Paano Magrehistro sa Binance gamit ang Mobile Number

Binance
2020-12-29 02:23
1. Pumunta sa Binance.com at i-click ang [Magrehistro].
2. I-click ang [Mobile] at ilagay ang mobile number at password ng account mo, at ang Referral ID (kung mayroon). Basahin at sang-ayunan ang Mga Tuntunin ng Paggamit at i-click ang [Gumawa ng Account].
Tandaan:
  • Para sa kaligtasan ng account, naglalaman dapat ang password ng kahit man lang 8 character, kabilang ang 1 malaking letra at 1 numero.
  • Kung na-refer ka ng isang kaibigan, ilagay ang referral ID ng iyong kaibigan. Kapag nakapagrehistro ka na, hindi na mababago ang referral.
3. Kumpletuhin ang Pag-verify sa Seguridad.
4. Magpapadala ang system ng code sa pag-verify sa SMS sa iyong mobile phone. Ilagay ang 6 na digit na code sa pag-verify sa loob ng 30 minuto. Kung hindi mo ito natanggap, i-click ang [Ipadala Ulit], o i-click ang [Subukan ang pag-verify gamit ang boses] para gumamit ng pag-verify gamit ang boses bilang kahalili.
5. Binabati ka namin, matagumpay ka nang nakapagrehistro sa Binance.
6. Para mapaigting ang seguridad ng iyong account, i-click ang [Pumunta sa Dashboard] para i-enable ang two-factor authentication (2FA), kabilang na ang pag-verify ng telepono at pag-verify ng Google.