Paano ka makakasali sa DeFi?
Para mamuhunan sa DeFi, kunin muna ang mga token na kailangan mo sa Binance Smart Chain. Kakailanganin mo ng BNB (BEP20) para makabili. Pagkatapos, kailangan mo ng wallet na may dApp browser para makapag-trade ng mga token sa mga palitan gaya ng Pancake Swap, Venus, Uniswap, atbp. Ang mga ineendorsong wallet ay Trust Wallet para sa mobile at Metamask para sa desktop. Kapag nasa iyo na ang mga token at ang wallet, ligtas ka nang makakapasok sa ecosystem ng DeFi.
Para ka bang naliligaw? Alamin ang mga pangunahing kaalaman sa pag-trade sa DeFi mula sa Binance Academy.
Ano ang DeFi Tokens (DeFi)
Ang mga decentralized finance token, o mas karaniwang kilala bilang mga DeFi token, ay mga desentralisadong application na gumagana sa mga blockchain gamit ang mga smart contract. Layunin ng mga ito na baguhin ang mga bangko, palitan, at iba pang tradisyonal na sistema ng pananalapi sa pamamagitan ng paggamit ng mga cryptocurrency, para hindi na masyado o hindi na talaga mangailangan ng mga third party.
Tumatakbo sa blockchain ng Ethereum ang karamihan ng mga DeFi token. Ang mga user ay puwedeng mag-trade, kumuha ng mga loan, kumita ng interes, at higit pa. Sa kabila ng hype at napakatataas na yield nito, itinuturing ang mga DeFi token na mga pamumuhunang may mataas na panganib na may mataas na volatility.
Kasama sa ilang sikat na DeFi token ang Uniswap (UNI), SushiSwap (SUSHI), PancakeSwap (CAKE), Wrapped Bitcoin (WBTC), Dai (DAI), Compound (COMP), Avalanche (AVAX), at Chainlink (LINK).
Paano bumili ng DeFi Tokens
Bumili at Magbenta ng Mga DeFi Token on the Move
