Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD

Paano bumili ng Bitcoin (BTC)

Ang Binance ay ang pinakamagandang lugar para madaling makabili, makapagbenta, makapag-trade, at makahawak ng BTC. Kapag nag-sign up ka para sa account sa Binance, makakabili, makakapagbenta, at makakahawak ka ng cryptocurrency.
Bumili ng BTC dito

Ano ang Bitcoin (BTC)

Ang Bitcoin ay isang open-source na software na mula pa noong 2009 ay nagbigay-daan sa palitan ng bagong-bagong anyo ng pera (BTC) sa internet.

Ang Bitcoin, na ginawa ng hindi kilalang indibidwal o grupo na gumagamit ng pseudonym na Satoshi Nakamoto, ay naglayong mag-alok ng “peer-to-peer na system ng digital na cash” kung saan hindi na kailangan ng mga middleman sa online na komersyo sa pamamagitan ng mahusay na paggamit ng cryptography ng pampublikong key at peer-to-peer networking.

Ang resulta ay, sa unang pagkakataon, posibleng maglagay ng pera sa isang ekonomiya sa isang iskedyul na hindi saklaw ng anumang bangko sentral o operator. Gaya ng nakatakda sa mga panuntunan ng software, 21 milyong bitcoin lang, na nahahati sa marami pang mas maliliit na unit, ang magagawa.

Sa pamamagitan ng paggawa ng totoong digital scarcity, nahikayat ng Bitcoin ang isang bagong henerasyon ng mga trader na nagtuturing na ngayon sa BTC bilang posibleng alternatibo sa ginto at mga tradisyonal na pera.

Paano bumili ng Bitcoin

Buy Bitcoin with Bank Transfer
Bumili ng mga stablecoin na nakalista sa Binance sa pamamagitan ng pag-wire ng pera mula sa iyong account papunta sa mga provider ng mga coin na ito. Pagkatapos, gamitin ang mga stablecoin na ito para bumili ng Bitcoin sa palitan ng Binance.
Mag-trade ng Bitcoin
Sinusuportahan ng Binance ang pagdeposito ng mahigit sa 300 cryptocurrency, at maipapapalit mo ang ilan sa mga iyon sa Bitcoin sa ilan sa pinakamagagandang rate sa merkado.
Bumili ng Bitcoin gamit ang Credit Card
Puwede kang direktang bumili ng Bitcoin gamit ang credit card o debit card sa Binance. Iniaalok namin ang pinakamagandang ruta ng pagbili ng Bitcoin gamit ang Visa o MasterCard.
Bumili ng Bitcoin nang Direkta
Puwede mo itong bilhin nang direkta mula sa ibang indibidwal sa personal o sa web sa sarili mong kondisyon. Pumunta sa palitan ng Binance P2P para bumili ng Bitcoin nang lokal.

Bumili at magbenta ng BTC on the Move

I-download ang crypto trading app ng Binance at i-trade ang iyong BTC pati na ang 300+ cryptocurrency, kahit saan at kahit kailan.
I-download mula sa
Google Play
I-download sa
App Store

Binance: Kung Saan Nagte-trade ng Bitcoin ang Mundo

Mabilis
Ang world-class na engine ng pagtutugma ng Binance ay sumusuporta sa hanggang sa 1,400,000 order bawat segundo. Sinisiguro nito na ang iyong karanasan sa pag-trade ng crypto ay mabilis at maaasahan.
Simple
Ang pag-trade ng crypto sa Binance ay mabilis at madaling maunawaan. Ilang hakbang lang ang kailangan mo para makabili agad ng Bitcoin.
Ligtas at Pinagkakatiwalaan
Milyon-milyong user ng crypto sa buong mundo ang nagtitiwala sa amin. Ang iyong account ay poprotektahan ng aming multi-tier at multi-cluster na arkitektura ng system at pondo ng insurance ng SAFU (Secure Assets Fund for Users).
Liquid
Ang Binance ay isa sa mga pinaka-liquid na palitan ng cryptocurrency at isa rin ito sa may pinakamatataas na volume sa maraming pares ng crypto.

