Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD

Mga Layer 1 na Blockchain Token: Lahat ng Kailangan Mong Malaman

2022-02-23

Mga Pangunahing Matututuhan

  • Sobrang bilis ng paglawak ng larangan ng blockchain, na nagpapalala sa problema ng scalability.

  • Ang mga layer 1 na solusyon ang ginagamit para harapin ang problema sa scalability. Desentralisado, secure, at scalable dapat ang mga layer 1 na blockchain protocol.

  • May tatlong paraan ng pagpapatupad sa mga Layer 1 na solusyon – PoS, PoW, at Sharding.

  • Madaling bilhin sa Binance ang mga sikat na Layer 1 na token.

Napakabilis ng paglawak ng larangan ng blockchain kasabay ng tuloy-tuloy na paglulunsad ng mga bagong solusyon at application sa iba't ibang network, at marami sa mga ito ang humaharap sa problema ng scalability. Scalability ang isa sa trilemma ng blockchain na lumilikha ng hamon sa paglawak at operability ng mga blockchain network, ang dalawang iba pa ay ang seguridad at desentralisasyon. Sa post na ito, pag-uusapan natin ang isyu ng scalability, ang mga mungkahing solusyon, at kung paano ka makakabili ng mga sikat na Layer 1 na token sa Binance.

Ang Scalability Trilemma

Gaya ng ipinagpalagay ni Vitalik Buterin, ang founder ng Ethereum, ang salitang “scalability trilemma” ay tumutukoy sa kakayahan ng blockchain na pagsabay-sabayin ang tatlong organic na katangiang bumubuo sa mga pundamental nitong prinsipyo – seguridad, scalability, at desentralisasyon.

Ayon sa trilemma, dalawang katangian lang ang puwedeng taglayin ng anumang teknolohiya ng blockchain, at hindi nito kayang pagsabay-sabayin ang tatlo. Ibig sabihin, palaging may ikokompromisong isa sa mga pundamental na katangian ang kasalukuyang teknolohiya ng blockchain. Isang magandang halimbawa nito ang Bitcoin.  Bagama't nagawa ng blockchain nito na ma-optimize ang desentralisasyon at seguridad, kinailangan nitong ikompromiso ang scalability – isang bagay na wala silang magagawa.

Ano ang Layer 1 Blockchain at Paano Ito Gumagana?

Ang scalability ng blockchain ay ang paglawak ng isang network sa digital na larangan pagdating sa mga bilis ng pagpoproseso ng transaksyon at kakayahan sa pagpoproseso para mabigyang-daan ang pagdaragdag ng mga bagong aplikasyon at ang pagtaas ng paggamit ng mga user. Sa pamamagitan ng scaling, matagumpay na makakasabay ang mga blockchain network sa mga sentralisadong network pagdating sa dami ng transaksyon, pagdami ng aplikasyon, at pakikipag-ugnayan ng user sa pamamagitan ng pag-aalok ng mas matataas na kapasidad sa pagpoproseso at mas matitinding kakayahan. Mula sa teknikal na pananaw, ang “scaling” ay ang pagpapataas sa throughput rate, na sinusukat gamit ang dami ng transaksyon kada segundo.

Ang isa sa mga pangunahing solusyon sa pagharap sa problema ng scalability ay ang paggamit ng mga Layer 1 na solusyon. Ang Layer 1 na blockchain ay isang hanay ng mga solusyon na nagpapaganda sa mismong base protocol para gawing higit na scalable ang pangkalahatang system. Kabilang sa dalawang paraang iminumungkahi para sa pagpapatupad ng mga Layer 1 na solusyon ay ang consensus protocol at sharding.

Kabilang sa mga halimbawa ng mga gumaganang Layer 1 na blockchain ang Bitcoin, Ethereum, Binance Smart Chain (BSC), Litecoin, at Avalanche. Gayunpaman, Bitcoin ang nananatiling pinakaapektado ng mga isyu sa scalability, dahil umaasa ang batayang network sa pagdami ng mga minero para matiyak ang mas mataas na throughput at dami ng transaksyon.

Mga Uri ng Mga Layer 1 na Solusyon sa Blockchain

Desentralisado, secure, at scalable dapat ang mga layer 1 na blockchain protocol. Para maabot ito, gumamit ng iba't ibang paraan ang mga network para mapataas ang pangkalahatang scalability. 

Madalas na kinabibilangan ng mga sumusunod na paraan ang mga foundational na Layer 1 na solusyon:

Consensus Protocol

Ang Proof-of-Work, o PoW, ay ang tradisyonal na mekanismo ng consensus para sa Bitcoin at ETH. Layunin nitong maabot pareho ang consensus at seguridad gamit ang mga minero para mag-decode ng mga kumplikadong cryptographic algorithm. Gayunpaman, humaharap ang PoW sa dalawang malalaking isyu - mabagal ito at makonsumo sa resource.

Ang Proof-of-Stake, o PoS, ay isang mekanismo na gumagamit ng nakabahaging consensus sa kabuuang blockchain network. Puwedeng i-authenticate ng mga user ang mga block na transaksyon batay sa kanilang stake. Mas mahusay ang PoS kaysa sa PoW pagdating sa bilis ng transaksyon, pero talo ito pagdating sa seguridad. Balak ng Ethereum blockchain na lumipat mula PoW patungong PoS sa pamamagitan ng Ethereum 2.0. Ang Ethereum 2.0 ang kolektibong termino para sa isang hanay ng mga upgrade na kasalukuyang isinasagawa para gawing mas scalable at mas sustainable ang Ethereum blockchain.

