Tungkol sa DigiByte (DGB)
Ang DigiByte (DGB) ay isang blockchain network na nakatuon sa scalability at seguridad na naglalayong gumana bilang platform para sa mga decentralized application (DApp) at smart contract. Itinatag ito noong 2013 at isa ito sa mga pinakamatagal nang blockchain network at tumatakbo ito bilang isang open-source na proyekto na idinisenyo para pangasiwaan ang paggamit at pagtanggap sa teknolohiya ng blockchain sa mainstream.
Gumagamit ang DigiByte ng arkitektura ng blockchain na may tatlong tier na binubuo ng isang application layer kung saan tumatakbo ang mga DApp ng DigiByte, isang layer ng pampublikong ledger na pinapanatili ng DigiByte, at isang network ng mga node na gumagana para i-secure ang DigiByte network at mag-validate ng mga transaksyon.
Ang matagal nang tenure ng DigiByte sa industriya ng blockchain ay humantong sa paglulunsad ng ilang malalaking platform at feature. Dahil sa mga bago-bagong dagdag sa proyekto ng DigiByte, nailunsad ang DigiByte Digiassets, na magagamit ng mga developer at enterprise para mag-tokenize ng mga asset sa totoong buhay gaya ng mga security at precious metal, pati na rin mga legal na dokumento at deed.
Kasama sa iba pang feature ng DigiByte ecosystem ang Digi-ID, na isang desentralisadong blockchain ID platform na naglalayong alisin ang pangangailangang gumamit ng maraming username at password sa iba't ibang platform. Ina-update ang presyo ng DigiByte at available ito nang real-time sa Binance.