Ano ang Dapat Gawin Pagkatapos Kong Bumili ng Bitcoin

Mag-store/Humawak ng Bitcoin
Maraming user humahawak ng kanilang Bitcoin nang umaasang tataas ang halaga nito. Ligtas mong maso-store ang Bitcoin mo sa iyong Binance wallet o sa aming crypto wallet app na Trust Wallet, ang pinakamadaling gamitin at pinaka-secure na mobile wallet.
Mag-trade ng Bitcoin
Puwede kang mag-trade ng Bitcoin kapalit ng 300+ cryptocurrency sa platform ng pag-trade ng Binance na nangunguna sa industriya, mabilis, at ligtas. Nag-aalok ang Binance ng maraming pares sa pag-trade ng Bitcoin para matugunan ang iyong mga pangangailangan.
Kumita ng Bitcoin
Makakuha ng Mga Reward sa pag-stake ng mga coin. Ang pag-stake ay isang napakahusay na paraan para i-maximize ang mga hawak mo sa pag-stake ng mga coin na nakatengga lang sana sa wallet o account sa pag-trade.
Magpadala ng Bitcoin
Oo, sa Binance Pay, madali kang makakapaglipat ng halaga sa buong mundo, nang mabilis. Puwede kang bumili ng Bitcoin online at magpadala kahit kanino at kahit saan gamit ang kanilang Bitcoin address nang WALANG bayad.
Gumastos ng Bitcoin
Puwede ka ring bumili ng mga produkto at serbisyo gamit ang iyong Bitcoin. Parami nang parami ang mga vendor at retailer na tumatanggap ng Bitcoin araw-araw. Bisitahin ang alinman sa mga nakalistang merchant para bilhin ang mga paborito mong bagay gamit ang Bitcoin sa Binance Pay
Mag-donate ng Bitcoin
Tumatanggap ang Binance Charity ng mga donasyong Bitcoin para sa mga pandaigdigang proyekto na naglalayong mapabuti ang buhay ng mga taong nasa tinatawag na bottom billion o pinakamahihirap sa mundo. Puwede kang mag-donate ng Bitcoin para walang mapag-iwanan sa paglagong dala ng blockchain.
Matuto Pa Tungkol sa Bitcoin
Makakapagbasa ka ng mga mas detalyadong artikulo tungkol sa Bitcoin at mapag-aaralan mo kung paano gumagana ang mga cryptocurrency gaya ng Bitcoin sa Binance Academy

Simulang bumili ng BTC

Kung handa ka nang gawin ang susunod na hakbang at gusto mong bumili ng ilang Bitcoin, gawin ang susunod na hakbang sa Binance!
Mag-umpisa ngayon
Ang mga presyo ng cryptocurrency ay napapailalim sa mataas na panganib sa merkado at volatility ng presyo. Dapat ka lang mamuhunan sa mga produktong pamilyar sa iyo at kung saan nauunawaan mo ang mga nauugnay na panganib. Dapat mong isaalang-alang nang mabuti ang iyong karanasan sa pamumuhunan, pinansyal na sitwasyon, mga layunin sa pamumuhunan, at tolerance sa panganib at kumonsulta sa isang independent na tagapayo sa pananalapi bago gumawa ng anumang pamumuhunan. Ang materyal na ito ay hindi dapat ipakahulugang pinansyal na payo. Ang nakaraang performance ay hindi maaasahang tagapagpahiwatig ng performance sa hinaharap. Puwede pa ring bumaba o tumaas ang halaga ng iyong pamumuhunan, at puwedeng hindi mo mabawi ang halagang ipinuhunan mo. Ikaw lang ang responsable sa iyong mga desisyon sa pamumuhunan. Hindi responsibilidad ng Binance ang anumang pagkalugi na puwede mong matamo. Para sa higit pang impormasyon, sumangguni sa amingMga Tuntunin ng Paggamit at Babala sa Panganib.
Tandaan na ang data na may kaugnayan sa mga cryptocurrency na nabanggit sa itaas na inilahad dito (tulad ng kasalukuyang live na presyo) ay batay sa mga third party na pinagkukunan. Inilahad ang mga ito sa iyo sa isang "as is" na batayan at para lang sa pagbibigay ng impormasyon, nang walang anumang representasyon o warranty. Ang mga link na ibinigay sa mga third-party na site ay wala rin sa kontrol ng Binance. Hindi responsibilidad ng Binance ang pagiging maaasahan at katumpakan ng mga third-party na site na ito at ng kanilang mga content.