Ano ang Mga Pagkakaiba sa Pagitan ng Spot Trading at Futures Trading

Binance
2021-05-31 04:44

Ano ang Crypto Futures Trading?

Ang crypto futures ay mga kontratang kumakatawan sa halaga ng isang partikular na cryptocurrency. Hindi mo pagmamay-ari ang pinagbabatayang cryptocurrency kapag bumibili ka ng futures contract. Sa halip, nagmamay-ari ka ng isang kontrata kung saan sumasang-ayon kang bumili o magbenta ng isang partikular na cryptocurrency sa isang petsa sa hinaharap.

Ano ang Crypto Spot Trading?

Sa spot market, bumibili o nagbebenta ka ng mga cryptocurrency tulad ng Bitcoin at Ethereum para agarang makuha ang mga ito. Sa madaling salita, direktang inililipat ang mga cryptocurrency sa pagitan ng mga kalahok sa merkado (mga mamimili at nagbebenta). Sa spot market, mayroon kang direktang pagmamay-ari ng mga cryptocurrency at may karapatan ka sa mga pang-ekonomikong benepisyo, tulad ng pagboto para sa mga pangunahing fork o pakikilahok sa pag-stake.

Ano ang mga pagkakaiba ng Crypto Spot Trading at Crypto Futures Trading?

1. Leverage - Napakahusay ng futures trading sa paggamit ng kapital dahil sa leverage. Sa isang futures contract, puwede kang magbukas ng 1 BTC na posisyon sa futures gamit ang isang maliit na bahagi ng halaga nito sa merkado. Sa kabilang banda, hindi nagbibigay ng leverage ang spot trading. Halimbawa, para makabili ng 1 BTC sa spot market, kailangan mo ng libo-libong dolyar. Kung ipagpapalagay na 10,000 USDT lang ang available sa iyo, 10,000 USDT lang na halaga ng Bitcoin ang kaya mong bilhin sa ganitong sitwasyon.
2. Flexibility para Mag-long o Mag-short - Kung may hawak kang mga cryptocurrency sa spot market, puwede kang makinabang sa pagtaas ng value ng kapital dahil tumataas ang value ng iyong cryptocurrency sa paglipas ng panahon. Sa kabilang banda, nagbibigay-daan sa iyo ang mga futures contract na kumita mula sa mga panandaliang paggalaw ng presyo sa kahit anong direksyon. Bumaba man ang presyo ng Bitcoin, puwede kang lumahok sa pababang trend at kumita habang patuloy na bumababa ang mga presyo. Puwede ring gamitin ang mga futures contract bilang proteksyon laban sa mga hindi inaasahang panganib at matinding pagbabago-bago ng presyo, kaya mas mainam ang mga ito para sa mga minero at pangmatagalang mamumuhunan.
3. Liquidity - Sa trilyon-trilyong dolyar na buwanang dami, malalim ang liquidity na naibibigay ng mga crypto futures market. Halimbawa, ang Bitcoin futures market ay may average na buwanang turnover na $2 trilyon, na lampas sa dami ng pag-trade sa mga Bitcoin spot market. Dahil sa matatag na liquidity nito, naitataguyod ang pagkakadiskubre ng presyo at nabibigyang-daan ang mga trader na makipagtransaksyon sa merkado nang mabilis at mahusay.
4. Mga Futures vs Spot price - Ang mga presyo ng cryptocurrency ay tinutukoy ng mga mamimili at nagbebenta sa isang ekonomikong proseso ng supply at demand. Ang spot price ay ang namamayaning presyo para sa lahat ng transaksyon sa spot market. Ang futures price naman ay ibinabatay sa nananaig na spot price na dinagdagan ng futures premium. Ang futures premium ay puwedeng positibo o negatibo. Sa positibong premium, ang futures price ay mas mataas sa spot price; sa kabaligtaran, sa negatibong premium, ang futures price ay mas mababa sa spot price. Ang mga pagbabago sa supply at demand ay posibleng magresulta sa pagbabago-bago ng futures premium.