Gaming / IGO
Mag-explore
Stats
Mga Mystery Box
placeholder
English
USD

Ano ang NFT?

Ang NFT ay isang uri ng cryptographic token sa isang blockchain na kumakatawan sa isang natatanging asset. Ang mga ito ay puwedeng maging ganap na mga digital asset o tokenized na bersyon ng mga tunay na asset.

Higit pa Tungkol sa Mga NFT

Ano ang ibig sabihin ng NFT?

Ang NFT ay isang pagpapaikli sa non-fungible token.

Ano ang fungibility?

Ang isa pang kilalang feature ng NFT ay ang aspekto ng non-fungibility. Ang isang magandang paraan para ilarawan ang fungibility ay ang mga currency - kung saan puwede mong madaling ipalit ang isang $5 bill sa isa pang $5 bill dahil sa homogeneity. Ang mga item na ito ay naipapapalit dahil tinutukoy ang mga ito batay sa kanilang halaga at hindi sa pagiging natatangi.

Ang mga NFT, sa kabilang banda, ay hindi naipagpapalit sa isa't isa. Bawat NFT ay may kakaiba at natatanging identifier na naghihiwalay dito sa iba. Gumagana ito bilang pruweba ng pagiging tunay at pagmamay-ari sa digital na mundo.

Paano gumagana ang mga NFT?

May iba't ibang framework para sa paggawa at pag-isyu ng mga NFT. Ang pinakasikat ay ang ERC-721 at ERC-1155 sa Ethereum blockchain. Ang BNB Chain ay may mga sariling pamantayan: ang BEP-721 at BEP-1155. Ang mga NFT ay hindi makokopya o maililipat nang walang pahintulot ng may-ari, kahit ng nag-isyu ng NFT.

Puwede kang mag-trade ng mga NFT sa mga bukas na marketplace tulad ng Marketplace ng Binance NFT, OpenSea, at Treasureland. Tumutulong ang mga merkadong ito na ikonekta ang mga mamimili sa mga nagbebenta, at ang value ng bawat NFT ay natatangi. Kapansin-pansin ding madaling maapektuhan ang mga NFT ng mga pagbabago sa presyo bilang tugon sa demand at supply sa merkado.

Ang Kasaysayan ng Mga NFT
Gabay sa Mga Crypto Collectible at Mga Non-fungible Token (Mga NFT)
Higit pa Tungkol sa Mga NFT

Paano ginawa ang mga NFT?

Ang unang hakbang sa paggawa ng NFT ay ang pag-mint. Sa pag-mint, ginagawang mga crypto asset sa isang blockchain ang mga imahe, video, audio, at iba pang digital file. Dahil nasa blockchain ang NFT, mas mahirap itong manipulahin at i-tamper. Dahil sa natatanging data ng isang NFT, madaling nave-verify ang pagiging tunay at pagmamay-ari nito.

Sa bawat NFT na ginawa, ang may-ari/gumawa ay puwede ring mag-store ng partikular na impormasyon sa loob nito, tulad ng paglagda sa kanilang artwork sa pamamagitan ng pagsasama ng kanilang pirma sa metadata ng NFT.

Nagmamay-ari ka ba talaga ng mga NFT?

Para sa karamihan ng mga NFT, puwede lang magkaroon ng isang may-ari sa isang pagkakataon. Ang pagmamay-ari ay pinamamahalaan sa pamamagitan ng isang natatanging ID at metadata na hindi makokopya ng ibang mga token.

Gayunman, nagsisimula na ring mapansin ang mga fractional NFT. Sa fractional NFT, kumukuha ng isang buong NFT at hinahati ito sa mas maliliit na bahagi, na nagpapahintulot sa iba't ibang bilang ng tao na magmay-ari sa isang piraso ng parehong NFT.

Matuto Pa Tungkol sa Pagmamay-ari ng NFT
Matuto Pa

Ano ang mga platform ng NFT blockchain?

Ang NFT ay isang crypto asset na kumakatawan sa isang bagay na natatangi at magandang kolektahin gamit ang teknolohiya ng blockchain. Pero ano nga ba ang blockchain? Ito ay isang distributed database para sa pag-rekord at pag-store ng impormasyon. Ang database na ito ay tinutukoy din bilang digital ledger, at tinitiyak ng desentralisadong network nito na hindi maha-hack o mamamanipula ang data. Ang mga NFT ay mga digital asset na gumagamit ng teknolohiya ng blockchain para matiyak ang pagiging tunay at seguridad.

