Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD

Ang Guide Sa SLP Farming Para Sa Axie Infinity

2021-10-03

Kung ikaw ay naglalaro ng Axie Infinity, pwede kang kumita ng SLP o Smooth Love Potions sa pamamagitan ng pagpunta sa mga Adventures or pakikipaglaban sa Arena. Pwede mo rin gamitin and SLP para maka-breed ng Axies o diretsong ibenta ito sa exchange.

May tatlong paraan kang pwedeng kumita ng SLP sa laro. Ito ay:

  • PVP Arena

  • PVE Adventures

  • Daily Quest

Energy

Bago ka pumunta sa Arena o Adventure mode, kelangan mong malaman kung pano gumagana ang Energy. Sa kada laban sa Arena o Adventure, gagastos ka ng 1 Energy. Ang Energy na ito ay kelangan mo para makakuha ng EXP sa Adventure mode at SLP sa Arena. Pag naubos ang Energy mo, ang natatanging paraan para makapag-farm ay ang mga Adventures.

Ang pinakamalaking halaga at bilis na pag-refill ng Energy ay depende sa dami ng Axies na meron ka:

  • Kung ikaw ay may mahigit bente na Axies, 60 ang Energy na pwede mong ma-regain ang 5 Energy kada 2 oras.

  • Kung ikaw ay may 3 hanggang 9 na Axies, 20 and Energy na pwede mong ma-regain ang 5 energy kada 6 na oras.

  • Kung ikaw ay may 10 hanggang 19 Axies, 40 ang Energy na maaari mong ma-regain ang 5 Energy kada 3 oras.

Ang dami ng Energy at oras na natitira bago mo ma-regain ang iyong Energy ay ipinapakita sa taas ng iyong screen sa main menu.

Daily Quests

Pag ikaw ay pumunta sa saily quest, pwede kang kumita ng 50 na SLP. Para makumpleto ang quest, ito ang kelngan mong gawin:

  • Ikumpleto ang pang araw-araw na check in

  • Tapusin and sampung lebel sa Adventure mode

  • Manalo ng limang matches sa Arena

PVE: Adventures

Ang adventure mode ay may kataastaasan na 100 SLP kada araw. Ang dami ng SLP na pwede mo kitain sa bawat lebel ay random. Ngunit, kung mas mataas ang lebel mo, mas maraming SLP ang makukuha mo bilang premyo. Sa unang pagkakataong maglaro ka ng lebel, siguradong makakakuha ka ng SLP. Ngunit, pag nilaro mo ito uli, maaaring di ka makakuha ng premyo pag nakumpleto mo ang lebel.

Sa Adventure mode, pag natalo mo ang mga boss, pwede kang kumita ng one time SLP rewards:

  • Sa Level 21 ay 200 SLP

  • Sa Level 36 ay 300 SLP

Sa bawat lebel, pataas ng pataas ang pwede mong makuhang EXP.

PVP: Arena

Kung gusto mong kumita ng SLP sa Arena, kelangan mong gumastos ng Enerhiya. kung wala kang Enerhiya, hindi ka kikita ng SLP. Ang natatanging paraan para kumita ng SLP habang walang Enerhiya ay sa pamamagitan ng paglaro sa Adventure mode.

Sa Arena, and dami ng SLP na pwede mo kitain ay base sa iyong rating. Kapag mataas ang iyong rating, maari kang kumita ng maraming SLP.

Ang pinakamadaming SLP na pwede mong kitain sa isang araw

Ang pinakamataas na dami ng SLP na pwede mong kitain sa isang araw ay may kinalaman sa dami ng Axies na meron ka at sa iyong Arena rank. Kung ikaw ay may mahigit benteng Axies, pwede kang lumaban sa 60 na Arena matches kada araw. Ito ay kung gagastos ka ng 60 Energy at maghihintay ka ng isang buong araw para mabawi ang Energy na ito. Kung ikaw ay nasa 1100 hanggang 2000, pwede kang kumita ng 7 hanggang 10 SLP kada araw. Sa arena, pwede kang kumita ng 420 hanggang 600 SLP araw araw. Pwede ka rin makakuha ng 50 SLP mula sa daily quest at 100 SLP galing sa Adventure mode. Kung ikaw ay may mahigit benteng Axies, pwede kang kumita ng 570 hanggang 750 SLP kada araw.

