Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD

Ano Ang Mga Dapat Mong Malaman Bago Maglaro ng Axie Infinity (AXS)?

2021-09-12

Bago man ang larong ito, ang konsepto nito ay patuloy na sumisikat. Ang mga naglalaro nito ay kumikita ng cryptocurrency tokens sa laro na pwede nilang i-trade sa kahit anong decentralized exchange para kumita ng pera.

Ang mga player ng Axie Infinity ay may cute na nilalang na tinatawag na Axies. Ang bawat Axie ay isang NFT o non-fungible token. Ito ay unique na digital collectible. Ang mga naglalaro nito ay maaaring makapag-breed o ipag-laban ang kanilang Axies at pwedeng makakumpleto ng quests at makapag-farm ng resources.

Ang larong ito ay may ekonomiya na tinatawag na Lunacia. Dito, pwedeng gamitin ng mga player ang kanilang in-game tokens na AXS (Axie Infinity Shard) o SLP (Smooth Love Potion) para makabili ng lupa, makapagfarm, at makapagparami ng Axies sa Lunacia. Dahil may halaga ang mga token, pwede ito gamitin ng mga player para makabili ng pagkain at magbayad ng renta.

Hindi lang Axie and play-to-earn game na magagamit ng publiko

Kung gusto mong bumili ng AXS ngayon, isipin mo na may iba ring crypto games na maaaring maging sikat ngayon. Ngunit, ang Axie ay sikat dahil matagal na nitong pinapalaganap at itinatayo ng kanyang komunidad. Ang proyektong ito ay nagsimula noong 2017. Dahil sikat na ito ngayon, mas mahirap na ito gayahin. Dahil sa tuloy tuloy na pagbuo ng blockchain technology, kada coin na matagumpay ay kayang makabuo ng mga copycats. Talagang mayroong maaring maging peligro ang bawat cryptocurrency dahil pwedeng may bago at mas maganda na pwedeng pumalit dito. 

Ang Axie Infinity ay kumita ng mas malaki kumpara sa kombinasyon ng sampung pinakaginagamit na aplikasyon

Ayon sa impormasyon mula sa Unchained Podcast, umabot sa $200 million ang kita ng Axie Infinity ngayong Hulyo. Napakalaki ng kinikita nito kumpara sa ibang aplikasyon. Ang kita na ito ay galing sa mga nabibili sa laro katulad ng lupa. Ang Axie ay kumukuha ng 4.25% na fee sa pagbili at pagbenta ng Axie NFTs. Nagchacharge din ito ng fees para sa breeding. Ang maganda dito ay 95% ng kita nito ay bumabalik sa mga naglalaro. Dahil doon, maraming tao mula sa mga umuunlad na bansa ay nagtatalaga ng maraming oras para malaro ito.

Ngunit, kailangang tandaan na ang cryptocurrency ay hindi stock. Pag bumili ka ng stock sa isang kumpanya, pwede kang kumita ng malaki at makakuha ng bahagi ng kita mula sa dibidendo. Ang pagbili ng Axie ay hindi pagmamay-ari ng bahagi ng negosyo. Ang tanging paraan para kumita dito ay ang pagtaas ng presyo ng token.

Nakasira ng record ang pagbenta ng lupa sa Axie

Noong Pebrero, may isang manglalaro ang gumastos ng 888.25 ETH na $1.5 million ang halaga para bumili ng siyam na mga lagay ng lupa sa Axie. Ito ang pinakamalaking nabentang NFT noong panahon na iyon.

Mula noon, napakarami tao ang nakapagbenta ng NFT ng milyong milyong halaga tulad ng CEO ng Twitter na si Jack Dorsey. Nabenta niya ang kanyang kauna-unahang teet ng halos $3 milyon. Dahil dito, hindi lang AXS tokens ang paraan para makapag-invest at kumita sa Axie Infinity. Para sa mga gustong mabuhay sa Lunacia, pwedeng pwede ka ring kumita sa pagmamay-ari ng digital land at Axies.

Para sumali sa laro, kailangan mo ng tatlong Axies

Kung gusto mong mag-invest, pwede kang bumili ng AXS tokens at hintayin na tumaas ang kanilang halaga. Ngunit, ang Axie Infinity ay hindi nakatuon sa mga nag-iinvest dito. Hinihikayat ng komunidad nito ang mga humahawak ng token na makilahok dito.