Partikular sa mga NFT, nariyan mga marketplace para mag-alok ng ligtas na platform para makabili, makapag-trade, at makapagbenta ang iba't ibang kolektor ng kanilang mga NFT sa blockchain. Ang mga marketplace na ito ay may isang malawak na hanay ng mga non-fungible token para sa pagbebenta, mula sa mga sikat na artista hanggang sa mga baguhan.

Ano ang ilang opsyon sa blockchain?
1. Ethereum
Ang Ethereum ay isang desentralisado at open source na platform ng blockchain na pinapatakbo ng native cryptocurrency nito, ang ether (ETH). Nagbibigay-daan ang mga smart contract ng Ethereum sa mga kalahok na bumuo ng lahat ng uri ng desentralisadong pinansyal na serbisyo at application.
2. BNB Chain
Isang pagpapaikli ng Build' N Build, ang BNB Chain ay nagpapalawak at nagpapaunlad sa desentralisasyon. Layunin ng BNB Chain na pataasin ang interoperability at bumuo ng pinagbabatayang imprastraktura ng "parallel virtual environment ng mundo," na isang hakbang pasulong sa mga kamakailang pagsusumikap sa MetaFi ng Binance.
3. Polygon
Partikular na iniangkop sa ecosystem ng Ethereum, ang Polygon ay nag-aalok sa mga developer ng isang framework para sa paggawa ng network ng blockchain at mga solusyon sa scaling na compatible sa Ethereum.
Mga Bagay na Dapat Tandaan Tungkol sa Mga NFT
Matuto Pa

Kailan ginawa ang mga NFT?

Maiuugnay sa pagsikat ng crypto noong 2017 ang pagsisimula ng bagong crypto asset class na ito. Mahalaga ang naging papel ng Binance sa pagtanggap sa mga NFT higit isang taon bago ang pagsikat ng mga ito ngayon.

Ang Kasaysayan ng Mga NFT
Matuto Pa

Sino ang gumawa ng mga NFT?

Unang ipinakilala ang mga NFT sa mundo noong Mayo 2014 ng creator na si Kevin McCoy. Isang lider sa larangan ng NFT art, siya ang nag-mint ng kauna-unahang NFT, ang Quantum, na idinisenyo ng kanyang asawa. Ang "Quantum" ay isang video loop ng isang octagon na puno ng mga bilog, arc, at iba pang hugis na may iisang sentro. Hanggang 2021, ang makasaysayang NFT ay ibinebenta sa halagang 7 milyong dolyar.

Bakit sumisikat ang mga NFT?

Sumikat nang napakabilis sa buong mundo ang phenomenon ng NFT. Higit pa sa pagiging mga collectible na digital asset, ang mga NFT ay mga value asset na ngayon na may iba't ibang mapaggagamitan sa pisikal at virtual na mundo.

Ang mga NFT ay patuloy ring sumisikat bilang isang uri ng artistikong pagpapahayag o tool ng pamumuhunan sa digital na larangan. Kahit sa mga laro, dahil sa functionality ng mga NFT, ang mga ito ay parehong asset ng pamumuhunan at isang utility instrument na nagbibigay sa mga manlalaro ng mga espesyal na kakayahan. Habang patuloy na pinapaunlad at pinapalawak ang mundo ng NFT, ang mga mapaggagamitan sa mga ito ay magbabago sa kalaunan at magiging higit pa sa pagiging mga JPEG collectible.

Ilang tao ang bumibili ng mga NFT?

Bago ang pagsikat ng crypto noong 2017 na humantong sa interes sa mga NFT, ang mga benta ng mga NFT bawat linggo ay tinatayang 100 lang. Gayunpaman, sa patuloy na pagsikat ng mga NFT at da lalong lumalawak na mundo ng NFT, ang mga benta ng NFT ay nasa 15,000 hanggang 50,000 sa isang linggo. Ang average nito ay tinatayang $10 milyon hanggang $20 milyon bawat linggo.

Ang Hinaharap ng Mga NFT
Matuto Pa

Paano tumataas ang value ng mga NFT?

