Paano bumili ng Litecoin (LTC)
Ano ang Litecoin (LTC)
Ang Litecoin ay isang cryptocurrency na nagbibigay-daan sa mga halos agaran at murang pagbabayad. Katulad ng iba pang cryptocurrency, gumagana ito sa peer-to-peer na network, kung saan makakapagpadala at makakatanggap ng pera ang mga user nang hindi nangangailangan ng mga tagapamagitan.
Itinatag ang Litecoin noong 2011 ng dating engineer sa Google na si Charlie Lee, na tumawag ditong “lite na bersyon ng Bitcoin.” Ginagamit ng Litecoin ang marami sa mga feature na ginagamit din ng Bitcoin, nang may layuning bigyan ng priyoridad ang bilis ng pagkumpirma sa transaksyon para mas maraming transaksyon ang maisagawa bawat segundo. Pinapahusay ng mga cryptographic algorithm nito ang efficiency ng network at tumutulong itong pabilisin ang pagbuo ng block.
Idinisenyo ang LTC bilang deflationary currency, na may kabuuang sirkulasyon na may cap na 84 na milyon. Sumasailalim ito sa halving sa bawat 840,000 block (humigit-kumulang kada 4 na taon) hanggang sa maging 0 ang reward ng block.
Paano bumili ng Litecoin
Bumili at magbenta ng LTC on the Move
