggalin o kanselahin ang mga referral bonus ng mga user na matutukoy na gumagamit ng mga custom na code ng referral na nakakapanakit, nakakapanlinlang, at/o mapaminsala.
Mahalagang Paunawa:
Nakalaan sa Binance ang karapatang baguhin ang mga tuntunin ng programa ng referral ng futures anumang oras dahil sa nagbabagong kondisyon ng merkado, panganib ng panloloko, at anumang iba pang factor na itinuturing naming may kaugnayan.
Babala sa panganib: Ang pagbili, pagbebenta, paghawak, at pakikibahagi sa futures trading ng mga cryptocurrency ay mga aktibidad na napapailalim sa mataas na panganib sa merkado. Ang pabago-bago at mahirap hulaang katangian ng presyo ng mga cryptocurrency ay puwedeng mauwi sa napakalaking pagkalugi. Hindi mananagot ang Binance para sa anumang pagkalugi na posible mong maranasan dahil sa pagbabago-bago ng presyo kapag bumili, nagbenta, humawak, at nag-leverage ka ng mga cryptocurrency.
Salamat sa iyong suporta!
Team ng Binance
2019/12/13
Hanapin kami sa
Mga Kaugnay na Artikulo
Ang Binance P2P ay idadagdag ang pares na SLP/PHP