Kung iyong i-kokompyut, sa bawat Energy tier, ang pinakamaraming SLP na pwede mong makuha ay sumusunod:

  • 3 hanggang 9 Axies: 290 hanggang 350 kada araw

  • 10 hanggang 19 Axies: 430 hanggang 550 SLP kada araw

  • Mahigit 20 Axies: 570 hanggang 750 SLP kada araw

Eto ang pinakamataas na halaga para makakuha ng rating mula 1100 hanggang 2000. Para makuha ang halaga na ito, kelangan mong manalo sa lahat ng Arena match na imposible mangyari. Kung ang iyong win rate ay 50%, ito ang mga numerong makukuha mo:

  • 3 hanggang 9 Axies: 220 hanggang 250 kada araw

  • 10 hanggang 19 Axies: 290 hanggang 350 SLP kada araw

  • Mahigit 20 Axies: 360 hanggang 450 SLP kada araw

Ang aming payo kung paano mag-farm

Sa PVP, maghanap ng team na pwedeng magtrabaho ng epektibo sayo. Pwede mong gamitin ang Axie Zone para malaman kung ano ang mga teams ang magaling base sa mga leaderboards. Ang website na ito ay maganda para sa mga gustong matuto sa pinakamagaling kasi pwede mong makita ang mga Arena matches dito.

Kung gagamitin mo ang parehong team para sa PVE, pumili ng team na may malakas na damage. Kung pipili ka ng team na magaling lamang sa huling parte ng laro, magiging matagal ang pag-clear ng mga lebel sa PVE. Magresearch ukol sa Class Guide para marami kang matutunan sa mga abilities ng Axies.

Pag pumunta ka sa Adventures at daily quests, siguradong kikita ka ng 150 SLP araw araw. Ang mga matches sa Arena ay parang pagsusugal. Kung ikaw ay hindi suwerte at parating talo sa laban, kakaunti lang ang pwede mong kitain na SLP.

Kapag ikaw ay nasa Adventure Mode, pwede kang makakuha ng maraming SLP pag nasa mataas na lebel ka. Dahil doon, mas magiging madali para sa Axies mo na makarating sa mataas na lebel. Ito ay hindi dahil makakuha ka ng maraming SLP bilang award sa pagtapos ng araw kundi mas mabilis mong maaabot ang cap na 100 SLP. Kung magfafarm ka ng 100 SLP sa pamamagitan ng paulit ulit na paggawa ng una hanggang pang-apat na lebel, siguradong hindi ka magiging masaya.

Paano makuha ang pinakamataas na kita ng SLP kada araw?

  • Unahin ang pag-lebel ang iyong Axies. Kung mababa ang kanilang lebel, gamitin muna ang enerhiya para sa Adventures.

  • Kung mataas na ang lebel ng iyong Axies, ubusin ang enerhiya sa mga Arena Matches.

  • Laruin ang Advetnures hanggang maabot mo ang cap na 100 SLP. Ang magandang lebel para sa pagfafarm ay level 19.

  • I-claim and iyong reward sa Daily Quest.

Kung sakaling hindi dapat ang oras, siguraduhing kuning ang Daily Quest. Ano man ang gawin mo pagkatapos nito ay depende sa dami ng Enerhiya na meron ka. Kung meron ka pang Enerhiya, pumunta sa Arena. Kung wala ka ng Enerhiya, pumunta sa Adventures.

I-Claim ang SLP

Pwede mong i-claim ang iyong SLP kada 14 na araw. Pumunta ka sa iyong account at siguraduhing konnektado ang iyong Ronin wallet. Sa menu, piliin and 'Claim Tokens' at pindutin ang 'Claim SLP.'

Kung locked parin and SLP, ipapakita nito kung kelan mo ito pwede i-claim.

Kumita ng malaki sa paglalaro ng Axie Infinity gamit ang Binance!

Gamitin ang Binance kung gusto mong magenjoy at kumita habang naglalaro. Ang Binance ay may mataas na trading volume kaya talagang rekomendadong gamitin ito lalong lalo na sa mga taong mahilig maglaro!

Kung ikaw ay mahilig sa pagtrade ng cryptocurrencies o paglalaro ng NFTs, siguraduhing Binance ang gamitin. Ang plataporma na ito ay rekomendado ng nakararami dahil sa dami ng gumagamit at taas ng trading volume nito. Maganda ang Binance para sa mga mahilig maglaro ng iba't ibang games tulad ng Axie Infinity. Ang peer-to-peer platform ng Binance ay sadyang rekomendado para sa kahit sinong interesadong mag-trade ng cryptocurrency. Kung gusto mong lumaki ang iyong kita buwan buwan, gamitin ang Binance. Kung ikaw ay mahilig sa paglalaro ng games, talagang rekomendado ang Binance. I-download na ang Binance sa Google Play o Apple App Store kung gusto mo nang maglaro at kumita ngayon! Gamitin ang Binance dahil dito, maaaring lumaki ang iyong kinikita araw araw!