Exchange
Palitan ng Blockchain at crypto asset
Academy
Edukasyon sa blockchain at crypto
Broker
Mga solusyon sa trading terminal
Charity
Kawanggawa
Cloud
Mga solusyon sa palitan ng enterprise
DEX
Mabilis at ligtas na desentralisadong palitan ng digital asset
Labs
Incubator para sa mga nangungunang proyekta ng blockchain
Launchpad
Palataporma ng paglaunch ng token
Research
Mga analysis at report na institutional-grade
Trust Wallet
Opisyal na crypto wallet ng Binance
Bumili ng Crypto
Mga Merkado
Mag-convert
Ang pinakamadaling paraan para mag-trade
Karaniwan
Simple at madaling gamiting interface
Advanced
Kumpletong access sa lahat ng tool sa pag-trade
Margin na Wallet
Pataasin ang iyong mga kita gamit ang leverage
P2P Account
Bank transfer at 100+ na pagpipilian
Stock Token
New
Mag-trade ng Mga Stock gamit ang Crypto
Mag-trade
I-scan para ma-download ang IOS at Android App
Mag-download
English
USD
Blog ng Binance
Mga ulat at update mula sa nangungunang cryptocurrency exchange sa buong bansa.
Paano Nagtayo si CZ ng Nangungunang Crypto Exchange Sa Loob Lang ng 180 na Araw
2020-11-24

Ang kuwento ng Binance ay nasa kamay ng daan-daang taong nagtayo ng platform na ito, pati na rin ng milyun-milyong taong gumagamit nito. Ngunit ang nasa puso ng kuwento ng pinakamalaking cryptocurrency exchange sa mundo ay ang istorya ni Changpeng Zhao (CZ), ang nagtatag ng Binance noong Hulyo 2017 at namuno sa pag-angat nito sa tuktok sa loob lang ng 180 na araw.

Mula sa Burger hanggang sa Bitcoin

Nanggaling sa payak na simula si CZ bilang isang migrante sa Canada na nagmula sa China. Maraming trabahong pinasukan si CZ upang matulungan ang kanyang pamilya. May punto pa ng kanyang buhay na siya ay nagtrabaho sa McDo. 

Dahil sa sipag, nag-graduate si CZ ng kursong computer science sa McGill University sa Montreal. Pagkatapos nito, bumuo siya ng magaling na trading software para sa Tokyo Stock Exchange at Bloomberg Tradebook. Natutunan niyang mag-Bitcoin noong 2013 havang naglalaro ng poker, at napagpasyahan niyang pumasok sa crypto at ituon ang buong buhay niya doon. Dumaan sa puntong binenta pa niya ang kanyang apartment para makabili ng Bitcoin. At kahit bumaba ang halaga ng BTC mula $600 hanggang $200 pagkabili niya nito, kumapit pa rin siya.

Hindi mo kailangang gayahin si CZ para makabili ng Bitcoin. Ngayon, puwede ka nang bumili ng Bitcoin at iba pang crypto sa halagang PHP 1,000!

Paano Naitayo ang Binance

Matapos niyang pumasok sa ibang kumpanya ng crypto gaya ng Blockchain at OKCoin, sinikap ni CZ na magtayo ng kanyang sariling exchange, na pinagsama ang mataas na kalidad ng mga high-frequency trading platform na nabuo na niya dati at ang paggamit ng crypto. Inilunsad niya ang Binance sa pamamagitan ng isang ICO na nagkakahalaga ng $15 million.

Ngunit ang daan patungo sa tuktok ay mahirap, lalo na sa mga unang araw ng Binance. Humarap sa matinding pagsubok si CZ at ang kanyang team noong ang BNB, na siyang crypto ng Binance, ay bumaba ang halaga, habang may mga nangyayari sa industriya na nagpuwersa sa Binance para lumipat-lipat ng lugar.

Bilang tugon, pinamunuan ni CZ ang pagbabago ng Binance tungo sa isang decentralized na kumpanya na may mga empleyado na kalat sa buong mundo. Pinamunuan din niya ang pagbuo sa Binance bilang isang exchange na may mataas na trading volume, mababang singil, at madaming feature para sa mga gumagamit nito. 

At sa loob lang ng maikling panahon, umangat ang Binance sa mundo ng crypto sa gitna ng mga pagsubok na ito. Anim na buwan pagkatapos mabuo ang Binance, naging numero unong exchange ito, at nananatili itong una sa mundo hanggang ngayon.

Pagtuon sa Decentralization

Ngunit sa kabila ng pangunguna ng Binance, nakita ni CZ na ang exchange ay unang hakbang lamang tungo sa isang mas malaking crypto ecosystem na naghahandog ng serbisyong pang-crypto sa maraming tao at paraan. Kasama dito ang pagbuo ng isang decentralized exchange na tinatawag na Binance DEX at ng Binance Chain blockchain, pati na rin ang paglunsad ng Futures at Margin trading. 

May mga taong nagsabi na ang pagtayo ng Binance DEX ay maaaring magdulot ng panganib sa Binance, ngunit sa pananaw ni CZ at ang kanyang team, isa itong oportunidad upang maging mas maliksi at mayabong sa gitna ng pabago-bagong mundo ng crypto.

Ang pilosopiyang ito at patuloy na pinaniniwalaan ni CZ hanggang ngayon, at makikita ito sa paglunsad ng Binance Smart Chain, ang pag-angat ng Binance Futures bilang nangungunang derivatives trading platform, at madami pang serbisyo.

At kahit marami nang nalunsad na bagong serbisyo ang Binance sa loob ng maikli nitong kasaysayan, nanatiling una ang Binance sa crypto trading, hindi lang sa spot exchange kundi pati na rin sa futures trading, na umangat sa loob lang ng isang taon. Salamat ito sa sipag, tiyaga, at bisyon ni CZ, na siya ding taglay ng kanyang team, na ngayon ay may mahigit 1,000+ na taong nakakalat sa mahigit 40 na bansa at nagsisilbi sa 180+ bansa sa buong mundo.

Blog ng Binance
Mga ulat at update mula sa nangungunang cryptocurrency exchange sa buong bansa.
Nov 24
2020