Katulad sa kung paano pinapahalagahan ang pisikal na art piece, nakadepende nang malaki ang halaga ng mga NFT sa interaksyon ng demand at supply. Habang tumataas ang demand dahil sa mga salik gaya ng rarity, paggamit, at ispekulasyon, sumusunod at tumataas din ang mga presyo para sa mga NFT.

Gabay sa Pagsusuri sa Value ng Mga NFT
Matuto Pa

Paano bumili ng mga NFT?

May iba't ibang paraan at platform para makabili ng iyong mga NFT. Puwede kang bumili ng mga NFT sa pamamagitan ng naka-fix na presyo, auction, o mula sa isang Mystery Box sa Binance NFT!

Gabay sa Pagbili ng Mga NFT sa Binance NFT
Matuto Pa

Paano magbenta ng mga NFT?

Maraming iba't ibang paraan para maibenta ang iyong mga NFT. Puwede mong gamitin ang tamang marketplace, ibahagi ang iyong gawain sa social media, puwede kang mag-host ng mga giveaway, mag-organisa ng AMA/livestream, sumali sa mga NFT group sa mga platform ng komunidad, gumawa ng iyong sariling website, o kahit na makipagtulungan sa mga influencer.

Gabay sa Pagbebenta ng Mga NFT sa Binance NFT
I-promote ang Iyong Mga NFT
Bumili at Magbenta ng Mga NFT

Paano mag-mint ng mga NFT?

Maraming iba't ibang hakbang sa pag-mint ng iyong mga NFT: pagkakaroon ng crypto para bayaran ang pag-mint, isang cryptocurrency wallet para i-store ang iyong crypto, isang blockchain para gumawa ng iyong non-fungible token, at marami pa!

Gabay sa Pag-mint ng Mga NFT
Matuto Pa

Paano mamuhunan sa mga NFT?

Kapag pumipili ng bibilhing NFT para sa ispekulasyon, mahalagang suriin ang iba't ibang salik na puwedeng makaimpluwensya sa halaga ng NFT. Kabilang sa mga sukatang ito ang Paggamit, Rarity, Laki ng Komunidad, Dami ng Pag-trade, Potensyal, at Provenance.

Nakakatulong ang pagsasaalang-alang sa mga indicator na ito sa mas mahusay na pagsusuri ng longevity at halaga ng NFT na proyekto para sa iyong koleksyon ng NFT o portfolio ng crypto.

Magbasa Pa: Paano Binibigyan ng Value ang Mga NFT?
Magbasa Pa

Saan ka puwedeng mag-trade ng mga NFT?

Simulang mag-trade ng mga non-fungible token sa Marketplace ng Binance NFT. Gamit ang dati nang malawak na user base at ang buong ecosystem ng Binance, makuha ang pinakamagandang presyo at halaga para sa iyong artwork at pataasin ang visibility ng iyong mga NFT.

Bukod pa rito, nagtatampok ang Marketplace ng Binance NFT ng isang malawak na hanay ng mga NFT, kabilang ang mga likha mula sa mga kilalang tao, at kilalang brand.

Mag-trade ng Mga NFT sa Binance NFT
Mag-explore

Ano ang iba't ibang uri ng mga NFT?

Dahil sa napakalaking interes sa mga non-fungible token (mga NFT), sumikat nang husto ang mga crypto-collectible at NFT art. Ang ilan sa mga pinakasikat na mapaggagamitan ng NFT ay ang mga Art NFT, Collectible NFT, Finance NFT, Gaming NFT, Music NFT, Real-world asset NFT, at Logistics NFT.

