Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD
Sentro ng Suporta
Anunsyo
Mga Pinakabagong Aktibidad

Inilunsad ng Binance Futures ang Kampanya ng Bonus para sa Euro Cup!

Binance
2021-06-25 01:58
Para ipagdiwang ang edisyon na ito ng Euro Cup 2020, maglulunsad ang Binance Futures ng isang espesyal na promo para sa mga bago at dati nang user kung saan puwedeng manalo ng share sa 100,000 BUSD. 
Panahon ng Kampanya: 06/24/2021 00:00 AM (UTC) hanggang 07/06/2021 08:00 AM (UTC)
Sa panahon ng kampanya, ang mga kwalipikadong user na makakapag-trade ng minimum na 10,000 USDT o BUSD sa USDⓈ-M o COIN-M Futures ay puwedeng bumoto para sa mga koponan na sa tingin nila ay magiging mga finalist at mananalo sa Euro Cup 2002 at may tsansa silang manalo ng isang share ng pool ng premyo na 100,000 BUSD. 
Sumali Na: https://bit.ly/EuroFuturesBonus
Pagkalkula ng mga share
  • Ang bawat entry ng kalahok sa round 16 (06/24/2021 0:00 AM - 06/29/2021 11:59 PM UTC) ay makakakuha ng 16 na share.
  • Ang bawat entry ng kalahok sa Quarterfinal round (06/30/2021 0:00 AM - 07/06/2021 8:00 AM UTC ) ay makakakuha ng 8 share.
 Ang lahat ng kwalipikadong user na mapipili ang mga tamang finalist at nanalong koponan ay maghahati-hati sa premyo ng pool batay sa proporsyon ng kanilang mga share sa mga share ng lahat ng kwalipikadong kalahok na bumoto para sa kani-kanilang mga koponan.
Pamamahagi ng premyo
  • Pool ng Premyo ng Bawat Finalist: 30,000 BUSD na halaga ng Mga Futures Bonus Voucher (60,000 BUSD na halaga ng Mga Futures Bonus Voucher sa kabuuan).
  • Pool ng Premyo ng Mananalo sa Euro Cup: 40,000 BUSD na halaga ng Mga Futures Bonus Voucher.
Mga Tuntunin at Kondisyon: 
  • Ang kampanya ay para lang sa mga na-verify na  VIP 0 at VIP 1 user.
  • Isang beses lang puwedeng bumoto ang mga kwalipikadong user.
  • Walang limitasyon sa bilang ng mga pool ng premyo kung saan puwedeng makatanggap ng mga reward ang isang kwalipikadong user. Halimbawa, kung ang user ay bumoto para sa tamang finalist at nanalong koponan, makakatanggap siya ng mga reward mula sa lahat ng tatlong pool ng premyo batay sa proporsyon ng kanyang mga share sa lahat ng share na hawak ng mga kalahok na bumoto para sa kani-kanilang mga koponan. 
  • Ang mga futures bonus voucher ay ipapamahagi sareward center sa loob ng 10 araw pagkatapos ng kampanya. Kakailanganin ng user na i-redeem kaagad ang voucher mula sa reward center sa loob ng 14 na araw pagkatapos ng pamamahagi, make-credit kaagad ito sa futures wallet. 
  • Nakalaan sa Binance ang karapatang i-disqualify ang mga trade na itinuturing na mga wash trade o mga account na ilegal na inirehistro nang maramihan, pati na rin ang mga trade na nagpapakita ng mga katangian ng pakikipag-deal sa sarili o pagmamanipula sa merkado.
  • Nakalaan sa Binance ang karapatang kanselahin o baguhin ang anumang Aktibidad o Mga Panuntunan sa Aktibidad sa aming sariling pagpapasya. 
Babala sa Panganib: Ang futures trading ay may kaakibat na mataas na panganib at posibilidad ng malaking kita gayundin ng matinding pagkalugi. Ang mga nakaraang nakamit na kita ay hindi nagpapahiwatig ng mga return sa hinaharap. Ang lahat ng iyong balanse sa margin ay puwedeng ma-liquidate kapag nagkaroon ng matinding paggalaw ng presyo. Ang impormasyon dito ay hindi dapat ituring na payo sa pananalapi o pamumuhunan mula sa Binance. Ang lahat ng diskarte sa pag-trade ay gagamitin mo batay sa iyong sariling paghuhusga at pananagutan. Hindi mananagot ang Binance para sa anumang pagkaluging puwedeng mangyari dahil sa iyong paggamit ng Futures.
Nakalaan sa Binance ang karapatan, sa sarili nitong pagpapasya, na baguhin, palitan, o kanselahin ang anunsyong ito anumang oras at para sa anumang dahilan nang walang paunang abiso.
Mga Kaugnay na Artikulo
Philippines Special: Mag-trade at Kumita sa Binance P2P - 11,300 SLP Tokens ang Mapapanalunan