Paano Ako Magdedeposito/Magwi-withdraw ng Cryptocurrency sa Binance

Binance
2021-01-11 03:44

Paano magdeposito/mag-withdraw ng cryptocurrency sa Binance App?

Paano magdeposito/mag-withdraw ng cryptocurrency sa website ng Binance?

Paano pumili ng network?

  • Ang BEP2 ay tumutukoy sa Binance Chain.
  • Ang BEP20 ay tumutukoy sa Binance Smart Chain (BSC).
  • Ang ERC20 ay tumutukoy sa Ethereum network.
  • Ang TRC20 ay tumutukoy sa TRON network.
  • Ang BTC ay tumutukoy sa Bitcoin network.
  • Ang BTC (SegWit) ay tumutukoy sa Native Segwit (bech32), at nagsisimula ang address sa “bc1.” Pinapayagan ang mga user na i-withdraw o ipadala ang kanilang mga hawak na Bitcoin sa mga SegWit (bech32) address. Para sa higit pang detalye, sumangguni sa Tungkol sa Segregated Witness (SegWit).
Tiyaking kapareho ng napiling network ang network ng platform kung saan ka magwi-withdraw ng mga pondo o magdedeposito ng mga pondo. Kung mapili mo ang maling network, mawawala sa iyo ang iyong mga pondo.
  • Ang pagpili ng network ay nakadepende sa mga opsyong ibinigay ng panlabas na wallet/palitan kung saan mo ginagawa ang pag-withdraw.
  • Kung ang panlabas na platform ay sumusuporta lang sa ERC20, kailangan mong piliin ang network ng deposito ng ERC20.
  • HUWAG piliin ang may pinakamurang opsyon ng bayad. Piliin ang isa na tugma sa panlabas na platform.
  • Halimbawa, puwede ka lang magpadala ng ERC20 token sa isa pang ERC20 address, at puwede ka lang magpadala ng BSC token sa isa pang BSC address. Kung pipiliin mo ang hindi tugma/naiibang network ng deposito, mawawala sa iyo ang iyong mga pondo.

Sunod-sunod na tutorial

Paano magdeposito ng cryptocurrency sa Binance?

Paano magdeposito ng crypto sa Binance App?

1. Buksan ang iyong Binance App at i-tap ang [Mga Wallet] - [Magdeposito].
2. Piliin ang cryptocurrency na gusto mong ideposito, gaya ng USDT.
3. Makikita mo ang available na network para sa pagdeposito ng USDT. Piliing mabuti ang network ng deposito at tiyaking kapareho ng napiling network ang network ng platform kung saan ka magwi-withdraw ng mga pondo. Kung mapili mo ang maling network, mawawala sa iyo ang iyong mga pondo.
4. Mag-click para kopyahin ang address ng deposito ng iyong Binance Wallet at i-paste ito sa field ng address sa platform kung saan mo gustong mag-withdraw ng crypto.
5. Pagkatapos kumpirmahin ang kahilingan sa pag-withdraw, hintaying maproseso ang paglilipat. Ang pondo ay make-credit sa iyong account sa Binance pagkatapos.

Paano magdeposito ng crypto sa website ng Binance?

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Wallet] - [Pangkalahatang-ideya].
2. I-click ang [Magdeposito] at makakakita ka ng pop-up na window.
3.I-click ang [Magdeposito ng Crypto].
4. Piliin ang cryptocurrency na gusto mong ideposito, gaya ng USDT.
5. Pagkatapos, piliin ang network ng deposito. Tiyaking kapareho ng napiling network ang network ng platform kung saan ka magwi-withdraw ng mga pondo. Kung mapili mo ang maling network, mawawala sa iyo ang iyong mga pondo.
6. Sa halimbawang ito, magwi-withdraw tayo ng USDT mula sa ibang platform at idedeposito ito sa Binance. Dahil magwi-withdraw tayo mula sa isang ERC20 address (Ethereum blockchain), pipiliin namin ang network ng deposito ng ERC20.
7. Mag-click para kopyahin ang address ng deposito ng iyong Binance Wallet at i-paste ito sa field ng address sa platform kung saan mo gustong mag-withdraw ng crypto.
8. Pagkatapos kumpirmahin ang kahilingan sa pag-withdraw, tatagal nang kaunti bago makumpirma ang transaksyon. Iba-iba ang tagal ng kumpirmasyon depende sa blockchain at sa kasalukuyang trapiko ng network nito.
Pakiusap, maghintay nang matiyaga para maproseso ang paglilipat. Ang pondo ay make-credit sa iyong account sa Binance pagkatapos.

Paano mag-withdraw ng cryptocurrency sa Binance?

Paano mag-withdraw ng crypto sa Binance App?

