Pag-stake ng Binance ETH 2.0
Binance
2021-05-21 02:50
Pag-stake ng Binance ETH 2.0

Ano ang Ethereum 2.0?

Ang Ethereum 2.0 (kilala rin bilang Eth2 o Serenity) ay isang pag-upgrade na naglalayong pahusayin ang pagiging scalable, secure, at sustainable ng Ethereum network. Ire-release ang Ethereum 2.0 na pag-upgrade sa tatlong phase: Phase 0, Phase 1/1.5, at Phase 2.
Inilunsad ang Phase 0 noong Disyembre 1, 2020, noong naabot na ng kontrata sa deposito ng Eth2 ang mga kinakailangang minimum na asset (524,288 ETH). Inaasahang magsisimula ang Phase 1/1.5 sa 2021, na susundan ng Phase 2.
Pagkatapos ng Phase 2, lilipat ang Ethereum network mula sa isang Proof of Work patungo sa isang Proof of Stake na modelo, na inaasahang magpapaganda sa bilis, husay, at pagiging scalable ng network. Para sa higit pang detalye tungkol sa Eth2, sumangguni sa artikulo ng Academy na Ano ang Ethereum 2.0 at bakit ito mahalaga.

Pag-stake ng Binance ETH 2.0

Kung gusto mong maging isang validator sa Ethereum 2.0, kailangan mong mag-stake ng minimum na 32 ETH. Bilang kapalit nito, susuportahan mo ang network at makakatanggap ka ng mga reward. Kakailanganin mo ang minimum na stake, hardware equipment, at mga karagdagang asset para ma-settle ang mga gastusin sa operasyon ng node. Dapat mo ring ikonsidera ang mga dagdag na panganib, gaya ng mahabang panahon ng pag-lock na posibleng kailangan para makumpleto ang pag-update sa ETH 2.0. Hindi simple ang pagsali sa Pag-stake ng Ethereum, at may mga kaakibat itong panganib.
Para matugunan ito, inilunsad ng Binance ang serbisyo ng “Pag-stake ng ETH 2.0” para bigyan ang lahat ng isang accessible na pag-stake ng Ethereum 2.0. Puwede kang magsimula sa ilang pag-click lang sa halagang 0.1 ETH, at Binance na ang bahala sa lahat ng gastos sa operasyon ng validator at ito na ang sasagot sa panganib ng mga on-chain na multa. Ipapamahagi sa lahat ng user ang lahat ng on-chain na reward sa pag-stake.

Paano lumahok sa Pag-stake ng Binance ETH 2.0

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Pananalapi] - [Binance Earn]. Mag-scroll pababa sa[Pag-stake ng ETH 2.0] at i-click ang [Tumingin Pa].
2. I-click ang [Mag-stake Ngayon], ilagay ang halagang gusto mong i-stake, at i-click ang [Kumpirmahin].
3. May lalabas na pangalawang window ng kumpirmasyon. Tingnang mabuti ang mga tuntunin at kondisyon at i-click ang [Kumpirmahin] kung sumasang-ayon ka.
Habang nasa pag-stake ng ETH 2.0, araw-araw ipapamahagi ang mga BETH na reward batay sa mga hawak na BETH ng user.
*Para sa higit pang detalye tungkol sa pamamahagi, sumangguni sa anunsyo ng Binance.
  • Ibabatay ang halaga ng pag-redeem ng ETH sa kasalukuyan mong mga hawak na BETH sa halip na sa mga inisyal mong naka-stake na asset. Halimbawa, kung nag-stake ka ng 100 ETH, puwede kang makakuha ng 100 BETH sa 1:1 na ratio. At sa petsa ng pag-redeem, kung may hawak kang 110 BETH sa pamamagitan ng transaksyon at pamamahagi ng mga on-chain na reward, puwede kang mag-redeem ng 110 ETH. Aakuin ng Binance ang lahat ng gastusin sa pagpapatakbo ng validator para sa mga user na gumagamit ng serbisyo ng pag-stake ng ETH 2.0.
Hindi mo puwedeng “ma-unstake” ang iyong ETH hangga't hindi nagla-live ang Ethereum 2.0 mainnet. Ibabatay ang halaga ng pag-redeem sa kasalukuyan mong mga hawak na BETH sa halip na sa mga inisyal mong naka-stake na asset.
Halimbawa, kung nag-stake ka ng 100 ETH, puwede kang makakuha ng 100 BETH sa 1:1 na ratio. At sa petsa ng pag-redeem, kung may hawak kang 110 BETH sa pamamagitan ng transaksyon at pamamahagi ng mga on-chain na reward, puwede kang mag-redeem ng 110 ETH. Aakuin ng Binance ang lahat ng gastusin sa pagpapatakbo ng validator para sa mga user na gumagamit ng serbisyo ng pag-stake ng ETH 2.0.
Kapag matagumpay mo nang na-stake ang iyong ETH, makikita mo ang impormasyon ng mga naka-lock mong asset at reward sa landing page ng Pag-stake ng ETH 2.0.

T: Makakatanggap pa rin ba ako ng interes sa pag-stake ng BETH kung na-stake ko na ang aking BETH sa Launchpool o iba pang produkto?

Sagot: Hindi. Ang interes sa pag-stake ng BETH ay kinakalkula batay sa halaga ng BETH na available sa iyong [Fiat at Spot Wallet]. Hindi ka makakatanggap ng interes sa pag-stake kung nakadeposito ang iyong BETH sa Launchpool o iba pang produkto.

T: Makakatanggap pa rin ba ako ng interes sa pag-stake ng BETH kung iwi-withdraw ko ang aking BETH sa isang panlabas na address o proyekto ng BSC?

Sagot: Hindi. Ang interes sa pag-stake ng BETH ay kinakalkula batay sa halaga ng BETH na available sa iyong [Fiat at Spot Wallet]. Hindi ka makakatanggap ng interes sa pag-stake kung na-withdraw na ang iyong BETH papunta sa isang panlabas na address.