Paano Pumili ng Mga Pares sa Pag-trade

Binance
2021-09-01 08:32
1. Pumunta sa interface ng pag-trade sa Futures at mag-click sa simbolo ng futures contract para buksan ang search box.
2. May 2 uri ng futures contract: USDⓈ-Margined Futures at Coin-Margined Futures. Piliin ang gusto mong futures contract. Halimbawa, kung gusto mong mag-trade ng mga BTCUSDT perpetual contract, i-click ang [USDⓈ-M]. Kung gusto mo namang mag-trade ng BTCUSD Coin-Margined perpetual contract, i-click ang [COIN-M].
3. Piliin ang simbolo ng kontrata na gusto mong i-trade. Puwede mong i-rank ang lahat ng nakalistang simbolo batay sa dami o sa pagbabago ng presyo sa loob ng 24 na oras.
4. Puwede ka ring maghanap ng partikular na crypto futures contract gamit ang search bar. Halimbawa, kung hahanapin mo ang “XRP,” ipapakita sa dropdown na menu ang lahat ng kontrata sa XRP (Quarterly o Perpetual).