1. Buksan ang iyong Binance App at i-tap ang [Mga Wallet] - [Mag-withdraw].
2. Piliin ang cryptocurrency na gusto mong i-withdraw, gaya ng BNB.
3. I-paste ang address kung saan mo gustong mag-withdraw at piliin ang network.
Piliing mabuti ang network at tiyaking kapareho ng napiling network ang network ng platform kung saan ka magwi-withdraw ng mga pondo. Kung mapili mo ang maling network, mawawala sa iyo ang iyong mga pondo.
4. Ilagay ang iwi-withdraw na halaga, at makikita mo ang katumbas na bayad sa transaksyon at ang pinal na halagang matatanggap mo. I-tap ang [Mag-withdraw] para magpatuloy.
5. Ipo-prompt kang kumpirmahin ulit ang transaksyon. Siguraduhing mabuti at i-tap ang [Kumpirmahin].
Babala: Kung maling impormasyon ang mailalagay mo o mapili mo ang maling network kapag gumagawa ng paglilipat, permanenteng mawawala ang iyong mga asset. Tiyaking tama ang impormasyon bago mo kumpirmahin ang transaksyon.
6. Kailangan mong i-verify ang transaksyon. Sundin ang mga tagubilin sa screen.
7. Pagkatapos kumpirmahin ang kahilingan sa pag-withdraw, hintaying maproseso ang paglilipat.

Paano mag-withdraw ng crypto sa website ng Binance?

1. Mag-log in sa iyong account sa Binance at i-click ang [Wallet] - [Pangkalahatang-ideya].
2. I-click ang [Mag-withdraw].
3. I-click ang [Crypto].
4. Piliin ang cryptocurrency na gusto mong i-withdraw.
5. Piliin ang network.
Piliing mabuti ang network at tiyaking kapareho ng napiling network ang network ng platform kung saan ka magwi-withdraw ng mga pondo. Kung mapili mo ang maling network, mawawala sa iyo ang iyong mga pondo.
6. Ilagay ang address ng tatanggap o pumili sa iyong address book.
7. Ilagay ang iwi-withdraw na halaga, at makikita mo ang katumbas na bayad sa transaksyon at ang pinal na halagang matatanggap mo. I-click ang [Mag-withdraw] para magpatuloy.
8. Kailangan mong i-verify ang transaksyon. Sundin ang mga tagubilin sa screen.
Babala: Kung maling impormasyon ang mailalagay mo o mapili mo ang maling network kapag gumagawa ng paglilipat, permanenteng mawawala ang iyong mga asset. Tiyaking tama ang impormasyon bago mo kumpirmahin ang transaksyon.
9. Pagkatapos kumpirmahin ang kahilingan sa pag-withdraw, hintaying maproseso ang paglilipat. Para sa higit pang impormasyon, puwede kang bumisita rito.

Mga Madalas na Itanong

1. Gaano katagal bago dumating ang aking mga pondo?

Pagkatapos kumpirmahin ang iyong kahilingan sa Binance, tatagal nang ilang sandali bago makumpirma ang transaksyon sa blockchain. Iba-iba ang tagal ng kumpirmasyon depende sa blockchain at sa kasalukuyang trapiko ng network nito.
Pakiusap, maghintay nang matiyaga para maproseso ang paglilipat. Ang pondo ay make-credit sa iyong account sa Binance pagkatapos.

2. Paano tingnan ang kasaysayan ng transaksyon ko?

Puwede mong tingnan ang status ng iyong pagdeposito o pag-withdraw mula sa [Wallet] - [Pangkalahatang-ideya] - [Kasaysayan ng Transaksyon].
Kung gumagamit ka ng App, pumunta sa [Mga Wallet] - [Pangkalahatang-ideya] at i-tap ang icon ng [Kasaysayan ng Transaksyon] sa kanan.

3. Paano magdagdag ng bagong address ng pag-withdraw sa aking Address Book?

1. Para magdagdag ng bagong tatanggap, pumunta sa [Pamamahala ng Address].
2. I-click ang [Magdagdag ng Address ng Pag-withdraw].
3. Piliin ang coin at network. Pagkatapos, maglagay ng label ng wallet, ilagay ang address, at ang MEMO.
  • Ang Label ng Wallet ay isang naka-customize na pangalan na puwede mong italaga sa bawat address ng pag-withdraw para sa sarili mong sanggunian.
  • Ang MEMO ay opsyonal. Halimbawa, kailangan mong ibigay ang MEMO kapag nagpapadala ng mga pondo sa isa pang account sa Binance o sa isa pang palitan. Hindi mo kailangan ng MEMO kapag nagpapadala ng mga pondo sa isang Trust Wallet address.
  • Tiyaking suriing mabuti kung kinakailangan o hindi ang MEMO. Kung kinakailangan ang MEMO at hindi mo ito maibigay, puwedeng mawala sa iyo ang iyong mga pondo.
  • Tandaan na ang ilang platform at wallet ay tinutukoy ang MEMO bilang Tag o Payment ID.
4. Puwede mo ring ilagay ang bagong dagdag na address sa iyong whitelist. Kung naka-enable ang function na ito, sa mga naka-whitelist na address ng pag-withdraw lang makakapag-withdraw ang iyong account.