Paano bumili ng Stellar Lumens (XLM)
Ano ang Stellar Lumens (XLM)
Ang Stellar ay isang blockchain na itinatag noong 2014 at pinapanatili ng Stellar Development Foundation. Nakatuon ang network sa pagpapahusay ng mga cross-border na pagbabayad at pag-remit.
May sarili itong natatanging mekanismo ng consensus na tinatawag na Stellar Consensus Protocol, na iba kaysa sa Proof of Work at Proof of Stake. Tumatakbo ang mga node na nagva-validate ng mga transaksyon sa mga quorum slice para i-coordinate ang kasunduan ng mga ito.
Hindi tulad ng iba pang blockchain, hindi ibinibigay bilang reward o minimina ang katutubong token ng Stellar, ang Lumens (XLM). Sa halip, na-mint ang inisyal na supply na 100 bilyong XLM nang may taunang 1% rate ng inflation. Noong 2019, binawasan ang kabuuang supply ng XLM, at inalis ang mekanismo ng inflation sa pamamagitan ng botohan ng pamamahala. Ngayon, mayroon nang humigit-kumulang na maximum na 50 milyong XLM. Ginagamit ang XLM para magbayad ng mga transaksyon sa network ng Stellar at bilang tulay sa mga internasyonal na pagbabayad.
Paano bumili ng Stellar Lumens
Bumili at magbenta ng XLM on the Move
