Paano Mag-Spot Trade sa Binance App

Binance
2020-12-23 09:55
Video ng Tutorial:I-click ang button na "CC" para baguhin ang wika
Mag-log in sa Binance App, i-click ang [Mag-trade] at pumunta sa page ng spot trading.
Ito ang mga nilalaman ng page ng pag-trade.
1. Merkado at Mga pares ng pag-trade.
2. Real-time na candlestick tsart ng merkado, mga sinusuportahang pares sa pag-trade ng cryptocurrency, seksyon na "Bumili ng Crypto".
3. Magbenta/Bumili na order book
4.Bumili/Magbenta ng Cryptocurrency
5. Mga bukas na order
Puwede mong gamitin ang "Limit order" para bumili ng BNB.
  1. Ilagay ang 0.002 BTC para sa presyo.
  2. Piliin ang 100% para sa dami.
  3. Kapag umabot ang market price ng BNB sa 0.002 BTC, makukumpleto ang "Limit" order at magkakaroon ka ng 1 BNB sa spot wallet mo.
Puwede mong sundin ang parehong mga hakbang para magbenta ng BNB.
  • Ang default na uri ng order ay tinatawag na limit order. Pero kung gusto ng mga trader na maglagay ng order sa lalong madaling panahon, puwede silang lumipat sa [Market] Order. Sa pagpili ng market order, puwedeng agad na gumawa ang mga trader ng transaksyon sa kasalukuyang market price.
  • Kung ang market price ng BNB/BTC ay nasa 0.002, pero gusto mong bumili sa isang partikular na presyo, halimbawa, 0.001, puwede kang maglagay [Limit] order. Kapag umabot ang market price sa iyong set price, maisasagawa ang order mo.
  • Ang porsiyentong ipinapakita sa ibaba ng kahon ng Halaga ng BNB ay tumutukoy sa halaga ng BTC na gusto mong gamitin para bumili ng BNB. Ilagay ang halaga at bumili ng crypto.