Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD
Sentro ng Suporta
Anunsyo
Mga Listahan ng Crypto

Pagpapakilala ng Klaytn (KLAY) sa Binance Launchpool! Mag-farm ng KLAY sa pamamagitan ng Pag-stake ng Mga BNB at BUSD Token

Binance
2021-06-25 02:00
Mga Kapwa Binancian,
Nasasabik ang Binance na ipahayag ang ika-21 proyekto sa Binance Launchpool - ang Klaytn (KLAY), isang open-source na blockchain na binuo ng Kakao para sa performance at scalability.
Maise-stake ng mga user ang kanilang mga BNB at BUSD sa magkakahiwalay na pool para mag-farm ng mga KLAY token sa loob ng 14 na araw, simula sa 06/25/2021 00:00 AM (UTC).
Mga Detalye ng KLAY sa Launchpool:
  • Pangalan ng Token: Klaytn (KLAY)
  • Kabuuang Supply: 10,602,731,555 KLAY
  • Supply sa Sirkulasyon: 2,476,554,233 KLAY (25% ng kabuuang supply)
  • Supply ng Launchpool: 1,327,433 KLAY
  • Ulat sa Pananaliksik: Klaytn (KLAY)
  • Block explorer: Klaytn Scope
  • Mga Tuntunin sa Pag-stake: Walang mas mataas na limitasyon. Hindi kinakailangan ng KYC
Mga Sinusuportahang Pool: 
  • Mag-stake ng BNB: 1,061,946.4 KLAY sa mga reward (80%) 
  • Mag-stake ng BUSD: 265,486.6 KLAY sa mga reward (20%)
  • Panahon ng Pag-farm: 06/25/2021 00:00 AM (UTC) hanggang 07/08/2021 11:59 (UTC).
Pamamahagi ng Pag-farm ng KLAY
Mga Petsa (0:00:00 - 23:59:59 UTC bawat araw)Kabuuang Mga Pang-araw-araw na Reward (KLAY)Mga Pang-araw-araw na Reward sa BNB Pool (KLAY)Mga Pang-araw-araw na Reward sa BUSD Pool (KLAY)
06/25/2021 - 07/08/202194,816.6475,853.3118,963.33

 
Basahin ang tungkol sa Klaytn (KLAY) sa aming ulat sa pananaliksik dito.
Tandaan:
  • Kukuha ng mga snapshot ng mga balanse ng user at kabuuang balanse ng pool bawat oras para makalkula ang mga reward ng user, na maa-update rin bawat oras.
  • Puwedeng ipunin ng mga user ang kanilang mga reward (kinakalkula bawat oras) at makukuha nila ang mga ito nang direkta sa kanilang mga spot account anumang oras.
  • Ang taunang porsyento ng yield (annual percentage yield o APY) at ang kabuuang balanse ng pool ng bawat pool ay maa-update nang real time.
  • Puwede lang ma-stake ang mga token sa iisang pool nang paisa-isa. Halimbawa, hindi puwedeng i-stake ni User A ang parehong BNB sa dalawang magkaibang pool nang sabay, pero puwede siyang maglaan ng 50% ng kanyang BNB sa pool A at 50% sa pool B.
  • Maa-unstake ng mga user ang kanilang mga pondo anumang oras nang walang pagkaantala at puwede silang lumahok kaagad sa anumang iba pang available na pool.
  • Ang mga token na naka-stake sa bawat pool at ang anumang hindi na-claim na reward ay awtomatikong maililipat sa mga spot account ng bawat user sa pagtatapos ng bawat panahon ng pag-farm.
  • Maibibigay pa rin ng BNB na na-stake sa Launchpool sa mga user ang karaniwang mga benepisyo sa paghawak ng BNB, tulad ng mga airdrop, pagiging kwalipikado sa Launchpad, at mga benepisyo ng VIP.
Mga Link ng Proyekto
Babala sa panganib: Ang pag-trade ng cryptocurrency ay napapailalim sa mataas na panganib sa merkado. Maging maingat sa iyong mga pag-trade. Gagawin ng Binance ang lahat ng makakaya nito para pumili ng mga de-kalidad na coin, pero hindi ito mananagot para sa iyong mga pagkalugi sa pag-trade.
Salamat sa iyong suporta!
Team ng Binance
06/24/2021
 
Hanapin kami sa 
Instagram: https://www.instagram.com/binance 
Nakalaan sa Binance ang karapatan, sa sarili nitong pagpapasya, na baguhin, palitan, o kanselahin ang anunsyong ito anumang oras at para sa anumang dahilan nang walang paunang abiso.
Mga Kaugnay na Artikulo
Inilista ng Binance ang Klaytn (KLAY)