Paano I-access ang Binance NFT sa Binance App at Binance NFT PWA

Binance
2022-04-12 01:11

Ano ang Binance NFT Mini App?

Available na ang Binance NFT sa mga pinakabagong bersyon ng Binance App (iOS v2.43.0 pataas, o Android v2.43.0 pataas). Madali mong maa-access ang mga feature ng Binance NFT sa Binance App. 
Ang Binance NFT Mini App ay isang mobile-friendly na bersyon ng Binance NFT. Mayroon itong simple at madaling gamiting disenyo para ma-access mo ang iba't ibang function ng NFT sa Binance App.
Tandaan: Dahil pinaghigpitan ng Apple ang mga pagbili ng NFT sa mga app sa mga iOS device, aalisin ng Binance ang feature para sa pagbili ng NFT sa lahat ng Binance App sa iOS na may bersyong 2.52.1 o mas bago. Gayunpaman, magagamit mo pa rin ang feature para sa pagbili ng NFT kung mas luma sa 2.52.1 ang bersyon ng iyong Binance App sa iOS. Puwede mo ring gamitin ang Binance NFT Progressive Web Application (PWA) para ma-access ito

Paano i-access ang Binance NFT Mini App sa Binance App?

1. I-download ang pinakabagong bersyon ng Binance App at mag-log in sa iyong account sa Binance.
2. Sa homepage ng App, mag-drag pababa mula sa itaas para i-access ang [Marketplace]. Makikita mo ang [Binance NFT] sa ilalim ng [Sikat].
Tandaan na puwede mo ring ma-access ang Binance NFT sa pamamagitan ng pag-tap sa [Higit Pa] - [Binance NFT].

Paano gamitin ang Binance NFT PWA sa iyong device?

Puwede mong gamitin ang Progressive Web App (PWA) para madaling makabili ng NFT sa iba't ibang device, tulad ng Mac, PC, iPhone, at Android na telepono. Tandaan na apat na browser lang ang sinusuportahan ng Binance NFT PWA: Mac Chrome, PC Chrome, iOS Mobile Safari, at Android Chrome. 

Mobile 

Gagamitin natin ang iOS mobile Safari bilang halimbawa.
1. Pumunta sa website ng Binance NFT sa browser ng iyong mobile at i-tap ang button na [Ibahagi].
2. I-tap ang [Idagdag sa Home Screen], pagkatapos ay i-tap ang [Idagdag]
3. Kapag matagumpay nang na-install, awtomatikong isasara ang browser. Makikita mo ang icon ng Binance NFT PWA sa home screen ng iyong mobile. Puwede mo na ngayong gamitin ang Binance NFT PWA para mag-browse ng mga NFT sa Marketplace ng Binance NFT.
4. Para i-uninstall ang PWA, pindutin ang icon at i-tap ang [Burahin ang Bookmark] - [Burahin].

Desktop

Gagamitin natin ang Mac Chrome bilang halimbawa.
1. Pumunta sa website ng Binance NFT sa Chrome at i-click ang button na [...]. Piliin ang [I-install ang Binance NFT].
2. I-click ang [I-install] sa pop-up. 
3. Makikita mo ang Binance NFT PWA sa Chrome Apps Finder.
Para sa mas madaling pag-access, mag-right click sa icon ng Binance NFT PWA sa Dock. I-click ang [Mga Opsyon] - [Panatilihin sa Dock]
4. Para i-uninstall, i-click ang icon na [...] at piliin ang [I-uninstall ang Binance NFT]
I-click ang [Alisin].