Kaso, mahal na ang pagsali dito. Ang presyo ng Axies ay tumaas ng sobra, na ang pinakamababang presyo para bumili ng Axie ay $200 o 10,000 PhP na. Ang mga manglalaro ay kailangang gumastong ng $600 o 30,000 PhP para makapaglaro. Ang Axies ay pwedeng makapaglahi ng pitong beses bago sila maging isterilisado. Bukod doon, kelangan mo ng dalawang wallet at maraming ETH o Ethereum bago ka makabili ng una mong Axie.

Iniiwan na ng mga tao ang kanilang trabaho para makapaglaro ng Axie

Ayon sa Substack, isang crypto newsletter, ang isang manglalaro ng Axie ay maaaring kumita ng 4,500 SLP kada buwan. Sa presyo nito ngayon, ito ay nasa $1,500 o 45,000 PhP.

Ayon sa Axie, meron silang mahigit na 250,000 na manglalaro ng Axie araw araw. Kailangan ng larong ito ang istratehiya at oras dahil bukod sa maayos na pagbebreed ng mga Axies para magkaroon ng magagandang talento, kailangan din nilang makakumpleto ng quests para magkaroon ng enerhiya at makasali.

Dahil doon, may mga taong nagtatrabaho sa Pilipinas at Vietnam ang iniwan na ang kanilang trabaho para maglaro at kumita sa Axie. Maraming natulungan ang Axie lalo na't naghihikahos ang ekonomiya dahil sa pandemya. Ngunit, itinuturing itong pandagdag kita ng karamihan imbes na trabaho.

Ang presyo ay tumaas ng mahigit 600% sa isang buwan pero ang halaga nito ay nangalahati

Mula Hunyo hanggang Hulyo, ang presyo ng Axie ay tumaas ng 600%. Noong Hulyo 15, ang presyo nito ay umabot sa pinakamataas na $29.13 bago ito bumagsak sa $14.19 noong Hulyo 20. Ngunit, ang AXS ay tuluyang tumataas pa rin ngayon.

Dahil lahat ng presyo ng cryptocurrency ay pabago-bago, ang malalaking pagbago ng presyo ay dulot ng mga namumuhunan na tinitignan kung tumataas ang barya at natatakot na mapapalampas nila ito. Siguraduhing pag-aralan ng mabuti at tignan ang potensyal ng Axie sa katagalan bago ito bilhin.

Hindi pwedeng bilhin ang Axie sa malalaking exchanges sa Amerika

Sa ngayon, hindi magagamit ang SLP at AXS sa mga malalaking cryptocurrency exchanges sa Amerika. Dahil doon, hindi sila madaling bilhin. Posibleng gumamit ng decentralized exchange pero maging maingat sapagkat hindi ito parating magagamit sa Amerika. Kapag bumili ka mula sa isang palitan na walang regulasyon, mataas ang peligro na ikaw ay maloko. Ang account mo ay pwede ring mapatigil pag nalaman ng awtoridad ang crypto exchange.

Ngunit, magandang panoorin ang Axie. Inirerekomendang intindihin ang industriya ng crypto gaming at konsepto ng play-to-earn bago mo gastusin ang iyong pinaghirapang pera.

Bumili at magbenta ng cryptocurrencies mula sa isang exchange na pinagkakatiwalaan ng mga eksperto

Sa buong mundo, napakaraming plataporma ang naghihintay na mabigyan ang tao ng paraan para magamit ang iba't ibang cryptocurrencies. Kung gusto mong malaman ang pinakamaganda para sayo, kailangan mong piliin ang Binance dahil ito ang may pinakamagandang mga tampok para sa iyo.  

Laruin ang Axie Infinity gamit ang Binance para mapalaki ang iyong kita ngayon!

Kung ikaw ay interesado na posibleng dumami ang iyong kita habang masaya ka sa paglalaro, gamitin ang Binance! Ang Binance ay rekomendado ng karamihan dahil ang trading volume nito ay sobrang taas. Sa Binance, pwedeng pwede kumita ng malaki ang kahit sinong mahilig maglaro. Kung sakaling interesado kang mag-trade ng cryptocurrencies o maglaro ng NFTs, gamitin ang paborito ng nakakarami: Binance. Sa Binance, posibleng madagdagan ang iyong kita kada buwan! Idownload na ang Binance mula sa Apple App Store at Google Play kung gusto mong maglaro at posibleng mapalaki ang iyong kita ngayon.