Bumili ng Crypto
Magbayad gamit ang
Mga Merkado
NFT
New
Mga download
English
USD

GCash, Magagamit Mo Na Sa Binance P2P!

2020-08-31

Ngayong puwede mo nang gamitin ang GCash sa Binance P2P, mas marami nang Pilipino ang magkaka-access sa pagbili ng Bitcoin at iba pang cryptocurrencies.

Ngayon, magagamit mo na ang GCash, ang nangungunang e-wallet app sa Pilipinas na may 20 million na user, para bumili ng Bitcoin sa Binance P2P. Puwede ka nang bumili at magbenta ng cryptocurrency sa pagdagdag ng mga account mo sa GCash sa Binance P2P.

Mula nang nabuksan ang Binance P2P para sa PHP noong Hunyo 2020, nakapag-process tayo ng mahigit $13 milyon na halaga ng mga trade at nakapagtala ng mahigit 100% na paglago ng transactions buwan-buwan. Lubos ang pasasalamat nami sa pagiging masigasig ng mga Piilipino pagdating sa Bitcoin at cryptocurrencies, na kita namin dahil 80% ng mga transaksyon sa P2P ay para bumili ng crypto. Excited kaming makita kung paano mapapagbuti ng pagdagdag ng GCash ang inyong pag-trade sa Binance.

Narito ang isang mabilis na guide sa pagdagdag ng GCash account sa Binance P2P, na masusundan naman ng guide sa pagbili ng Bitcoin. Lahat ng ito ay puwede mong magawa sa pamamagitan ng Binance app.

Idagdag Ang Iyong GCash

1. Buksan ang Binance App. Pumunta sa Mga Trade > P2P. Pindutin ang ··· icon sa itaas na bahagi ng iyong screen at piliin ang Mga Paraan ng Pagbabayad.

2. Piliin ang (Mga) Paraan ng Pagbabayad ng P2P > Magdagdag ng isang paraan ng pagbabayad. Hanapin at piliin ang GCash.

3. Ilagay ang hinihinging mga detalye, tapos pindutin ang Kumpirmahin

Bumili Ng Bitcoin Gamit Ang GCash

1. Buksan ang Binance app. Pumunta sa Mga Trade > P2P. Piliin ang Bumili > BTC. Pindutin ang filter icon sa itaas na bahagi ng iyong screen.

2. Piliin ang GCash bilang payment method at PHP bilang currency. Pindutin ang Oo

3. Piliin ang offer na gusto mo at pindutin ang Bumili. Ilagay kung gaano karaming BTC ang bibilhin, at piliin ang GCash bilang payment method. 

4. Ipadala ang bayad sa inilagay na impormasyon ng nagbebenta, sa loob ng nakatakdang limit ng oras.

5. Kumpirmahin ang transaksyon para mapadala ang Bitcoin. I-che-check ng nagbebenta kung napadala na sa kanya ang pera, tsaka niya ipapala ang Bitcoin mo. 

Kunektahin Ang Milyong Pilipino sa Bitcoin

Sa nagdaang mga linggo, kumayosd nang maige ang team ng Binance P2P team upang magdagdag ng mga karagdagang payment option para sa mga Pilipino. Ang pagdagdag ng GCash, na may tinatayang 20 milyong user ngayong taon, ay nahbubukas ng dagdag na oportunidad sa mga Pilipino upang mag-trade ng Bitcoin at ibang crypto.

Nitong nakaraang linggo lang, inilunsad namin ang suporta para sa Western Union, isa sa mga nangungunang serbisyo para sa pagpapadala ng pera ng mga Pilipino. Mahalaga ito dahil halos 10% ng lahat ng mga Pilipino ay nagtatrabaho o nakatira sa ibang bansa, na siyang dahilan ng pagkakaroon ng malaking operasyon ng pagpapadala ng pera sa loob at labas ng bansa. Ito ay isa sa mga serbisyong pagyayamanin ng Binance P2P, dahil puwede mong magamit ang cryptocurrency upang magpadala ng anumang halaga sa paraang mas matipid.