Sharding

Ang Sharding ang isa pang paraan na na-port mula sa sektor ng mga naipamahaging database at iniangkop para sa mga Layer 1 na solusyon. Ang sharding ay isang eksperimental na pamamaraan sa larangan ng blockchain, dahil kinabibilangan ito ng paghihiwa-hiwalay ng isang network sa isang serye ng magkakaibang database block na tinatawag na mga “shard” – kaya ito tinatawag na “sharding” – na sa pangkalahatan ay mas pinapadali ang pamamahala sa blockchain. Pinapaluwag din ng paraang ito ang mga kasalukuyang pangangailangang iproseso o pangasiwaan ng lahat ng node ang mga transaksyon para mapanatili ang network, dahil pinoproseso ang lahat ng “shard” sa isang parallel na sequence, na nagbibigay-daan para mabakante ang higit pang kapasidad sa pagpoproseso para sa iba pang proseso. 

Mga Sikat na Layer 1 na Token

Unti-unting sumisikat ang mga layer 1 na token simula noong inilunsad ang mga ito, at ang mga pinakasikat na Layer 1 na token ay makikita sa palitan ng Binance:

  1. Ethereum (ETH), sa presyong $3,960.83 at $469,857.85 milyong market cap

  2. Binance Smart Chain (BNB), sa presyong $554.20 at $92,441.19 milyong market cap

  3. Solana (SOL), sa presyong $179.61 at $54,920.16 milyong market cap

  4. Cardano (ADA), sa presyong $1.29 at $42,974.08 milyong market cap

  5. Polkadot (DOT), sa presyong $25.48 at $25,163.52 milyong market cap

  6. Terra (LUNA), sa presyong $62.53 at $24,071.36 milyong market cap

  7. Avalanche (AVAX), sa presyong $79.03 at $19,184.60 milyong market cap

  8. Polygon (MATIC), sa presyong $1.79 at $12,568.81 milyong market cap

  9. Algorand (ALGO), sa presyong $1.69 at $10,631.79 milyong market cap

  10. TRON (TRX), sa presyong $0.08 at $8,171.36 milyong market cap

* Ang mga presyong ito ay batay sa mga presyo noong Disyembre 8, 2021.

Paano Bumili ng Mga Layer 1 na Token?

Plano mo bang magkaroon ng mga sikat na token na ito? Narito ang sunod-sunod na gabay sa pagbili ng mga ito sa palitan ng Binance.

1.  Magdeposito ng fiat sa pamamagitan ng isang e-wallet transfer o bank transfer sa Binance. Tiyaking tingnan ang mga available na fiat channel para sa mga gustong currency.

Opsyonal: I-convert ang mga fiat currency sa BUSD o USDT para mag-trade ng mas maraming klase ng token.

2. Bumili ng mga Layer 1 na token sa pamamagitan ng pagbili gamit ang Wallet, o direkta gamit ang mga credit/debit card.

3. Para mag-stake o sumali sa mga Layer 1 na asset, maglipat ng mga token mula Binance crypto address papunta sa isang MetaMask wallet address sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin.

Konklusyon

Scalability ang isa sa mga dahilang nakakapigil sa pandaigdigang paggamit ng crypto. Kasabay ng pagtaas ng demand sa mga cryptocurrency, tataas din ang pressure na i-scale ang mga blockchain protocol. Dahil may mga partikular na limitasyon ang dalawang layer ng blockchain, ang solusyon sa hinaharap ay ang pagbuo ng isang protocol na lulutas sa scalability trilemma. Simple lang ang dalawang opsyong available para lutasin ang bottleneck – pagaanin ang problema sa scaling, o humanap ng mga posibleng alternatibo.

Handa ka na bang bumili ng mga cryptocurrency? Simulan ang iyong paglalakbay sa cryptocurrency sa Binance

Magsimula sa pamamagitan ng pag-sign up para sa isang account sa Binance.com o i-download ang app ng Binance sa pag-trade ng crypto. Pagkatapos, i-verify ang iyong account. Kapag na-verify mo na ang account mo, may tatlong pangunahing paraan para bumili ng mga cryptocurrency sa Binance gamit ang cash: puwede kang bumili ng crypto gamit ang cash sa Binance sa pamamagitan ng bank transfer, mga card channel, o mga opsyon sa e-wallet. 

Bumili ng BUSD, BNB, at mga cryptocurrency gamit ang Debit Card, Credit Card, o sa pamamagitan ng Bank Transfer

Ang pag-link ng iyong debit card, credit card, o bank account (available sa maraming rehiyon) ang isa sa pinakamadadaling paraan para bumili ng Bitcoin at lampas 100+ cryptocurrency.  

Disclaimer: Ang pag-trade ng cryptocurrency ay nasasailalim sa mataas na panganib sa merkado. Hindi mananagot ang Binance sa anumang pagkalugi mo sa pag-trade. Ang mga opinyon at pahayag sa itaas ay hindi dapat ikonsiderang pinansyal na payo.

Basahin ang mga sumusunod na kapaki-pakinabang na artikulo para sa higit pang impormasyon: