Tungkol sa Maker
MKR ang utility token ng Maker platform, na gumagana bilang pundasyon ng DAI stablecoin. Bilang isa sa mga unang ERC-20 token na inilunsad sa Ethereum network, may kumplikadong relasyon ang DAI at Maker na pinapamahalaan sa pamamagitan ng mga MKR token. Ina-update ang presyo ng MKR at available ito nang real-time sa Binance.
Nag-aalok ang MKR ng ilang gamit sa Maker ecosystem, kasama na ang pamamahala. Isa ang MakerDAO sa mga unang decentralized autonomous organization (DAO) na naglunsad at gumamit ng mga aktibong smart contract ng panukala na nagtatampok ng mataas na antas ng transparency at nagbibigay sa mga kalahok ng kontrol sa platform ng Maker.
May mahalagang tungkulin ang MKR sa mga desisyon gaya ng mga aksyon sa pamamahala ng panganib na isinasagawa ng Maker, ng pagdaragdag ng mga bagong collateralized na currency, at iba pang pagbabago, gaya ng mga pagbabago ng mga parameter ng panganib sa pag-isyu ng DAI.