Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD
Sentro ng Suporta
Anunsyo
Mga Pinakabagong Aktibidad

Mag-trade para Mangolekta ng Mga Icon at I-claim ang Iyong Bahagi sa Pool ng Premyo na $250,000!

Binance
2021-06-03 02:42
Naghanda ang Binance ng isang espesyal na promosyon na Mangolekta at Manalo para magkaroon ng bahagi ng $250,000 na reward ang lahat ng aming user. Matapos ang matagumpay na pagkolekta ng lahat ng limang icon ng TRX, BTT, WIN, JST, at SUN token logo, ang mga user ay puwedeng mag-unlock ng isang tropeo at mag-claim ng kanilang bahagi sa pool ng premyo.
Panahon ng aktibidad: 06/03/2021 00:00 AM (UTC) - 06/09/2021 11:59 PM (UTC)
  • Promosyon A: Magkaroon ng Bahagi sa Eksklusibong Reward na $50,000 para sa Mga Bagong User
  • Ang lahat ng kwalipikadong user na magrerehistro ng account sa Binance sa panahon ng aktibidad at maa-unlock ang tropeo ay magiging kwalipikadong sumali sa isang hamon, kung saan 1,000 kalahok ang pipiliin batay sa mga panuntunan para manalo bawat isa ng $50 sa mga TRX, BTT, WIN, JST, at SUN token voucher.
  • Promosyon B: I-unlock ang Tropeo para Mag-claim ng $150,000 sa Mga Token Voucher!
  • Ang lahat ng kwalipikadong user na matagumpay na maa-unlock ang tropeo sa panahon ng aktibidad ay magiging kwalipikadong sumali sa isang kumpetisyon, kung saan 150 kalahok ang pipiliin batay sa mga panuntunan para manalo bawat isa ng $1,000 sa mga TRX, BTT, WIN, JST, at SUN token voucher.
  • Promosyon C: “No One Misses Out” - I-claim ang Iyong Bahagi sa Pool ng Pemyo na $50,000
Ang lahat ng kwalipikadong user na hindi nanalo sa Promosyon B ay maghahati-hati sa pool ng premyo na mga $50,000 sa TRX, BTT, WIN, JST, at SUN token voucher. Ang bahagi ng premyo ay kakalkulahin batay sa proporsyonal na dami ng pag-trade ng bawat kwalipikadong user sa kabuuang dami ng pag-trade ng lahat ng kwalipikadong user.
Pagkalkula ng reward:
Ang mga token na reward para sa bawat kwalipikadong user = (Kabuuang may bisang dami ng pag-trade ng bawat user / kabuuang may bisang dami ng pag-trade ng lahat ng kwalipikadong user) * Kabuuang pool ng premyo na $50,000 sa mga TRX, BTT, WIN, JST, at SUN token voucher
Paano manalo?
  • Kolektahin ang lahat ng limang icon sa page ng aktibidad para ma-unlock ang tropeo. Kapag tapos na ito, kwalipikado ka nang magkaroon ng bahagi sa pool ng premyo na $250,000!
Paano ako makakakolekta ng mas marami pang icon?
  • Mag-trade para makakuha ng mga icon:
    • Kumumpleto ng isang trade na hindi bababa sa 100 USDT sa anumang kwalipikadong pares sa pag-trade na TRXUSDT, BTTUSDT , WINUSDT, JSTUSDT, at SUNUSDT sa spot at margin.
    • Pagkatapos makumpleto ang bawat kwalipikadong transaksyon tulad ng nabanggit sa itaas, ang user ay puwedeng pumunta sa page ng aktibidad para kolektahin ang icon.
  • Ibahagi para makakuha ng mga icon:
    • Ibahagi sa social media ang iyong mga hindi pa nakuhang icon at hilingin sa iyong mga kaibigan na padalhan ka ng kanilang mga sobra!
    • Ibahagi ang iyong mga sobrang icon sa social media at ipalit ang mga ito para sa mga kailangan mo para ma-unlock ang tropeo.
Mga Tuntunin at Kondisyon:
  • Kung wala kang account sa Binance, mag-click dito para makakuha ng 10% diskwento sa bayad sa pag-trade. Ang 10% diskwento sa bayad sa spot trading ay mananatiling may bisa hangga't ginagamit pa rin ang kasalukuyang programa ng referral ng Binance. Tatagal ang 10% diskwento sa bayad sa futures trading na ibinahagi ng nag-imbita nang 30 araw mula sa petsa ng pag-activate ng account sa Futures.