Mga Art NFT
Nagagawa ang mga art NFT kapag ginawang digital ng mga artist ang kanilang artwork at nag-monetize sila papunta sa blockchain. Nakukuha ng mga NFT art ang kanilang halaga sa dalawang pangunahing salik: ang kakayahang ma-verify ang pagiging tunay sa digital na paraan at pagpapatunay ng pagmamay-ari ng partikular na digital asset.
Mga NFT na Collectible
Ang mga NFT na Collectible ay mga natatanging digital asset na na-mint sa blockchain, na puwedeng makolekta o ma-trade ng mga user. Ang ilang espesyal na NFT na collectible ay limited-edition at puwedeng partikular na hinahangad ng mga kolektor.
Mga Music NFT
Katulad ng mga file na imahe o video, nagagawa ang mga Music NFT kapag nag-attach ka ng musika o audio sa NFT. Ang mga ito ay isang sertipiko ng pagmamay-ari para sa isang natatanging audio o isang musical piece na puwedeng mabili o ibenta.
Mga Video NFT
Ang mga video NFT ay mga digital asset sa anyo ng mga gumagalaw na larawan. Patuloy na sumisikat ang mga NFT na ito dahil sa kakayahang magmay-ari ng mga digital asset tulad ng mga natatanging video at karanasan mula sa kanilang mga paboritong creator, ang kaugnayan sa mga creator na ito, at kahit personal na taste at koleksyon.
Mga Avatar NFT
Ang mga avatar na NFT ay mga imahe ng isang character sa format na "headshot" na digital profile picture. Bawat isa sa kanila ay natatangi at nabuo sa pamamagitan ng isang algorithm na may iba't ibang katangian. Magagamit ang mga NFT na ito para mapaunlad ang diwa ng komunidad, magpakita ng digital na status, at kahit magsilbing ticket para sa mga eksklusibong event sa metaverse.
Mga Game NFT
Ang mga Game NFT ay naiiba sa simpleng paghawak ng mga crypto-collectible sa iyong wallet. Gagamitin ng NFT na laro ang mga NFT sa mga panuntunan, mekanismo, at interaksyon ng manlalaro nito. Halimbawa, ang isang laro ay puwedeng mag-alok ng isang bihirang game skin bilang isang NFT, at ang manlalaro na unang makapag-unlock nito ang magmamay-ari nito. Patuloy itong sumisikat sa mga gamer na pamilyar na sa konsepto ng may halagang mga digital item.
Mga Trading Card na NFT
Ang mga Trading card na NFT ay puwedeng gamitin bilang virtual na representasyon ng mga pisikal na trading card. Maiugnay ang kanilang hatak sa mga sumusunod na salik: ito ay madaling ma-verify, lalo na kapag importante ang scarcity sa halaga ng card, nagtatagal na pagmamay-ari sa blockchain, at mga rare card bilang isang uri ng pamumuhunan.
Mga Meme NFT
Isang phenomenon na tinawag na "meme gold rush," ang mga meme NFT ay puwedeng maging isang bagong paraan para sa mga gumagawa ng meme na i-monetize ang kanilang mga meme. Ang halaga ng mga meme na ito ay nakadepende nang malaki sa kasikatan ng meme, sa pagiging orihinal, at pagiging tunay ng digital asset.
Gabay sa Mga Uri ng NFT
Matuto Pa
Magbasa tungkol sa: Ang Epekto ng Mga Music NFT
Magbasa Pa
Magbasa tungkol sa: Ang Pagsikat ng Mga NFT Avatar
Magbasa Pa
Gabay sa Mga NFT Game
Matuto Pa

Ano ang mga sikat na NFT ngayon?

Maraming NFT ang inilulunsad sa merkado araw-araw, tuklasin ang mga pinakasikat na NFT na available sa Marketplace ng Binance NFT sa pamamagitan ng pag-browse sa aming mga ranking board na nagpapakita ng mga nangungunang benta, koleksyon, at creator!

Sino ang mga sikat na NFT artist ngayon?

Ang mga NFT artist ang nasa likod ng rebolusyon ng NFT, alamin kung sino ang mga nagte-trend o papasikat na NFT artist sa pamamagitan ng pag-browse sa aming mga inirerekomendang creator at nangungunang creator sa mga ranking board ng Binance NFT.

Ranking ng Mga NFT Artist
Mag-explore

Ano ang ilang mahalagang trend sa NFT?

1. Pinakamahal na NFT
Gusto mo bang malaman kung aling mga NFT ang tumataas ang presyo? Alamin ang higit pa dito sa Page ng Ranking ng Binance NFT!
2. NFT na may Pinakamababang Floor Price
Naghahanap ng mas abot-kayang NFT na puwedeng ariin? Alamin kung alin ang mga NFT ang may pinakamababang floor price sa Marketplace ng Binance NFT ngayon!
3. Pinakabagong Koleksyon ng NFT
Inaantabayanan ang mga pinakabagong koleksyon ng NFT? Alamin kung ano ang bago sa Marketplace ng Binance NFT ngayon!
Ranking sa Presyo ng NFT
Mag-explore

Saan makakabili ng mga NFT token?

