Paano Mamahala ng Mga Function ng Sub-Account at Mga Madalas Itanong

Binance
2020-12-29 03:13

Ano ang Sub-Account?

Sa pamamagitan ng sub-account, makakapag-trade ka gamit ang iba't ibang account. Magagamit mo ito para malinaw na mapaghiwa-hiwalay ang mga responsibilidad at mapamahalaan ang mga transaksyon sa mas mahusay at mas secure na paraan.
Available ang function ng sub-account para sa mga user ng corporate account at mga VIP1 (o mas mataas) na user ng personal na account (kinakailangan ang KYC na authentication sa pagkakakilanlan at authentication ng Binance/Google).

Mga function at pamamahala sa sub-account

Pangkalahatang-ideya sa Mga Feature ng Pamamahala sa Sub-account
Function
Paglalarawan
Komento
Pamamahala ng AccountGumawa ng center ng pamamahala sa sub-account at i-freeze o i-unfreeze ang lahat ng function ng bawat sub-account kapag kailangan. Halimbawa, puwede mong i-on ang Margin account, Futures account, at i-enable ang BLVT para sa mga sub-account; puwede mo ring palitan ang password ng mga sub-account nang direkta sa master account.Ang dami ng sub-account na puwede mong maging pagmamay-ari ay nakadepende sa kaukulang VIP na antas ng master account
Pamamahala ng APIGumawa at mag-edit ng mga API KEY at API access ng sub-account.Ang bawat sub-account ay makakagawa ng hanggang 30 API KEY, na puwedeng gamitin para maglagay ng mga order/tanong/posisyon/order atbp. sa pamamagitan ng sub-account sa pampublikong API interface
Pamamahala ng AssetPuwede mong tingnan ang balanse ng master account at lahat ng sub-account. I-click lang ang [Ilipat] para ilipat ang mga asset sa pagitan ng mga master account at mga sub-account nang mabilis at walang anumang bayarin.Sa value man ng BTC o fiat
Pamamahala ng Mga OrderPuwede mong tingnan ang [Mga Bukas na Order], [Kasaysayan ng Order], at [Kasaysayan ng Pag-trade] ng lahat ng iyong sub-account.Puwede ka ring mag-filter ng mga order batay sa mga petsa at pares sa pag-trade
Kasaysayan ng PaglilipatPuwede mong tingnan ang kasaysayan ng paglilipat ng pondo para sa lahat ng account sa pamamagitan ng pagpili ng [Ilipat mula sa] o [Ilipat papunta sa].
Kasaysayan ng Pag-log inPuwede mong suriin ang lahat ng kasaysayan ng pag-log in ng sub-account batay sa petsa, IP address, at lokasyon.

Paano gumawa ng Sub-Account? 

1. I-click ang [Profile] - [Mga Sub-Account].
2. I-click ang [+ Gumawa ng Sub Account].
3. Ilagay ang email address ng iyong sub-account. Puwede kang gumamit ng karaniwang email o virtual na email. Pagkatapos, gumawa ng password at i-click ang [Gumawa ng Sub Account].
Mga Tip:
  • Tandaan na kailangan mong i-verify ang iyong email address pagkatapos gawin ang account;
  • Kapag gumawa ka ng sub-account gamit ang isang virtual na email, ang master account lang ang makakagamit sa sub-account na iyon sa pamamagitan ng API.
4. Kapag nagawa na ang sub-account, matitingnan na ito sa listahan ng pamamahala ng account, kung saan mo puwedeng pamahalaan ang mga pahintulot ng account mo.

Paano mamahala ng mga pahintulot ng sub-account?

  • Pamamahala ng API: Para gumawa ng API KEY ng sub-account, pumunta sa [Pamamahala ng API]  at i-click ang [Gumawa ng API]. Puwede mo ring i-edit dito ang mga pahintulot sa API ng sub-account. I-click lang ang [Baguhin] para mag-edit.
  • Pamamahala ng Asset: Puwede mong tingnan ang balanse ng master account at lahat ng sub-account, sa value man ng BTC o isang fiat currency. I-click lang ang [Ilipat] para ilipat ang mga asset sa pagitan ng master account at mga sub-account nang mabilis at walang anumang bayarin.
  • Pamamahala ng Order: Puwede mong tingnan ang [Mga Bukas na Order], [Kasaysayan ng Order], at [Kasaysayan ng Pag-trade] ng lahat ng iyong sub-account. Puwede ka ring mag-filter ng mga order batay sa mga petsa at pares sa pag-trade.
  • Kasaysayan ng Paglilipat: Puwede mong tingnan ang kasaysayan ng paglilipat ng pondo para sa lahat ng account sa pamamagitan ng pagpili ng [Ilipat mula sa] o [Ilipat papunta sa].
  • Kasaysayan ng Pag-log In: Puwede mong suriin ang lahat ng kasaysayan ng pag-log in ng sub-account batay sa petsa, IP address, at lokasyon.
1. Lahat ba ng sub-account ay makakakuha ng parehong diskwento sa bayad sa transaksyon katulad ng sa master account?
Ang iyong tier ng VIP at mga kaukulang diskwento ay tutukuyin sa pamamagitan ng pinagsama-samang dami ng pag-trade ng lahat ng sub-account at master account, na nagbibigay-kakayahan sa iyong mag-trade sa mas abot-kayang bayarin.
2. Paano ko makakalkula ang referral bonus ng sub-account trading?
Ang dami ng pag-trade ng lahat ng sub-account ay isasama sa pagkalkula ng sa master account, at ang referral bonus ng sub-account ay ibabalik sa nag-refer sa master account. 
3. Ang mga sub-account ko ba ay may limitasyon sa API order na katulad ng sa aking master account?
Oo, ang mga limitasyon sa API order ng bawat sub-account ay kapareho ng sa master account, may kanya-kanyang order limit sa API ang mga sub-account.
Mga Futures order
  • 300 order / 10 segundo
  • 1200 order / 1 minuto
Mga Spot order
  • 50 order / 10 segundo
  • 160,000 order / 24 na oras
4. Nangangailangan ba ang sub-account ng 2FA na pag-verify?
Hindi, ipo-prompt kang i-verify ang iyong email sa unang pag-log in mo sa iyong sub-account. Gayunpaman, inirerekomenda namin na i-enable mo ang 2FA Authentication ng Binance/Google sa mga sub-account mo para sa seguridad.
5. Puwede ba akong mag-withdraw ng mga asset mula sa aking sub-account?
Hindi, master account lang ang makakapamahala sa paglilipat ng asset. Hindi sinusuportahan ang paglilipat ng asset sa pagitan ng mga sub-account at account ng third-party.
6. ​​Ilang sub-account ang puwede kong buksan?
Ang dami ng sub-account na puwede mong buksan ay nakadepende sa antas ng VIP ng iyong master account:
Uri
VIP 1
VIP 2
VIP 3
VIP 4
VIP 5
VIP 6
VIP 7
VIP 8
VIP 9
Spot
20
30
40
50
60
70
80
100
200
Margin
10
10
10
10
10
10
10
10
10
Futures
20
30
40
50
60
70
80
100
200
Leverage Token
20
30
40
50
60
70
80
100
200