Paano bumili ng Polygon Matic (MATIC)
Ano ang Polygon Matic (MATIC)
Ang Polygon ay isang protocol para sa paggawa ng mga blockchain na compatible sa Ethereum at mga solusyon sa layer 2 scaling. Itinatag ang proyekto noong 2017 ng isang team na binubuo ng 4 na tao bilang tugon sa malalaking bayarin sa transaksyon at mabagal na network ng Ethereum.
Maliban sa pagbibigay ng mga tool ng developer para sa paggawa ng mga sidechain, ang Polygon ay may sarili nitong Proof of Stake chain na tinatawag na Polygon Network. Sikat ang network para sa pagbuo ng dApp dahil sa scalability at mabababang gastusin nito, at madali itong maa-access sa pamamagitan ng Matic wallet mobile app.
Compatible sa Ethereum Virtual Machine ang lahat ng side chain ng Polygon na binuo gamit ang Polygon SDK. Maraming sikat na DeFi dApp ang nag-deploy ng mga bersyon sa Polygon Network para masulit ang mga benepisyo nito.
MATIC ang katutubong utility token ng Polygon na nagbibigay-daan sa pagbabayad ng bayarin sa network at paglahok sa modelo ng consensus na Proof of Stake. Pinapagana ng mga MATIC token ang Polygon Network at mayroon itong maximum na supply na may cap na 10 bilyon, kaya ito deflationary.
Paano bumili ng Polygon Matic
Bumili at magbenta ng MATIC on the Move