Mula sa pagiging medium ng palitan, nagsisilbing mga reward sa pag-stake at in-game currency, ang mga NFT token ay may mahusay na mapaggagamitan sa mga proyekto ng metaverse. Para makabili ng iyong mga NFT token, pumunta sa Platform ng Binance, kung saan naroon ang isang malawak na hanay ng mga NFT token.

Mag-sign up para sa isang account para makakuha ng access sa mga sikat na NFT token at mamuhunan sa merkado ng NFT ngayon.

Merkado ng NFT Coin

Hanapin ang mga nangungunang NFT coin sa palitan ng Binance.

Gabay sa Pagbili ng Mga NFT Token
Matuto Pa

Puwede bang maraming tao ang nagmamay-ari ng isang NFT?

Para sa karamihan ng mga NFT, puwede lang magkaroon ng isang may-ari sa isang pagkakataon. Gayunpaman, napapansin na rin ang mga fractionalized NFT. Sa madaling salita, ang fractional NFT ay isang buong NFT na hinati sa mas maliliit na bahagi, na nagpapahintulot sa iba't ibang bilang ng tao na magmay-ari sa isang piraso ng parehong NFT.

May halaga ba ang mga NFT?

Ang pag-unawa sa halaga ng NFT ay nakadepende sa kung ano ang kinakatawan nito. Pagdating sa crypto art at mga collectible, halos katulad ang mga ito ng anumang iba pang mga art piece o collectible. Kailangan nating maunawaan ang kuwento sa likod ng likha, ang artistic value, at ang demand para rito sa merkado. Ang halagang nakaugnay sa bawat NFT ay puwede ring matukoy sa pamamagitan ng mga pangunahing indicator tulad ng rarity, paggamit, tangibility, at kasaysayan ng pagmamay-ari.

May epekto ba sa kapaligiran ang mga NFT?

Nag-iiwan ang mga NFT ng carbon footprint, lalo na ang mga tumatakbo sa mga blockchain na Proof-of-Work (PoW) na maraming enerhiya ang kailangan. Sa pagsisikap na mabawasan ang epekto sa kapaligiran ng mga NFT, mas maraming NFT na ang nagawa ngayon sa ilalim ng mas eco-friendly na Proof-of-Stake (PoSS) na modelo.

Ang Bitcoin ba ay isang NFT?

May ilang pagkakatulad ang Bitcoin at mga NFT, pero hindi NFT ang Bitcoin. Habang ang Bitcoin at mga NFT ay parehong batay sa teknolohiya ng blockchain at pinamamahalaan gamit ang magkakatulad na pamantayan, sobrang magkakaiba ang mga ito. Ang Bitcoin ay nauuri bilang isang cryptocurrency na nagpapahiwatig na fungible ito, hindi tulad ng mga NFT, na non-fungible. Gayunpaman, puwede mong gamitin ang Bitcoin o iba pang mga cryptocurrency para bumili ng mga NFT!

Crypto ba ang NFT?

Ang isang karaniwang maling pagkakaunawa ay magkapareho ang cryptocurrency at mga NFT. Gayunpaman, ang isang NFT, gaya ng ipinapahiwatig ng pangalan nito, ay non-fungible, habang ang mga cryptocurrency ay fungible. Halimbawa, ang Bitcoin ay fungible dahil ang bawat unit ng BTC ay may parehong intrinsic na halaga gaya ng anumang iba pang unit ng BTC. Sa mga NFT, ang bawat unit ay natatangi at hindi naipagpapalit.

Sustainable ba ang Mga NFT?
Magbasa Pa

Iba pang mga website at mapagkukunan kung saan puwede kang matuto pa tungkol sa mga NFT

Simulan ang iyong pag-aaral dito
Academy
Manatiling updated sa mga pinakabagong kuwento dito
Blog
I-follow kami para sa pinakabagong mga update sa NFT
Mga Social Media Channel ng Binance NFT
Instagram, Twitter, at YouTube
Sumali sa aming Komunidad!
Sumali Na