  • Mga kwalipikadong pares sa pag-trade sa spot at margin: TRXUSDT, BTTUSDT, WINUSDT, JSTUSDT, at SUNUSDT.
  • Gagamitin ng Binance ang average na closing price sa 11:59:59 (UTC) ng mga pares sa pag-trade na TRXUSDT, BTTUSDT, WINUSDT, JSTUSDT, at SUNUSDT sa panahon ng kumpetisyon bilang rate ng palitan ng token na gagamitin para sa pamamahagi.
  • Ang bawat token ay kakatawan sa 20% ng mga reward na natanggap ng bawat user. Halimbawa, kung mananalo ka ng $1,000 sa mga token voucher, ipapamahagi ito bilang $200 sa TRX, $200 sa BTT, $200 sa WIN, $200 sa JST, at $200 sa SUN.
  • Para sa mga mekanismo ng pagpili ng mananalo, sumangguni sa Mga Panuntunan sa Pagpili ng Mananalo Batay sa Hash Value ng Binance Chain.
  • Ang pagkakasunud-sunod ng pagpili ng mga mananalo ay mula sa Promosyon A, Promosyon B hanggang sa Promosyon C.
  • Ang mga nanalo sa Promosyon B ay hindi na kwalipikadong manalo ng Reward sa Promosyon C.
  • Ipapamahagi ang mga reward sa loob ng 2 linggo matapos ang kumpetisyon. Magagawa mong mag-log in at ma-redeem ang iyong voucher sa pamamagitan ng Account > Reward Center. Ang panahong may bisa ang voucher ay nakatakda sa 14 na araw mula sa araw ng pamamahagi.
  • Tandaan na ang hindi pagka-karaniwan ng icon ay magkakaiba.
  • Kinakailangang makolekta ng mga user ang lahat ng 5 magkakaibang icon para ma-unlock ang tropeo.
  • Makakatanggap lang ang mga user ng mga reward kung ang lahat ng 5 magkakaibang icon ay makokolekta nila para ma-unlock ang tropeo. Anumang iba pang kumbinasyon ay hindi magiging kwalipikado para sa reward.
  • Magagawa ng mga user na makipagpalitan ng kanilang mga icon sa ibang mga user nang walang anumang limitasyon at puwede itong kumpletuhin sa anumang oras ng araw.
  • Hindi pinahihintulutan ng Binance ang pagbili o pagbebenta ng mga icon sa mga user. Ang anumang pagkalugi na natamo mula rito ay hindi magiging responsibilidad ng Binance. Hindi pananagutan ng Binance ang anumang pagkaluging matatamo mula rito.
  • Ang dami ng pag-trade ng sub-account at margin account ay isasama sa kabuuang dami ng pag-trade ng master account sa pangwakas na pagkalkula. Hindi titingnan ang bawat sub-account bilang hiwalay na account kapag nakikilahok sa aktibidad na ito.
  • Nakalaan sa Binance ang karapatang i-disqualify ang mga pag-trade na itinuturing na mga wash trade o mga account na ilegal na inirehistro nang maramihan, pakikipag-deal sa sarili, o nagpapakita ng mga katangian ng pagmamanipula sa merkado.
  • Nakalaan sa Binance ang karapatan sa pangwakas na interpretasyon ng aktibidad.
Babala sa panganib: Ang pag-trade ng cryptocurrency ay napapailalim sa mataas na panganib sa merkado. Maging maingat sa iyong mga pag-trade. Gagawin ng Binance ang lahat ng makakaya nito para pumili ng mga de-kalidad na coin, pero hindi ito mananagot para sa iyong mga pagkalugi sa pag-trade.
Nakalaan sa Binance ang karapatan, sa sarili nitong pagpapasya, na baguhin, palitan, o kanselahin ang anunsyong ito anumang oras at para sa anumang dahilan nang walang paunang abiso.
Mga Kaugnay na Artikulo
Inilunsad ang Marketplace ng Binance NFT: Manalo ng Mga Limited Edition na NFT at Bahagi ng $200,000