Binabayaran araw-araw ang mga user na nagse-stake ng ETH 2.0 sa Binance, at kinakalkula ang yield ng reward ayon sa mga hawak mong BETH sa Spot Wallet. Bukod pa rito, may pila para sa pag-activate ng mga validator, kung saan kailangan ding magbigay ng bayad sa gas.
Nagbabago ang APR sa pag-stake sa ETH 2.0 sa dynamic na paraan, at sumusunod ito sa mga on-chain na reward sa pag-stake sa mainnet. Kapag mas maraming na-stake na ETH sa kabuuan, magiging mas mababa ang APR. Gayundin, nakakaapekto ang mga pagbabago ng on-chain na dami ng transaksyon sa mga reward ng pag-stake ng Ethereum.