Paano Lutasin ang Error sa 2FA Code

Binance
2020-12-29 02:26
Kung may matatanggap kang mensaheng "error sa 2FA code" pagkatapos mong ilagay ang iyong Google Authentication code, subukan ang mga solusyon sa ibaba:
  • I-synchronize ang oras sa iyong mobile phone (para i-synchronize ang Google Authenticator App mo) at sa iyong computer (kung saan mo sinusubukang mag-log in).
  • Pumunta sa page ng Pag-log In sa Binance gamit ang incognito mode sa Google Chrome.
  • I-clear ang iyong browser cache at cookies.
  • Sa Binance App na lang subukang mag-log in.
Kung wala sa mga suhestiyon sa itaas ang makakalutas sa iyong problema, iminumungkahi naming i-reset mo ang iyong Google Authenticator. Sundin ang mga tagubilin sa Paano I-reset ang Google Authentication o Paano I-reset ang Google Authentication sa Binance App.